Magkasama sina Aliyah at Brayne papasok ng opisina. Lumabas sila upang magbreak. Kung si Brayne lang sana ay okay na ang pagkain sa cafeteria ng kompanya nila pero dahil mayaman at maarte si Aliyah inaya siya nitong lumabas para bumili ng barbecue. Akala niya dadalhin siya nito sa isang mamahaling restaurant o kaya sa fastfood chain pero hinatak lang siya nito sa isang malapit na karinderya na may katabing ihawan.
"Alam mo ikaw ang yaman yaman mo tapos dito mo ako dinala. Akala ko naman kakain tayo sa Shakeys o kaya kahit sa Jollibee o Mcdo man lang." Reklamo niya dito.
"Bakit ba reklamo ka ng reklamo? May pera ka bang pang shakeys? Jollibee o Mcdo?" Sagot naman nito.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Sino ba sa ating dalawa ang mayaman? At sino ba nag aya? Diba ikaw, kaya responsibilidad mo na iyon." Aniya.
"Kung makapagsalita ka naman kala mo ang super poor mo. Hoy ikaw Brayne umayos ka nga, akala mo ba hindi ko alam na tinanggihan mong magtrabaho sa kompanya ni Lucas?" Seryosong anito.
Totoong inalok siya ni Lucas na lumipat sa kompanya nito. Sakanila daw ito at isa siya sa may ari pero tinanggihan niya dahil kontento na siya sa pagiging call center sa AIANO Group at isa pa malapit na rin siyang mapromote. Ilang ulit siyang pinilit ng kapatid na magresign na sa pagiging call center at tulungan itong mamahala ng sariling kompanya pero mahal niya na ang trabaho niya. Ito ang bumuhay sa kaniya ng ilang taon at marami na rin siyang mga naging kaibigan dito. Malaki rin ang sinasahod niya kahit na minsan ay nagkukulang dahil sa mga bayarin at pagpapadala sa nanay at kapatid niya ay okay lang.
Inalok na rin siya ni Lucas na lumipat sa bahay nito para raw magkasama na sila at magkaroon ng mas madaming oras sa isat isa pero kagaya ng una ay tinanggihan niya ito. Aaminin niyang maliit at masikip ang apartment na mayroon siya ngayon pero naging tahanan niya na ito ng ilang taon at hindi niya ito magawang iwanan ng basta.
Kung tutuusin pwedeng pwede na siyang umalis sa trabaho at lumipat ng bahay. Mas magiging maganda sana ang buhay niya pero hindi niya ito maramdaman. Mayroong kung ano sakaniya na pumipigil para iwanan ang mga bagay na kaniyang kinasanayan. Hindi niya gustong magkaroon ng magandang buhay ng hindi man lang pinaghihirapan.
Oo at ipinanganak siyang mayaman at sunod lahat ng luho niya sa katawan pero dahil sa mga nangyari sa buhay niya natutunan niyang paghirapan ang lahat ng bagay. Mas pinahahalagahan niya na ngayon ang mga bagay na mas nagpapasaya sa kaniya at yun ang pagiging isang call center agent na naging daan upang makilala niya si Johann.
"E sa gusto kong maging call center kesa sa magtrabaho sa kompanya niya." sagot niya dito.
"Kompanya niyo! Kompanya niyo Brayne. Akala mo siguro hindi ko alam na sainyong magkapatid nakapangalan ang kompanyang iyon." anito.
Tiningnan niya ito ng masama bakit ba ang daming alam ni Aliyah? Sa pagkakaalam niya pumapasok lang naman ito kapag trip nito at bihira naman silang magkita kasi lagi itong nasa galaan.
"Bakit ba ang dami mong alam? Stalker ba kita?" aniya.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa bago umungos.
"For your information wala akong mapapala sa pag-iistalk sayo saka bakit naman kita iistalk ni wala ka ngang 100 thousand sa ATM mo e."
Kanina lang sinasabi nitong hindi siua 'poor' dahil nga daw may sariling kompanya sila ni Lucas tapos ngayon pinapamukha naman nito sakanya na walang laman ang ATM niya.
"O kung hindi mo ako inistalk pano mo nalalaman lahat ng yan? Don't tell me?" kusang tumigil sa pagsasalita si Brayne nang may marealize siya.
Proud namang ngumiti sa kaniya si Aliyah habang kumikinang ang mga mata.
YOU ARE READING
Hello, Mr. Caller [COMPLETED]
RomanceBrayne Azalea Guzman is a call center agent. Magaling siyang magsalita at kumausap ng caller. She loves her job. Talking to somone is her expertise. She loves hearing the costumer's complaints, needs and anything about their company. Until one day s...