Chapter 7 >> The Candle

13 1 0
                                    

Sa chapter na 'to nyo na malalaman ang tunay na kwento ng Scented Candle. Hehehe.

Alam nyo na ba kung ano ang mangyayari?

Kung 'di pa, basahin nyo nalang :-)

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Andito kami ngayon ni Hanz sa Church. Sunday kasi. Simba din pag may time.

Nasa labas na kami ng simbahan dahil tapos na ang mesa.

"Bes? Wait ka lang dyan ha." Sabi ko.

"Bakit? Sa'n ka pupunta?"

"Bibili ng pagkain. Nagugutom kasi ako."

"Okay. Bilisan mo ha!"

Hindi ko na sya sinagot. Agad ko syang tinalikuran at naglakad patungo sa maraming nagtitinda ng pagkain.

Habang namimili ako ng makakain sa may sidewalk,

ay may batang lumapit sa'kin.

Isa syang musmusing bata.

Kawawa naman.

"Ate, ate? Penge naman nyan!" Pagmamakaawa nya.

"Hoy bata! Umalis ka nga dyan! Pasensya na Miss, ganyan talaga ang mga bata dito. Mga palaboy kasi." Sabi ng tindera.

"Hindi. Okay lang po." Sagot ko sa tindera.

Dinagdagan ko ang binili ko at ibinigay sa bata.

"Salamat ate. Ang bait nyo po. Sayo na po 'to. Wishing Candle. Matutupad po yung wish nyo dyan. Paalam!"

At bigla na lamang syang tumakbo papalayo.

Binayaran ko na ang mga pinamili ko.

"Naku?! Wag mong paniwalaan yung bata. Gutom lang yun. Kung anu-ano pinagsasabi." Sabi ni Aleng Tindera.

"Hehe. Okay lang po Ale. Ganyan naman talaga ang mga bata. Sige po." Sagot ko.

Bumalik na ako sa kinaroroonan ni Hanz.

"Sabi ko bilisan mo. Hindi ko sinabing makipag-chikahan ka bes."

"Sinusumpong ka na naman bes? Si Zich na naman ba? Alam mo? Mapapatay ko na talaga yang Ezekiel na yan." Biro ko sa kanya para maiba ang topic. Hahaha.

"Bruha ka. Wag na wag mong gagawin yun kundi pagbubuhul-buhulin ko yang buhok mo girl. Umalis na nga tayo."

"Hahahahahahaha!"

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Dara's POV

♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡

Andito ako sa sementeryo ngayon. Dinalaw ko ang namayapa kong kasintahan.

Habang papalabas ako ng sementeryo,

Bigla akong nilapitan ng isang batang babae. How cute she is.

"Ate? Ang ganda nyo po." Sabi nya ng nakangiti.

"Mas maganda ka."

"Hehehe. Mukha po kayong mabait. Sino po bang dinadalaw nyo? Yung boypren nyo po ate?"

"Ha?! Paano mo nalaman yun?!"  Nagtataka kong tanong.

"Feel ko lang po. Hehe. Pauwi na po kayo?"

"Oo eh! Ikaw?!"

"Ayy! Dito po ako nakatira. Malungkot pa rin po ba kayo?" Pag-iiba nya ng topic.

Iba 'tong batang 'to ah?! May laman lahat ng sinasabi.

"Ba't mo naman nasasabing malungkot ako?"

"Kasi po, hindi na po buo yung puso nyo."

"Ikaw na bata ka. Ang dami mong alam ah!?"

"Hehehe. Sa iyo na po 'to ate. Wishing Candle yan. Matutupad po ang hihilingin nyo, pero isang wish lang po." Sabay bigay sa akin ng kandila.

"Talaga? Tutuparin nito ang wish ko?"

"Opo ate. Sige po. Ba-bye!" Paalam nya.

Tinanggap ko na lang ang ibinigay nung bata. Mukhang harmless naman.

Pauwi na ako ngayon sa bahay.

Bigla akong may napansin sa aming subdivision.

Oh? Kelan pa nagkaroon ng tao ang bahay na yan? Parang ang saya lang tignan na may ibang tao na nakatira dyan bukod sa tagapangalaga.

Sabi nila, nasa Korea daw ang may-ari ng bahay na yan. Siguro bagong uwi ang nakatira dyan ngayon.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

A.N

Abangan sa next chapter ang nakaka-thrill na pangyayari. Kung ginamit ba nila ang wishing candle. O kung ginamit man, ano kaya ang nangyari? Natupad kaya ang kanilang wish?

COMMENTS/VOTES.

- ladygegx -

Wish On A Scented CandleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon