Chapter 49

1.1K 57 3
                                    


Naiinis na sumakay ako ng sasakyan. Hindi ako makapaniwalang sinabihan niya ako ng manyak. Grabe talaga ang bibig ng babaeng to. Nakakunot pa din ang noo ko ng mapatingin ako sa kanya. She's on her phone. Pero nagbaling din siya ng tingin sa akin ng napalakas ang pagsasara ko ng pintuan ng kotse.

" Pwede akong mag commute if masama ang loob."

Malapit ng maubos ang pasensya ko sa kasungitan niya sa totoo lang. Isama mo pa na nakainum ako.

" Ako na nga yun nagmagandang loob na ihatid ka ako pa yun lumabas na masama ah?" litanya ko pakiramdam ko ay ngayon lang umeepekto yun mga nainum ko kanina.

"Bakit hindi ba totoo naman!" pagtataray pa rin niya.

"Anong totoo kailan kita minanyak?" tanong ko sa kanya habang papalit palit ng tingin sa kanya at sa kalsada.

"Oh yeah tell that to the marines alex!" humarap na siya sa bintana ng sasakyan.

Gusto ko pa sanang ipagtanggol ang sarili pero nagddrive kasi ako at ayoko naman maaksidente kami.

Medyo nahihilo na rin ako pero hindi ko lang ito pinahalata. Nakakapagtaka lang dahil sa pagkakaalam ko dati ay hindi naman ako madaling malasing. Kaya tiwala akong kahit uminum ako ng madami ay hindi ako malalasing. Siguro ay isa ito sa epekto ng aksidente ko. Ewan ko ba.

Para akong masusuka kaya naman nag menor ako at binagalan ang patakbo.
Huminto ako sa gilid ng isang convenient store. Sa tingin ko ay kailangan ko muna ng kape. Nagtatakang napatingin naman si kelsey sa akin.

" Wait lang may bibilin lang ako." hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad bumaba ng sasakyan. Halos maduwal naman ako paglabas.

Pakiramdam ko ay lalong umikot ang paligid. Mabilis akong pumasok sa 7/11 at bumili ng instant coffee na black. Lumabas din ako agad dahil baka doon pa ako magsuka.

Sinalubong ako ni Kelsey mukhang nagaalala din siya.

"What's wrong?" umupo muna ako sa bench na nandito sa labas.

"ah wait lang nahihilo ako." saad ko.

"Madami ka bang nainum kanina?" tanong niya at tumabi naman sa akin.

" Sakto lang"

" Sakto lang para malasing ka?" sagot niya.

" Halika na nga." inaya ko siya pero hindi naman siya tumalima.

"Let me drive baka mapano pa tayo you're drunk" ayoko man sana kaso tama siya. Baka hindi ko na nga kayanin pa.

Tumayo na siya at inalalayan ako papasok sa shotgun seat. Nilagyan niya ako ng seatbelt. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga pati na rin ang kanyang pabango. Napapapikit na lang ako at huminga ng malalim. I need to control myself.

Naramdaman kong nagsimula ng umandar ang sasakyan. Nanatili akong nakapikit. Hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako.

Parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit. Gayunpaman ay dahan dahan ako dumilat dahil uhaw na uhaw ako. Ngayon ko lang din napansin na hindi ako nagiisa sa aking kama. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon. Pilit kong inalala ang mga nangyari kung paanong katabi kong natutulog si kelsey sa higaan.

Babangon sana ako ng makita kong nagdilat siya ng mata. Napansin kong iba din ang suot kong damit. Ganoon din naman siya. Naka silk itong pantulog. Kahit lasing ako at medyo dim ang ilaw ay kitang kita ko ang magandang mukha ni kelsey. Pakiramdam ko tuloy ay lalo lang akong nauhaw.

"Where are you going?" mahinang tanong ni kelsey

" Nauuhaw ako kukuha lang akong tubig." tatayo na sana ako pero nakaramdam ako ng pagikot ng paligid. Ano bang klaseng alak yun nainum ko at ganito ako?

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon