Chapter 2

1.8K 65 5
                                    

Habang naglalakad sa hallway ng ospital ay madaming tumitingin at nakakaagaw pansin sa amin. Paano ba naman yun kasama kong dyosa  ay todo alalay sa akin.

" Ehem" pag-ubo ko.

"Sa pagkaka alam ko ay yung ulo ko yun may problema at hindi yun paglalakad ko hindi naman ako lampa kaya ko na ito" sambit ko sa kanya pero irap lang ang binigay nito sa akin.

Nakakainis bakit ba nandito pa siya!

"Wag mong sabihin sasama ka sa amin sa bulacan ms.?"

Mukang wala nman syang pakielam , hindi man lang ako sinagot at nagpatuloy lang sa paglakad na parang beauty queen o model sa pagrampa.

"Hay bakit ba kase ikaw ang andito nasan ba si cath?!!!!"

Nang pagkasabi ko nito ay bigla na lamang nya akong binitiwan at iniwan,naglakad na sya magisa. Hindi ko na sya inabutan sa lobby ng ospital. Tanging sila nanay na lang at kapatid ko ang nandon at naghihintay sa akin.

"Halika na." sabi ng kapatid ko, sumunod na lamang ako dahil wala akong idea kung saan kame sasakay.

Hindi ko nga rin alam kung saan lugar kame ngayon basta alam ko sa maynila ito.

Sumunod lang ako sa kanila hangang makarating kami ng parking. Nakita ko naman sumakay na si nanay sa isang dark blue subaru na suv. Tinted ito kaya hindi ko matanaw ang driver. Labis ang pagtataka ko dahil wala akong kilalang may ganitong sasakyan sa amin. Sumunod na sumakay ang hipag ko at kuya ko sa passenger seat sa likuran.

Napa ohhh na lang ako ng biglang lumabas ang dyosa na akala ko ay umuwe na kanina ng iwan nya ako sa hallway.

"Aren't you going to move? It's so hot in here!"

Binuksan nya ang pintuan sa harapan at inakay ako papasok doon. Naging tuod ako sa upuan ng isinuot nya sa akin ang seatbelt dahilan ng pagkakalapit ng mukha nya sa akin, amoy na amoy ko ang kanyang mabangong hininga at buhok. Napalunok na lang ako sa sarili kong laway at pilit na pinapagalitan ang aking sarili sa inaasal ko. It's too bad to get close to her.

May girlfriend na ako. Paalala ko sa aking sarili.

Nakikita ko sa gilid ng aking mata ang pagsulyap sulyap niya sa akin. Tumungo nalang din ako sa salamin ng bintana dahil parang bigla akong nahihilo.

"Are you okay?" nararamdaman ko ang  pagdampi ng malambot nyang palad sa aking kamay.

Tinignan ko lamang ito sapagkat hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ano ba itong napasukan ko?

Ang tanging alam ko lamang ay isa akong probinsyana na ayaw na ayaw lumuwas ng maynila dahil ayoko ng ingay at trapik dito.

Nagising na lamang ako sa malalim na pagiisip ng huminto ang sasakyan sa isang pribadong subdivision na mukang mayayaman lang ang nakatira. Para itong village ng mga artista at pulitiko. Yun ay sa aking opinyon dahil sabi ko nga isa lamang akong probinsyana.

"We're here" . rinig kong sabi nya kila nanay.

Kung aking titignan parang close na close nman sya sa nanay ko at kapatid ko na labis kong pinagtataka. Lumabas na sila ng sasakyan at sumunod na lang din ako ng nakita kong bukas na ang pintuan, pinagbuksan na naman ako ng dyosa. Grabe ang gentle women naman pala niya.

Pag pasok pa lang sa gate ay sinalubong na kame ng isang babae na sa tingin ko sa mas bata pa sa akin. Malawak ang kanyang ngiti.

"Welcome back ma'am!!!" Tuwang tuwa sya sa aking palagay at parang kamuntikan pa siyang umiyak sa tuwa ng makita ako.

Laking tuwa ko naman ng biglang lumabas at tumalon sa akin ang aking alagang aso, si snowy.

"Baby snowy bakit nandito ka?"

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon