Mabilis lumipas ang mga araw.
Magmula noong huli namin pagkikita ni kelsey ay hindi ko na siyan nakita pa. At mula din nuong araw na yun ay napapa isip ako sa huling salitang binigkas nya. Hindi kayo bagay . Akala siguro nya ay may namamagitan sa amin ni karla.
And speaking of Karla, sa loob din ng isang linggo ay tatlong beses ko siyang nakasama dahil nga iyon ang binigay sakin trabaho ng kanyang pinsan. Ang ihanap sya ng bagong condo. Maging driver, minsan naman ay para akong naging baby sitter dahil sobrang arte nga noong babae na iyon.
Kagaya ngayon ay maaga din akong nagout sa opisina dahil nga sasamahan ko daw tong babae na ito sa BGC para doon tumingin dahil ayaw daw nya sa makati at traffic daw roon.
Paglabas ko ng port ay dumiretso na ako sa parking dahil nandon na daw si karla. Tumawag sya sakin kanina lang na don na siya maghihintay sa akin.
Ngayon ay patungo na kame sa titignan nyang condo sa the fort.
At halos malibot na namin lahat ng magagandang properties dito ay wala pa din siyang nagustuhan. Diba ganyan siya kaarte.
Mag aala-singko na ng hapon ng magpasya kaming tumigil na at mag merienda sa isang sikat na coffee shop dito sa arabica. Madami ang nagpupunta dito dahil sa lawak at ganda ng place.
Tahimik lamang akong nakamasid ng magsalita si karla.
"why are you so quite ?" sopistikada nyang bigkas.
Kung tutuusin ay hindi na ako masyado naiinis sa kanya dahil parang nagbago naman na siya di tulad dati na sobrang gaspang ng ugali. At unti unti ko na din syang nakikilala, wala na pala siyang mga magulang at siya na ang naghhandle ng business nila since she was 23.
She's 26 years old now at gusto na daw nya magstay here in the Philippines for good. Kaya bukod sa condo na hinahanap namin ay hahanap din kame ng property or townhouse na pwede nyang tirahan dito sa pinas.
"i just want to feel the soltitude of the place, it so nice here." i honestly answered.
"Are you available tonight?" She asked
" Can you accompany me here? " she showed me the address. Its somewhere near okada. An exclusive club for rich people.
Wala na. Wala na talaga akong time for myself.
At bukod sa wala naman akong ibang choice ay makokonsensya talaga ako dahil sakin siya pinagkatiwala ng kaibigan ko. Hindi ko naman sya maiiwan na lang basta dito at bigla na lang umuwi.
6pm pa lang at maaga pa kaya naisipan ko muna umuwi para din naman makapag palit ng damit pumayag naman siya at magkita na lang daw kame sa qc dahil don sya kasalukuyang umuuwi.
Pagdating sa apartment ko ay nagpahinga muna ako. Hindi naman na ako kakain ng dinner sapagkat kakatapos lang namin mag merienda kanina at busog pa ako.
Hindi ko alam kung anong meron mamaya at wala din akong ideya kung ano ang susuotin ko kaya nagdecide na lang akong mag simpleng ripped jeans, mid boots at tank tops na itim at hindi na ako nag-abala pang patungan ng jacket dahil sa mainit naman.
8pm na at saktong malapit na ako sa meeting place namen ni karla, dito sa tapat ng trinoma nya ako susunduin dahil ako na ang mag ddrive mula dito hangang okada..
Natanaw ko na ang sasakyan ni karla, isang bloody red na camaro, talaga naman kahit sino ay maagaw ang pansin lalo na ng bumaba ang sakay nito.
Hindi maipagkakaila kung gaano siya kaganda ngayon sa kanyang suot na halter dress na fit na fit sa kanyang sexy na katawan. Ang kanyang mga buhok ay kinulot kulot ang dulo na lalong nagpa ganda sa kanyang perfectly jaw lines.
BINABASA MO ANG
To Love Again
RomanceThis is just a dream! Hindi makapaniwala at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ni Kelsey na sa isang iglap ay makakalimutan siya ni Rie. At ang nakakatawa pa ay sa dami ng pwede nyang maalala ay ang kanyang ex pa na si Cath ang tangi lang nitong...