Wednesday October 27th
Nagmamadali akong lumabas ng opisina pagtuntong ng alas tres ng hapon. Binigyan kasi ako ng listahan ni kelsey ng mga dapat dalhin ko para sa outing. Kailangan ko na magayos ng gamit dahil bukas ng gabi na ang flight namin papuntang siargao Island. Halos limang araw kami doon kaya naman dapat icheck ko yung mga gamit ko mabuti mahirap na may makalimutan ako.
Mabilis akong nakauwi sa bahay at dumiretso na sa kwarto para mag impake. Hindi ko na nagawang tawagan si kelsey para sabihan siyang nakauwi na ako.
Kinuha ko ang malaking duffel bag ko at isa isang nilagay ang mga gagamitin kong damit para sa limang araw. Chineck ko din yun listahan binigay sa akin ni kelsey para wala akong makalimutan. Tumayo ako saglit para sagutin yung tumatawag.
" Hello?" mabagal kong pagsasalita
" Hey" sabi sa kabilang linya
Nagulat pa ako ng malaman si kelsey pala yun tumawag.
" nasaan ka?" tanong nito sa akin
Nakalimutan ko nga pala siyang tawagan nakauwi na ako.
" Nasa bahay na sorry hindi ako nakatawag agad nagaayos na ako ng gamit"
" okay do you want me to help you?" Tanong nito sa akin
" Hindi na sa tingin ko naman okay na yun gamit ko. Saka tinignan ko yun listahan mo okay na siguro yun" sagot ko dito. Ayoko na din kasi siyang abalahin pa.
" hmmm seems like you don't want me to help you" malambing na sambit nito. Tinabi ko muna yun bag na inaayos ko at saka naupo sa kama
" Hindi naman sa ganoon ayoko lang magpunta kapa dito at maabala." paliwanag ko sa kanya
" Just make sure na wala kang naiwan okay?" bilin niyang muli sa akin
" yeah okay na lahat wag kana magalala pa." sabi ko dito
" ano nga palang ginagawa mo? Tanong ko ulit sa kanya
" nothing important" maikling sagot nito. Kagabi ko lang siya huli nakita pero na mimiss ko na agad siya hay control your horses alexandra sabi ko sa sarili
Nasa gitna ako ng pakikipagusap ng nagsalita ulit siya.
" Are you still there? Or you're talking to yourself again?" naniniguradong tanong nito sa akin dahil ang tahimik ng paligid ay naririnig ko na nakikinig siya ng music ngayon. Bigla lang ako may naalala dahil dito.
" Andito pa ko saka bakit ko naman kakausapin yun sarili ko? Nga pala kelsey may gusto sana akong itanong sayo eh" nahihiya ko pang sabi.
" Hmm come on spill it"
Pero naisip ko din na mas okay kung maguusap kami ng personal about it.
"Ay wag na lang pala pagusapan na lang natin kapag nagkita tayo"
" Okay" tipid na sagot ulit nito. Hindi man lang nagpilit.
" Sige na baka may gagawin ka pa magpeprepare nako ng hapunan, see you tomorrow kels" paalam ko dito
" yeah see you bye" she drop the call.
Bumaba na ako sa kusina para nga magluto, balak ko din matulog ng maaga ngayon para maganda ang mood ko bukas.
Matapos ko gawin lahat ang mga gawain ko ay umakyat na ulit ako sa kwarto at nagpalit ng pangtulog.
Nag message lang ako kay kelsey ng goodnight at natulog na nga ako.
Dumating ang Thursday at tulad ng inaasahan ay tambak ang trabahong dapat kong tapusin. Matagal din kaming magsasara kaya naman dapat lang na sulitin namin ang working hours ngayon lalo na at naka leave pa ako bukas. Hindi ko na nga nahawakan ang phone ko. Hangang lunch time na. Inaya lang ako ni erika na kumaen kung hindi ay baka hindi ko din namalayan ang oras.
BINABASA MO ANG
To Love Again
RomantiekThis is just a dream! Hindi makapaniwala at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ni Kelsey na sa isang iglap ay makakalimutan siya ni Rie. At ang nakakatawa pa ay sa dami ng pwede nyang maalala ay ang kanyang ex pa na si Cath ang tangi lang nitong...