Eto na ata ang pinaka mahabang araw sa buhay ko.
Umuwi na nga sila nanay kaninang alas dos. At alas kwatro na ng hapon ngayon.
Wala ako maisip gawin bukod sa hindi ko alam kung paano ako kikilos kasama ang babaeng nagpakilalang gf ko ay wala talaga akong maisip na gagawin.
Kanina ay nanuod lamang ako ng tv kasama siya na pinapanuod lang din ang kinikilos ko. Hindi ko masabi kung mabait ba siya or masungit dahil hindi pa kame nakakapag-usap ng matagal.
At ngayon nga ay tinatanong nya ako kung ano ang gusto kong merienda.
Plano kong ituloy ang naputol na usapan namin kanina sa taas. Mga katanungan sa aking isipan.
Sana lang ay may makuha akong matinong sagot sa kanya."Kape lang" sagot ko sa tanong nya.
Tumaas naman ang kilay nya sa sagot kong iyon.
"you can't drink coffee or any drink with caffeine or alcohol. The doctor said it will not be good for you and your medications. Tea is good for you I'm going to ask louisse to prepare -
hindi pa siya tapos ay pinutol ko na ang kanyang mga sinasabi.
" Ayoko ng tsaa hindi ako umiinum non." singit ko sa kanya
Inirapan lang nya ako at patuloy pa din sa pagsabi kay louisse na ngayon ay parang kinikilig na nakatingin sa amin.
" try this tea with honey it's perfect."
makita ko pa lang ang tsaa ay parang nasusuka na ako.
"Okay drink it and I'll answer your question" bigla nyang saad.
"Hala may bayad pa yung sagot?" Nakasimangot kong inamoy yun tasa.
Wala na akong choice kundi sumunod na lamang sa kanya. Kelan pa naging merienda ang tsaa? Dyosko.
"Sige magtatanong na ako"
sabi ko habang dumistansya sa kanya dahil sobrang lapit nya sa akin ay hindi ako makapag concentrate may kung ano sa kanya na kapag nadidikit ako ay nawawala ako sa sarili ko.
"Paano ako naaksidente? anong nangyari sa akin? Bakit ikaw ang kasama ko saan kita nakilala, bakit parang mayaman na ako ngayon? Paano ako napunta sa ospital, bak----"
" wait!!" I said i will answer your question not all of your questions."
Bigla nyang putol sa akin.
Hindi na ako nakatutol ng magumpisa na siyang magkwento.
"You slipped on the floor that caused your head trauma."
"Teka" sabi ko." Parang ang tanga ko naman nadulas lang ako nagka amnesia na ako agad?"
She didnt answer me and continue talking.
"we're having a sleep over with my friends and yours in my condo when that happens. Kukuha ka sana ng juice tapos nadulas ka and then we drove you to the nearest hospital cause you lost consciousness that time."
Sobrang seryoso nya habang nakatitig lamang sa akin.
" i thought i lost you. The doctor who initially do the CT scan didn't found that there's a blood clot in your brain.... Nag flat line ka, and all i hear was noise coming from the machine beeping. Doctor's shouting counting... I was terrified and praying na sana.. na sana hindi yun totoo."
She's crying habang kinu kwento yun sa akin, wala akong idea sa mga nangyari kung totoo ba yun pero sa reaction na nakikita ko sa kanya ay parang naawa ako dahil sa mga luhang naglalabasan sa kanyang mga mata.
" So second life ko na pala ito?" Sabi ko sakanya habang siya ay nagpupunas ng luha.
"it's a miracle that you live. You came back and I promise not to lose you again."
BINABASA MO ANG
To Love Again
Roman d'amourThis is just a dream! Hindi makapaniwala at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ni Kelsey na sa isang iglap ay makakalimutan siya ni Rie. At ang nakakatawa pa ay sa dami ng pwede nyang maalala ay ang kanyang ex pa na si Cath ang tangi lang nitong...