Masayang pumasok sa trabaho si Brayne sa araw na ito. Ilang araw na ang nakalipas ng makausap niya ang mahinang nilalang na nakausap niya noon.
Well she enjoy the talk kahit na pakiramdam niya ay tinulugan na naman siya nito kagaya ng unang beses niya itong makausap.
Wala na siyang pakialam kung not related in their company ang pinag uusapan nila. As long as she make him at ease it makes her happy.
Nawala ang pagod na nararamdaman niya ng araw na iyon dahil sa pag uusap nila ng mahinang nilalang.
Somehow she feels better. Pakiramdam niya ang gaan ng loob niya habang kausap ito. Hindi siya naiilang kapag nagsasalita siya at palagi niyang sinusuway ang mga rules kapag ito ang kausap.
Ano ba Brayne dalawang beses mo pa lang naman siyang nakakausap.
Ipinilig niya ang ulo. Panira ang isip niya sa maganda niyang mood ngayong araw. Nakalimutan niya rin pansamantala ang problema niya sa pera at nakakaraos naman siya kahit sobrang pagtitipid ang ginawa niya sa mga nagdaang araw.
Nakadagdag pa sa good mood niya ang balitang sinabi sa kaniya ng team leader nila kanina.
Kaya mo yan Brayne, makukuha mo ang posisyon na iyon.
Masayang tinungo niya ang kaniyang cubicle at tumitig sa monitor ng kaniyang computer.
"Kailan kaya siya ulit tatawag?"
Napailing nalang siya sa sariling tanong. Hindi naman sa umaasa siya pero parang ganun na nga.
Hehe.
Ilang araw na rin kasi simula ng makausap niya ito. At namimis-
Namimiss?
Kumunot ang noo niya sa naisip. Namimiss? Imposible yun. Gusto lang naman niyang malaman ang lagay nito.
Tama gusto ko lang malaman ang lagay niya.
"Teka nag aalala ba ako?"
Napangiwi siya sa tanong. Okay lang naman siguro kung mag alala siya rito. Kung pagbabasehan ang unang beses na nakausap niya ang mahinang nilalang na ito ay talagang mag aalala siya.
Tama yun lang yun.
Pero hindi mawala sa isip niya ang lalaki. Sa ilang araw na nakalipas hindi niya maiwasang maging curious sa pagkatao nito.
Alam niyang mahina ito. Pero yun na yun. Ang tanging alam niya lang ay grabe ito kung magmahal at madali itong masaktan.
Napabuntong hininga siya. Ilang araw niya ng iniisip ang tungkol sa binata at hindi iyon maganda.
Bakit niya nga ba pagtutuunan ng pansin ang taong sa telepono niya lang nakakausap. Wala ng ibang rason para alamin niya ang pagkatao nito. He's just a costumer she needs to gave service. He's just one of the person who misdialed their hotline. Nothing is really important about him. But-
Argh!
Pero kahit anong gawin niyang paraan para maalis sa isip niya ang binata at the end of the day umaasa siyang isa sa mga caller na kakausapin niya ang mahinang nilalang na iyon.
Muli na namang pumasok sa utak niya ang pag request nito sa kaniyang kumanta. Nag init ang pisngi niya dahil dito. Alam niyang may talento siya sa pagkanta pero hindi niya naman ito ginagamit dahil sa hindi naman siya palakanta at nahihiya rin siya sa iba. Tanging ang mahinang nilalang lang na iyon ang kinantahan niya.
Ng dalawang beses.
Mas lalong nag init ang pisngi niya. Paano kung napangitan ito sa boses niya kaya ito palaging nakakatulog. O baka naman mali mali ang tono niya? Or worst baka sintunado talaga siya?
YOU ARE READING
Hello, Mr. Caller [COMPLETED]
RomanceBrayne Azalea Guzman is a call center agent. Magaling siyang magsalita at kumausap ng caller. She loves her job. Talking to somone is her expertise. She loves hearing the costumer's complaints, needs and anything about their company. Until one day s...