"Umalis ka sa harap ko!" sigaw ni Azi kay Johann na kanina pa nakaluhod sa harap sa harap ng dalaga.
Nakaluhod siya hindi para magpropose kundi para humingi ng tawad. Pero galit na galit si Azi at wala itong panahong kausapin siya.
Kanina pa nag-eexplain sa kaniya si Johann pero dahil sa galit ay hindi nito magawang intindihin ang binata.
Hindi inaakala ni Johann na ang unang beses na pagluhod niya sa harap ng dalaga ay hindi para mag propose kundi para magmakaawa dito.
Nasa mukha pa rin ni Johann ang mga pasang natamo niya kay Lucas kanina. Nandito ito kasama ni Azi sa apartment nito dahil nagaalala ito para sa kalagayan ng kapatid.
Kaya bago pa man siya makalapit kay Azi ay dumapo na ang kamao ni Lucas sa mukha niya. Galit na galit ito at pinagmumura siya. Naiintindihan niya naman ang galit ni Lucas at wala siyang magagawa dahil kapatid ito ng babaeng mahal niya.
"Pwede ba Johann umalis ka na muna. Hindi mo ba nakikita si Brayne? Ni hindi ka niya kayang makita. Umalis kana munang tan*na ka bago pa kita mapatay." sabi ni Lucas.
Pero umiling si Johann at nakaluhod pa ring lumapit sa kasintahan niya. Umiiyak ito at ni hindi siya nilingon man lang. Hinawakan niya ang kamay ni Azi pero agad itong binawi ng dalaga.
Parang unti unting dinudurog ang puso ni Johann dahil sa mga luha ni Azi.
'It's my fault. She's sheading tears because of me.'
"Babe. Azi kausapin mo naman ako. Let me explain babe. Please." nagmamakaawa si Johann sa dalaga pero hindi siya nito pinansin at sa halip ay tinalikuran siya.
"Ano pa bang ipapaliwanag mo? Huwag ka ng magsayang ng panahon kasi hindi rin naman kita paniniwalaan pa. You son of bitch you ruin my trust in you!" sigaw sa kaniya ng dalaga.
Napatungo si Johann dahil ayaw niyang makita ang mukha nitong puno ng luha. Sobrang sakit para sa kaniya na makita itong nasasaktan. Pero wala siyang magawa dahil ayaw siya nitong pagbigyan na makapagpaliwanag.
"Johann sinasabi ko sayo umalis ka na. Kanina pa ako nagpipigil dito na hindi ka mabugbog kasi alam kong mahal ka ng kapatid ko, pero tangina mo sinaktan mo siya! Kaya isang lapit at hawak mo pa kay Brayne sisiguraduhin kong mababalian ka ng buto bago ka makalabas dito." galit na galit si Lucas sa kaniya. Kitang kita niya kung paano ito manggalaiti sa kaniya pero pinipigilan nito ang sariling suntukin siya.
Muli niyang nilingon si Azi. Hindi pa rim ito tumitigil sa pag iyak. Panay ang hikbi nito at ramdam na ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito.
Maging siya ay sobrang nasasaktan. Hindi niya kayang nakita si Azi ng ganito. Hindi niya gustong saktan ito. At lalong hindi niya kakayaning iwan siya nito.Dahan dahan siyang tumayo mula sa pagkakaluhod. Sinubukan niyang lapitan si Azi pero mabilis itong itinago ni Lucas sa likod nito.
"Babe, I'll give you time. I'll be back. Babalik ako dito. Babalik at babalik ako hangga't hindi mo ako kinakausap. Gagawin ko ang lahat para maibalik ulit ang tiwala mo sa akin. Babe, please bigyan mo naman ako ng chance mag explain. Kahit hindi ngayon. Kahit hindi bukas o sa sunod na araw. I'll give you time to think pero hindi ako titigil na suyuin ka. Bibigyan kita ng oras para makapag isip-isip pero sana sa mga oras na iyon ay huwag mo akong kalimutan. Babe, mahal na mahal kita. I swear to all the god out there I didn't do it. Just give me chance to explain it all. Just give me chance to prove you I love you. Just give me chance and I'll bring back your trust in me. Please babe. Just one chance. Maghihintay ako kung kailan mo ako bibigyan ng chance. Hihintayin kitang patawarin ako." pagkasabi niyon ni Johann ay tumalikod na siya kay Lucas.
YOU ARE READING
Hello, Mr. Caller [COMPLETED]
RomanceBrayne Azalea Guzman is a call center agent. Magaling siyang magsalita at kumausap ng caller. She loves her job. Talking to somone is her expertise. She loves hearing the costumer's complaints, needs and anything about their company. Until one day s...