Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Matagal tagal na din ang nakakalipas simula ng umuwi ako sa probinsya sa bulacan kaya naman ngayon weekends ay nagpasya akong umuwi dito.
Maaga akong bumiyahe from pasig to bulacan, namili din ako ng kaunting pasalubong para sa bahay. Pagdating ko doon ay wala naman masyado pinagbago bukod sa nagkwentuhan lamang kami. Hindi rin naman kasi ako close sa aking pamilya kaya wala din ako masyadong ginawa dito.
Pagdating ng hapon ay naisipan kong tawagan si kelsey. Na mimiss ko na rin siya dahil hindi pa kami nagkikita ng dalawang linggo. Busy din kasi siya sa pagtuturo lalo ngayon malapit na ang sembreak para sa nalalapit na undas. Madami siyang inaasikaso at gayon din naman ako, tambak ang trabaho sa opisina dahil na rin sa nalalapit na holiday.
Nakakailang ring na ay hindi niya ito sinasagot siguro ay madami pa siyang ginagawa. Pinatay ko ang tawag at nanuod na lamang ng tv. Hindi din naman kasi ako palalabas dito kaya wala rin akong masyadong naging kaibigan sa probinsya bukod sa mga naging kaibigan ko dati nung kami pa ni cath.
Bigla ko ulit naalala si cath ngayon. Wala ng sakit sa aking puso twing naalala ko siya di tulad dati na naiiyak ako. Ngayon ay wala na akong sama ng loob sa kanya. Naalala ko din ang mga naging kaibigan ko dati, simula kasi ng madepress ako ay pinutol ko na lahat ng komunikasyon ko sa kanila at hindi na ako nagpakita sa kanila. Nakaka miss din sila dahil naging masaya din ako nung panahon kasama ko sila. Minsan nga ay hahanapin ko sila sa fb para kamustahin.
Nasa gitna ako ng pagiisip ng biglang mag ring ang phone ko. Agad ko itong sinagot ng makitang si kelsey ang tumatawag
"hello? Sagot ko dito
" hello alex, i didn't have my phone kanina why did you call? " tanong nito sa akin
" hindi ako si alex ma'am ako si rie" pambibiro ko dito
" what do you want?" seryosong tanong nito
" ang sungit naman. Hindi mo ba ako na miss? Two weeks na kita hindi nakikita ah" sabi ko dito
" Dapat ba ma miss din kita?" prangkang sagot nito
" aray naman dahan dahan naman" sabi kong nagpapaawa dito
" Look alex if you have nothing to say stop bugging me okay? I had so many things to finish." masungit na sabi nito
" sorry na mimiss lang talaga kita isa pa nasa bulacan ako ngayon hindi kita makikita" malungkot kong sabi dito alam ko naman hindi tatalab ang acting ko sa kanya eh
"i will drop this call na, need to attend important matters okay bye mag ingat ka diyan" at inoff na nya ang tawag ahay napabangon na lang ako. Maiinip lang ako kung magkukulong ako dito sa kwarto. Naisipan kong gumala na lang muna.
Magroroadtrip ako bahala na kung saan ako pupunta. Nagpaalam ako kay nanay na aalis at pumayag naman siya. Nagpalit lang ako ng short at tshirt at lumakad na.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng kotse ko basta nagdrive lang ako ngayon. Alas kwarto na pero mainit pa rin ang panahon. Narating ko ang crossing at kailangan ko mamili if kaliwa or kakanan ako. Pinili ko na lang kumaliwa papunta sa bundok.
Pumarada ako sa isang local na kapihan dito na maraming nakatambay. Bumaba ako ng sasakyan at pumasok dito. Bago lang ito sa aking palagay.
Pagpasok ko ay nagulat pa ako dahil hindi inaasahan nakita ko ang dati kong mga kaibigan dito. Kanina lang ay iniiisip ko sila ngayon ay andito na silang tatlo si weg, si lili at jane.
Labis akong natuwa ng nakilala nila ako at nilapitan. Nagkamustahan kami ang nagkwentuhan. Inabot na kami ng gabi dito. Tulad ng dati ay hind pa din sila nagbabago, masayahin pa rin silang tatlo. Masaya akong kaibigan pa rin ang turing nila sa akin. Hindi na naungkat pa ang nangyari sa amin ni cath. Nalaman ko din na may sarili na palang bahay si jane at lili i'm happy for them.
BINABASA MO ANG
To Love Again
RomanceThis is just a dream! Hindi makapaniwala at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ni Kelsey na sa isang iglap ay makakalimutan siya ni Rie. At ang nakakatawa pa ay sa dami ng pwede nyang maalala ay ang kanyang ex pa na si Cath ang tangi lang nitong...