Chapter 14

852 32 6
                                    

Nagsimula ng umandar ang sasakyan pero wala pa din akong idea kung anong balak nya. Wala man lang siyang sinabi kung saan kami papunta. Basta na lang nya ako hinatak dito.

Dahil naiinis pa din ako ay hindi na lang ako nagsalita. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at tinanaw ang unti unting pagpatak ng ulan. Naalala ko naman ang sasakyan ko na iniwan ko sa parking, alam ko naman safe ito doon at hindi mababasa dahil nasa loob iyon ng mall.

Mag aalas singko na ng hapon kaya umpisa na ng rush hour at syempre nasa makati kami kaya sobrang trapik na idagdag mo pa ang ulan. Mukhang di na uusad toh. Kasalanan babaeng to ito. Sus kuware kapa e gusto mo naman yan, singit ng inner self ko. Epal neto e

Shit, she cursed bulong lang yun pero dinig ko pa din dahil sobrang tahimik ng sasakyan, kaya napatingin ako sa kanya.

Ang ganda ganda nya ngayon. Kanina ay hindi ko sya gaanong natitigan. Nakasuot pala siya ng dress na hindi umabot sa tuhod niya. Skintone ito at hapit sa kanyang katawan. Nakapusod din ang kanyang buhok ng mataas kaya kitang kita ang batok pati na ang kabuuan ng mukha nya. Napalunok na lang ako.

" Hobby mo na yan no?"

Napatingin ulit ako sa kanya dahil hindi ko magets yun sinabi nya.

" Staring" sabay irap nito.

" Ikaw hobby mo din yan noh? Ang irapan ako" at  inirapan ko din siya.

Tahimik ang naging biyahe namin hanggang dumilim na. Hindi pa din nga niya sinasabi kung saan nya ako dadalhin.

" San mo bako dadalhin ma'am?" tanong ko ulit dito. Huminto siya dahil trapik at saka nagsalita.

" In my place" inaantay ko kung may sasabhin pa sya pero hindi na nasundan pa kaya nagtanong na ulit ako.

" Bakit kasama mo pa ako ano gagawin natin don? Hindi ko kailangan ng tutor ha" pabiro kong sabi ulit sa kanya.

" You're so noisy."

Abat talaga palang kakaiba sya ha.

" Gabi na maam may work pa ako bukas ha." sabi ko ulit dito. Parang naiirita na din sya sa mga sinasabi ko. Kaya hindi na ako nagtanong pa ulit.

7pm na ng gabi ng makarating kami sa building ng condo nya. Pamilyar ako dito dahil nakapunta na ako dati. Ang tagal ng byahe namin sa trapik. Wala pa ding tigil ang ulan. Mas lalo pa nga ata itong lumakas. Feeling ko baha na sa ibang daan. Hay

Huminto na ang sasakyan at pumarada na sya sa parking dito sa 5th floor.

" Let's go" sabi nya at bumaba na ng kotse. Sumunod naman ako sa kanya.
Tahimik lang ako dahil nagaalala ako sa aking paguwi. Malamang kasi ay baha na sa daan tapos bibiyahe pako ulit sa makati para kunin yun kotse ko.

" Don't worry I'm not going to kill you here. I just want to make sure na hindi na ako kukulitin ni gerald. I'm sorry for bothering you". Tila ba nabasa nya ang pagaalala sa aking mata.

Tulad ng sinabi ko ay madaling mabasa ng tao ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng aking mga mata, para itong bukas na bintana.

Sumunod lang ako sa kanya ng pumasok siya sa elevator at pindutin ang 8th floor. Napunta naman kami sa likod dahil madami din ang sumakay dito kaya naman di mapigilan mapadikit ang braso ko sa kanyang braso. Parang bigla akong na kuryente dahil sa nangyari at napatingin ako sa kanya na nakatingin din pala sa akin ng mga oras na iyon. Binawi ko agad ang mga mata ko dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Bumilis ang tibok ng puso ko na ngayon ko lang ulit naranasan. Kahit malamig dito ay para akong pinagpapawisan. Para tuloy akong hindi makahinga.

Buti na lang at tatlong floors lang ang inakyat namin, bumukas na ang pintuan ng elevator at lumabas na kami. Salamat at nakahinga na ako ng maluwag dahil kung nagtagal pa ay baka himatayin na ako sa loob.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon