"Brayne anak, I'm sorry. Patawarin mo si mama." Brayne's mother said while sobbing.
Nasa probinsya sila ngayon ng kapatid niya para bisitahin ang kapatid at nanay niya.
"How's mama?" Lucas asked Brayne.
"Okay lang naman siguro." Walang ganang sagot ni Brayne sa kapatid.
"I heard naconfine siya sa ospital lately?"
"Ah oo."
"Did you visit her?" Lucas asked.
"Oo, pero pinagtabuyan niya lang ako paalis e." Brayne looked away when she said those words because she's afraid that her tears might fall after remembering her mother's face while asking her to leave.
"And why is that?"
"Sinabi ko naman sayo diba, nung umalis kayo nagbago siya. Malayong malayo sa nanay na mayroon tayo noon yung nanay na kilala ko ngayon." Aniya.
"I'm sorry." Lucas said looking down. He felt guilty for what happen to their mother and to the life Brayne has when they leave them.
Napatingin si Brayne sa kapatid at nginitian ito.
"It's not your fault. Maybe you did leave us before but it is not your fault why Mama changed so much." She assured.
"But still, I can't forgive myself for what happen to you. You're my princess, you shouldn't experience those things." anito.
Humarap ito sakaniya at hinawakan ang mga kamay niya. Her brother's hand feels so cold and it sweats all over his palm.
"I'm sorry, if only we didn't left you and mama, this will not gonna happen. I felt guilty for what happen to you. You lived a life far from the life you had before. And our mother, she treat you like nobody."
"Ano? Magsisisihan pa ba tayo hanggang ngayon? Sinisi rin kita noon pero mali ako. Ikaw at si papa sinisi ko kayo kung bakit nasira ang buhay ko. Pero may nangyari bang maganda habang sinisisi ko kayo? There's none. Mas lalo pa ngang naging miserable ang buhay ko nung sinisi ko kayo e. Kasi imbes na gumawa ako ng paraan para makaahon mas inuna kong maghanap ng masisisi. Stop blaming yourself kuya. Ngayong alam ko na yung rason mo, naiintindihan ko na ang lahat. At tanggap ko ng mali ang mga pinaniniwalaan ko noon."
"Imbis na sisihin mo ang sarili mo, why don't you make it up to us?" Aniya rito.
"What do you mean?"
"Meet our mother kuya. Alam kong miss na miss ka na rin niya."
"Let's bring back our family. Let's be one again for the second time."
It's been months since the talk they had. At ngayon lang sila nakapuntang probinsya para puntahan ang nanay niya. Masiyadong maraming panahon ang ginugol ng kapatid niya para mag ipon ng lakas ng loob na harapin ang nanay niya kaya kinailangan niyang hintayin itong maging handa.
Sinisisi pa rin ng kapatid niya ang sarili nito kaya kinailangan niyang patatagin ang loob nito.
Pagkarating palang nila sa probinsya ay parang gusto ng maiyak ni Brayne. This will be the first time that she, her brother and mother will see each other after so many years.
Pero kung naging emosyunal si Brayne mas lalo naman si Lucas.
"Eyon, asan si mama?" Tanong ni Brayne sa nakababatang kapatid na si Eyon pagkarating nila sa bahay sa probinsya.
"Ay ate, nasa kina aleng Susan nagbibingo ata." Anito habang naghahanda ng meryenda para sa kanila ni Lucas.
"Siya ba yung sinasabi mong kapatid natin?" bulong ni Lucas kay Brayne.
YOU ARE READING
Hello, Mr. Caller [COMPLETED]
RomanceBrayne Azalea Guzman is a call center agent. Magaling siyang magsalita at kumausap ng caller. She loves her job. Talking to somone is her expertise. She loves hearing the costumer's complaints, needs and anything about their company. Until one day s...