Hindi maalis sa isip ni Johann ang babaeng nabundol niya kanina.
Hay kawawa naman.
"Talak kasi ng talak eh."
Naawa siya sa lagay nito. Halatang may iniindang sakit dahil sa bagal at patigil tigil nitong paglalakad pero hindi niya na ito nagawang alukin ng tulong kasi bigla nalang sumakay ng taxi. Dadalhin pa naman sana niya sa ospital.
I felt guilty.
"Oh Johann aga mo ah." Sarkastikong bungad ni Khriz ng makita siya sa lobby ng kompanya.
"Ang board members?" Seryosong tanong niya.
"Andun, bulok na."
Tiningnan niya ito ng masama dahil sa sagot nito sa kaniya.
"Chill, andun sila, bakit ba kasi ang aga mo?"
"Nagkaproblema lang sa daan."
Naisip na naman niya yung babae kanina.
Ah nevermind.
"Anong problema?" Curious nitong tanong.
"Basta."
--
Nang makalabas ang lahat ng board members ng kompanya niya sa conference room ay tiningnan niya ng masama si Khriz na ngayon ay pangiti ngiti na sa kaniya.
"Sabi mo may malaking problema dito kaya ako pumasok ngayon!" Sigaw niya dito.
"Chill ka lang, hindi ka ba natutuwa dahil napaaga nng isang buwan ang pagbabalik mo sa negosyo mo?" Pang-aasar nito.
"Fuck you!"
"You're welcome Johann." Ngumingisi ngisi pa ito sa kaniya.
"Umalis ka nga sa harapan ko." Asik niya sa kaibigan.
"Johann you dont need to remind me that. Aalis naman na talaga ako kasi andito ka na ulit." Seryosong wika nito.
"What do you mean?"
"I mean my dearest friend ikaw na ulit ang bahala sa kompanya mo tutal sayo naman toh. The cold CEO of Zamora Enterprises is back! And besides I am going to take care of my babes thats why."
Kahit kailan talaga puro babae ang nasa isip ng kaibigan niya.
Napaisip tuloy siya, sino kaya ang nag aasekaso sa negosyo ng kaibigan niya habang nambabae ito at inaalagaan ang ang kompanya niya?
"Huwag ka ng magtanong alam ko na nasa isip mo."
"Oh?"
"Yes at huwag kang mag alala dahil bukod sa gwapo ako ay kaya ko rin mag multi task. Napaka talented ko no? You know what marami pa akong kayang gawin, madami rin akong alam na sports, pati sa acads hindi magpapahuli ang isang Khriz at syempre pagdating sa sex marami akong alam na positio-"
"Whatever."
--
Dalawang araw na mula ng mabundol si Brayne ng driver ng aston martin na idol si Paul Walker. At medyo maayos na ang lagay niya. Hindi rin naman siya masyadong napagalitan ng team leader nila dahil sinabi niya rito na mag oovertime nalang siya.
Yung problema niya sa pera well problema niya parin naman hanggang ngayon. Sobrang pagtitipid ang ginagawa niya para umabot ang pera niya sa sahuran. Nahihiya naman kasi siyang mangutang ulit kay Aliyah dahil may utang pa siya dito.
Katatapos niya lang kausapin ang isang caller at nakararamdam na siya ng pagod.
Nag inat siya ng braso at hinilot hilot ang mga balikat niya. Habang hinihilot ang balikat niya ay may caller na naman. Napabuga siya ng malakas na hininga bago isinuot ng maayos ang headset at inayos ang pagkakalagay ng microphone dito.
YOU ARE READING
Hello, Mr. Caller [COMPLETED]
RomanceBrayne Azalea Guzman is a call center agent. Magaling siyang magsalita at kumausap ng caller. She loves her job. Talking to somone is her expertise. She loves hearing the costumer's complaints, needs and anything about their company. Until one day s...