"Ano bang pinagsasabi mo Lucas? Yan si Azi girlfriend na yan ni Johann kaya magtino ka." Si Khriz ang unang bumasag sa katahimikan sa loob ng dining area. Pagkatapos kasing banggitin nitong si Lucas ang mga katagang iyon ay nagkaroon ng isang mahabang katahimikan sa pagitan nilang lahat.
"Oo nga bro. Huwag ka ng magbigay ng motibo sa kaniya. Yang titig mo tanggalin mo na." Naiilang na sabi naman ni Andrie. Nanatili kasing nakatitig kay Brayne si Lucas. At hindi man lang nag iiwas ng tingin.
"Hoy Lucas ano ba? Huwag ka namang ganyan." Si Von naman ang nagsalita. Pinakiramdaman ni Brayne ang kasintahan ngunit nanatili itong tahimik pero may nagbabantang tingin sa kaibigan.
"Ang ooa niyo nagbibiro lang yan si Lucas. Diba?" Si Lucian naman habang pinipilit paupuin si Lucas sa tabi nito. Pero hindi ito nagpatinag at nanatiling nakatayo habang malalim ang tingin sa kaniya.
Hindi kayang labanan ni Brayne ang titig ng lalaki ng matagal kaya naman humarap siya kay Johann at pinisil ang kamy nitong nakahawak sa mga kamay niya.
"Johann?" Nagtatanong ang mga mata ni Brayne. Ramdam niyang pinisil nito ang kamay niya pabalik. Assuring her that everything is fine.
"Lucas ano ba? Tinatakot mo si Azi e." Si Ethan naman ngayon ang nagpupumilit na paupuin si Lucas para mawala ang tensyon sa pagitan ng lahat.
Pero nanatili itong matigas at hindi man lang nakinig sa mga sinasabi ng mga kaibigan nito. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Johann sa kamay niya at ang pagbuntong hininga nito.
"Lucas if you're playing around please not now. Nagseselebrate kami ng birthday ni Azi." malumanay na pakiusap ni Johann sa kaibigan nito.
Ngunit hindi nakinig si Lucas. "Princess." Tinawag nanaman siya nitong prinsesa at may nangungusap ang mga matang nakatingin sa kaniya.
Narinig niyang napamura ang ilan sa kaibigan ni Johann. Tumayo si Von at Lucian at may ibinulong kay Lucas. Pero mukhang wala itong epekto dito.
"Prin-" Lucas was cut off when suddenly Andrie joined Von and Lucian. Nakita niya kung paano pinakiusapan ng tatlo si Lucas. Lucian and Von are holding Lucas side by side while Andrie is talking to him. Telling him to stop playing because he's ruining the celebration they had.
"Lucas tama na ang kalokohan. Bukas mo na ituloy yan. We're celebrating here. Makijoin ka naman. Malayo pa ang April fools day kaya tama na." Rinig niyang sabi dito ni Von.
"Im not playing you fuckers. Bitawan niyo nga ako." Nagpumilit itong makatakas sa hawak ng dalawa at nagawa naman nito.
Nagulat silang lahat ng umikot ito sa mesa at tumigil sa tapat nila ni Johann. Mas lalong humigpit ang hawak sa kaniya ni Johann at ganoon din siya.
"Lucas ano ba?!" bakas sa boses ng kasintahan niya na nauubusan na ito ng pasensya at hindi na kaya pang magtimpi.
"Get off my way." may intensidad ang bawat salitang binitawan nito. Nakita niyang kumuyom ang kaliwang kamao ni Johann. Halatang galit na ito pero pinipigilan lang ang sarili na masaktan ang kaibigan.
Dinig na dinig ni Brayne ang pagmumura ng mga kaibigan ni Johann. Halos lahat ito ay nakatayo na at ihihanda ang sarili sa kung ano man ang susunod na mangyayari.
"You're scaring my girlfriend you dimwit. Stop playing!" malakas na sigaw ni Johann dito pero hindi ito nagpatinag.
"I said get out of my way." Paguulit ni Lucas sa mga katagang binitawan ni to kanina. Pero matigas din amg nobyo niya at hindi nagpatinag sa lakas ng intensidad at awtoridad sa boses ni Lucas.
Itinago siya nito sa likuran at nakipaglaban ng titig kay Lucas.
"Pwede ba Lucas tama na. We're celebrating her birthday please not now." Ani Johann.
YOU ARE READING
Hello, Mr. Caller [COMPLETED]
RomanceBrayne Azalea Guzman is a call center agent. Magaling siyang magsalita at kumausap ng caller. She loves her job. Talking to somone is her expertise. She loves hearing the costumer's complaints, needs and anything about their company. Until one day s...