CHAPTER TWENTY-EIGHT

7 1 0
                                    

"Azi!" Isang malakas na sigaw ang narinig nina Lucas at Brayne pagkalabas palang nila ng kotse.

Isang buwan silang nanatili sa probinsya at sinulit ang panahon kasama ang pamilya. Isang buwan siyang masaya kasama ang nanay. Sa loob ng isang buwan na iyon ay naibalik ang sigla ng nanay nila. Sa loob ng isang buwan na iyon ay napunan ang maraming panahong hindi sila magkakasama.

Inaya nilang magkapatid na sumama na sina Eyon at ang nanay sa pagbalik nilang Maynila pero parehong tumanggi ang dalawa, bibisita nalang daw ito kapag may oras. Ayaw sanang pumayag ni Lucas pero wala rin naman siyang nagawa.

Nang lingunin ni Brayne ang lalaking tumawag ay nakita niya ang pagmamadali nitong pumunta sa kaniya.

"Anong nangyari sa boyfriend mo Brayne? Mukhang hindi na tao." Nakangiwing sabi ni Lucas.

Tiningnan ng mabuti ni Brayne si Johann na lakad takbo ang ginagawa makalapit lang sa kaniya. Magulo ang buhok at mukhang pagod na pagod.

Ano bang pinaggagagawa ng lalaking to nong walang ako?

Nang makalapit sa kaniya si Johann ay agad siya nitong niyakap ng mahigpit.

"I miss you so much." Anito.

"Habang tumatagal pacorny ka ng pacorny ah." Tudyo rito ni Lucas.

"Shut up! Hindi naman ikaw ang kailangan ko kaya umalis ka na." Sagot dito ni Johann.

"Watch your mouth Johann, baka nakakalimutan mong ayaw ko pa rin sayo." Si Lucas.

"Don't worry Lucas the feeling is mutual." Ani Johann bago bumaling ulit sa kaniya.

"Aba't talagang lumalakas na ang loob mo ngayon a!"

"Ano na naman bang ginawa ko sayo?" Tanong ni Johann.

"Just seeing your face makes me want to vomit." Ani Lucas.

"Bakit ba laging mainit ulo mo saakin?" Si Johann.

"Bakit hindi iinit ulo ko sayo? Naiisip ko palang na magiging bayaw kita nakakasuka na!"

"Alam mo kung ayaw mo sa akin wala akong pakealam, hindi naman ikaw ang pakakasalan ko one of these days."

"Sa tingin mo ba papayag akong maikasal yang si Brayne sayo?"

"Sa tingin mo ba papayag akong hindi siya sa akin maikasal?"

Nailing nalang si Brayne sa sagutan ng dalawa. Ganito na talaga ang mga ito kahit noong pagkalabas pa lang ni Johann sa ospital hindi na nagbago ang pakikitungo ng kapatid niya dito. Lagi itong nagsasagutan at parang sukang suka sa isat-isa. Minsan nga iniiwanan niya nalang ang mga ito habang nagaaway dahil kahit anong pigil niya hindi naman tumitigil ang dalawa. Minsan pa ngang muntik nanaman itong magsuntunkan buti balang nandoon si Khriz at pumagitna sa dalawa.

"Wala akong pakealam kong baliw na baliw ka sa kapatid ko, hanggat hindi ako pumapayag na magpakasal kayo hindi kayo maikakasal." Si Lucas.

"Ikaw ba ang magkakasal sa amin? Masyado ka namang epal sa lovrlife ko."

"Hindi ako sa lovelife mo umeepal. Kung hindi lang sana tong si Brayne ang binakuran mo baka tinulungan pa kitang magpropose."

"Ano bang problema at ayaw mo sa akin? Kilala mo ako Lucas I won't make her cry."

"Kilala nga kita. At alam ko kung gaano ka kagago. Ngayon pa lang pinoprotektahan ko na ang mga magiging pamangkin ko. Ayaw kong magkaroon ng bayaw na gago."

"You're so childish." Johann.

"Look who's talking." Lucas.

"What?! You're just being bitter." Johann.

Hello, Mr. Caller [COMPLETED]Where stories live. Discover now