Chapter 5

1.2K 46 1
                                    

After ko pumunta sa interview sa boss ni sir jeff ay nakatangap agad ako ng tawag sa aking cellphone.

"Hello? Is this Ms. Alexandra Montes? I'm monique from hr department in boc.

" yes hello ma'am, yes I'm alexandra." masaya kong sagot dito

" I'm calling you because you are now hired and part of the dispatch team on warehouse department under mr. Jeffrey's supervision, I will email you the details.....

" Okay po ma'am. Thank you so much." Sobrang saya ko dahil natanggap ako sa work.

Bago pa man ako magpunta sa interview ko last time sa boc ay nagpasa na ako ng resignation kay April. At nagpaalam na ako sa ibang boss ko at mga naging kaibigan ko sa real estate.

Isang taon din ako namalagi don at sobrang thankful ko dahil sa tulong nila sa akin.

At feeling ko ngayon ay magsisimula na ang magandang pangyayari buhay ko.

Hindi rin nagtagal ay natutunan at natapos ko na rin ang training ko sa departamento. Challenging din sya sa umpisa pero mukhang madali lang din naman matutunan dahil checking lang naman ako at minsan ay inspection ng cargo at permits  tulad ng import /export papers at laman ng cargo na ibaba dito sa port.

Kakabalik ko lang ng office ng tanungin ako ni sir jeff.

"oh rie kmusta masaya dito diba? Mag ccheck ka lang. Tapos kita ka na agad hahaha.." Tatawa tawang sambit nya.

"Oo nga sir eh." Sagot ko habang umiinum ng tubig.

" mabilis kang yayaman dito rie, basta magsipag ka lang. "

"Nako sir kahit matagal basta yumaman okay na yun." Sagot ko na lang.

"sige una na ako sayo ha. May ccheck pko eh."

"Sige sir." At lumabas na sya ng opisina.

Monday to friday lang ang pasok ko. Kapag mwf ay 6am to 3pm ang sked ko. Kapag naman Tuesday at Thursday ay field lang ako kaya any time ay pwede ako pumasok dahil maluwag si sir jeff sa akin.

Kadalasan sa trabaho  ay puro tip nga. Madaming kliyente ang nagbabagsak ng package dito na kung ano ano ang laman.
Minsan sapatos, tshirts, relo at mga branded na kung ano ano.

Madumi ang kalakaran dito dahil karamihan ay nagaabot lang, under the table. Kaya pala talagang mabilis kang yayaman kung nandito ka.

Mabilis lumipas ang mga araw at talaga naman naging maayos na ang buhay ko. Mas malaki na akong magpadala ng pera sa bulacan ngayon at palagi din akong may pasalubong sa kanila twing uuwi ako ng weekends.

Nang dumating ang Ber season  sobrang dami naming trabaho. At sobrang dami din naming narerecieve na regalong kung ano ano. Malaki din ang sweldo dito kahit hindi pa ako regular. Malakas kasi ako sa boss ko kaya kahit casual lang ako ay maganda ang natatangap kong sahod.

Nung umuwi ako sa bulacan ay nakapag bigay ako kay nanay ng pang renovate sa aming bahay. Kahit papano ay nagiging maganda naman ang resulta ng aking pagttrabaho.

Bagamat ganon ay hindi na bumalik sa dati ang kasiyahan ko kahit madami nga akong pera ngayon, ay single pa rin ako at hangang ngayon ay hindi pa din ako nkaka pag moveon kay cath.

Dahil na din sa lifestyle na meron dito ay nahawa  rin akong mag bar kapag friday night o kaya ay kapag niyaya ako ng aking boss na si sir jeff, hindi lang empleyado ang turing nya sakin kundi kaibigan na. Lagi nya ako sinasama sa mga gala nila kaya naman nasanay na rin ako sa mga high end bar at casino na madalas tambayan ng mga boss ko.

"Oh rie mmayang gabi ha 9pm birthday ni jayson you should be there para hindi magtampo yun boss ntin sa kabilang department " pagpapaalala ni sir jeff sa akin.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon