Chapter 18

841 34 9
                                    

Nakauwi ako sa apartment ng may mga ngiti sa labi. Kakaibang saya talaga kapag nakakasama ko si kelsey. Parang nawawala ako sa aking sarili .

Umidlip lang muna ako sandali dahil talagang inaantok pa ako. Mamaya pa naman ala una dadating yun hahakot ng mga gamit ko.

Alas dose na ng tanghali ng ako ay magising. Feeling ko ay bumalik na muli ang lakas ko. Iba talaga ang nagagawa ng pag tulog.

Nagasikaso lang ako sa kusina at nagluto ng tanghalian. Matapos kumaen ay inayos ko na ang iba ko pang mga gamit para masiguradong wala akong maiiwan.

Eksakto ala una ng dumating yun delivery truck na kausap ko. Hinakot na nila lahat ng gamit ko. Yun mga luma na ay iniwan ko na dito. Nauna na sila umalis dahil chineck ko muna lahat kung maayos na ba. Pagkatapos ay nagpaalam na ako sa lessor ko.

Sobrang dami kong alaala dito sa apartment na ito kaya naman hindi ko maiwasan malungkot.

Matapos nuon ay sumunod na ako sa mga naghahakot, nauna na ako sa kanila sa subdivision.

Pagdating doon ay binaba ko na rin ang iba pang gamit na nakalagay sa pickup truck ko. Kumuha din ako ng helper para makatulong ko mamaya sa pagaayos.

Dumating na din ang truck at naibaba naman ng maayos ang mga gamit. Halos sabay din dumating yun inorder ko kahapon sa mall.

Gabi na ng matapos kami sa pagaayos ng bahay. Pinasalamatan ko yun helper at nauna na rin siya. Ako naman ay pumasok na sa loob at naupo sa aking sofa. Sobrang nakakapagod pero fullfiling ang araw na ito.

Eto ay panibagong yugto ng aking buhay. Lalo ngayon na naka move on na ako sa lahat ng sakit at kalungkutan na naranasan ko mula ng iwan ako ni cath. Sigurado akong handa na ako sa panibagong buhay na papasukin ko.

Maaga akong nakatulog ngayon dahil sa puyat at pagod. Nagising lang ako sa tunog ng alarm clock ko. Kailangan kong mag adjust sa oras dahil medyo mahaba ang biyahe ko ngayon.

Alas singko pa lang ay bumiyahe na ako papasok ng trabaho. Mas okay ng maaga kesa malate ako. Balak ko din kasing kumaen muna sa labas kung maaga akong dadating sa opisina.

Quarter to 6 ng dumating akong port. Kaya naman ng makapag park ako ay dumiretso ako sa canteen namin para mag almusal.

Matapos kumaen ay bumalik na ulit ako sa opisina. Halos kasunuran ko lang dumating si sir jeff.

" Hoy rie bigla kang nawala last Saturday ah. Nakalipat ka na pala?" sabi nito.

Binati ko naman siya ng goodmorning at nagkwento ng mga nangyari. Siyempre bukod yung pagpunta ko kala kelsey.

Nabanggit din ni sir jeff sa akin na pwede daw nya akong ilipat ng opisina kung gusto ko. Dahil nga may kalayuan yun bago kong bahay mula dito. Sabi niya sa akin ay pwede daw ako sa Customs sa makati or quezon city office, ako na lang daw ang mag decide kung saan ko gusto.

Ang sabi ko sa kanya ay pagiisipan ko. Malulungkot ako tyak pero sabi naman nya ay madami din mababait don at ang iba naming tropa ay doon pala naka assign. Sabi nya ay susunod na lang daw siya sakin kapag pinayagan siya ni sir jayson.

Mabilis din natapos ang araw at maguuwian na. Lumabas na ako sa opisina at dumiretso uwi sa bago kong tahanan.

It's so good to be home. Yung sarili mong bahay. Masaya akong pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto. Nagbihis lang ako at nagluto na. Masarap din magluto kapag bago ang kalan. Haha

After ko kumaen ay naligo lang ako at natulog na.

Walang masyadong happenings sa buhay ko. Ang bago lang siguro ay nagdecide na akong magpalipat ng opisina sa QC branch. Nalaman ko din na andon pala si erika at iba pang tropa. Same department lang kami kaya mas gumaan ang pakiramdam ko. Si jeff naman ay susunod na lang daw doon.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon