Chapter 4

1.3K 47 9
                                    

Sino ang mag aakalang ang isang probinsyanang si Rierie ay titira sa maynila plus paano ko nakilala ang mga babaeng yun na parang kabaligtaran ng pagkatao ko?

3 years ago.........

"Oy love gising na! 7am na oh work na tayo." Pilit kong pag gising kay cath.

Si Cath ay girlfriend ko for almost 4 years and 11 months na. Yes mag 5 years na kame next month. Live-in na kame. And yes were both girls.

Bisexual ako at nagkaron na ako ng ilang exes na babae dati.
At si cath nga ang isa don. Actually straight siya sabi niya at nabend ko lang daw siya na hindi ko naman pinaniwalaan.

Maganda si cath, may taas siyang 5"5 at may sexy na katawan. Maputi siya at may mahabang buhok, manipis na labi, mapupungay na mga mata at maganda hugis ng mukha.

Nakilala ko si Catherine sa dati kong work. Magka trabaho kame dati bago kame nagpasyang magresign at magtayo ng sariling negosyo.

"Love huy late na tayo"

" 5 mins love" wika nya.

Masaya kame ni cath sa simpleng buhay lang. Sakto lang din ang kita ng business namin. Nakatira kami sa bahay ni nanay dito sa bulacan kasama ang dalawa ko pang kapatid.
Ganon lamang ang routine namin dalawa sa umaga papasok sa negosyo at pagdating ng hapon ay uuwi na.

Wala kame masyadong pinagaawayan dahil magkasundo naman talaga kami.

Madami din kameng kaibigan ni cath, mga Bisexual din sila at may mga girlfriend na din. Sila ang lagi namin kasama kapag umaalis kami.

Simple lang ang buhay namen dito sa probinsya at wala sa plano namin ang lumuwas pa ng maynila para don mag trabaho.

Mas matanda ako ng isang taon sa kanya at ako ang naghahawak ng pera sa amin, dahil ako din naman nag nagbbudget para sa amin dalawa.

Buong akala ko nga  ay kame na forever ni cath dahil hindi na kami pabata pero mali pala ako dahil siguro sa naubos nyang pasensya ay iniwan niya rin ako at sumama sa iba. At dito na nagsimula magbago ang mundo ko.

May pinagtalunan kaming isang bagay at huli na ng mapagtanto kong hinakot na nya lahat ang damit nya. Wala siyang tinira, nun una akala ko mapipigilan ko pa siya tulad ng nangyari dati pero iba pla ngayon. Talagang desidido na syang iwan ako. At sobra akong nalugmok at nawalang ng pagasa sa nangyari.  Nagmakaawa akong bumalik siya sa akin dahil mahal na mahal ko siya at siya lang ang buhay ko ngunit parang ang damot niya ay hindi na niya ako pinansin at binlock nya ako sa lahat ng social media accounts at nagpalit din siya ng contact number. Nagpunta ako sa kanila ngunit hindi din niya ako nilabas.

Na depressed ako at nawalan ng gana sa buhay. Hindi na ako lumabas noon ng bahay, hindi na ako nagtrabaho. Yun ibang gamit sa shop ay kinuha nya ang iba ay nakatambak na lang. Wala akong ginawa kundi magmukmok at talaga naman walang ibang nakatulong sa akin kahit ang mga magulang at kapatid ko pa.

Hanggang sa nagising na lang ako na wala na ako maramdaman dahil kahit pagpapakamatay ay ayaw sa akin.

Feeling ko ngayon ay iniwan na ako ng mundo. Nilayo ko ang sarili ko sa mga kaibigan ko. Sinisisi ko ang lahat ng tao sa nangyari sa akin.

Makalipas ang ilang buwan at dahil na rin sa inip ay naisipan kong magbukas ng facebook ng biglang nagchat sa akin yun isa kong kaibigang si april, isa siyang manager sa real estate firm.

April:
Rie!
Musta?
 
seen.

April: tara gala tayo!
Umuwe si joan sa kanila sa davao eh.

Me:
Saan?

April:
Sa bgc tara!

Me:
What time?

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon