DARA's P.O.V
♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡
Papunta ako sa room nina Stephen para manghiram ng iPod nya. Nakay Xiam kasi yung akin.
(Knock knock. . . Door open)
"Ui? Stephen? Pahiram naman ng iPod mo oh? Nakay Xiam kasi yung akin" Saad ko.
"Ui? Dara? Ang lupit mo ah! Kanina kulot yang buhok mo tas ngayon straight na naman? Akala ko ba nagtitipid ka?"
"Ha? Ano ba yang sinasabi mo Stephen?"
"O nga Dara. Ano bang nangyayari sayo? Trip mo bang paiba-iba ng hairstyle ngayon? Bagay naman sayo yung kulot ah" - Joe
"Ha? Di ko kayo maintindihan Joe"
Biglang dumating si Xiam. "Oh? Anong nangyayari dito?" Nagtataka nyang tanong nang tumingin sya sakin tsaka sa kanila.
"Tol! Eto kasing si Dara mo kung anu-ano pumapasok sa utak" - Stephen
"Bakit? What's with her?" He's asking Stephen while his eyes were on me.
"Eh kasi kanina lang nagpakulot sya ng buhok, tas ngayon straight na naman?" - Joe
"Ahh! Yun lang pala, kala ko kung ano na!" - Xiam
"Ha? Magkasama ba kayo kanina nang nagpakulot sya?" Nalilitong tanong ni Stephen.
"Hindi ah! . . Ano? Nagpakulot ka babygirl?" - Xiam
Oh my G ! Ngayon lang yata nagsink-in sa utak ng boyfriend ko ang mga nangyayari sa paligid nya.
"Hindi noh! Baliw lang ang dalwang yan. Hay naku, lakas ng trip nyo ha! . . Grabe" - ako
"So? Hindi ka nagpakulot? Ibig sabihin, hindi ikaw yun?" - Joe
"Di nga!" Ang kulit ng dalawang to ah!
"So sino yung pumasok kanina?" - Stephen
"Aba! Malay namin ni Xiam. Nandito ba kami kanina ha? Para alam namin?" - ako
"Naku Dara, Xiam, magdasal na tayo. Minumulto na yata tayo. Ano yung kanina? Doppelganger? Di talaga ako pwedeng magkamali. Nakausap nga namin sya ni Joe at sumagot naman sya. Ikaw na ikaw talaga yun" - Stephen
"Totoo ba talaga yung sinasabi nyo?" - Xiam
"O naman tol! Kala nga namin si Dara yun eh, magka-boses rin kasi sila ni Dara" - Joe
"Hay naku! Magsitigil nga kayo! Baka naman namamalikmata lang kayo. Imposible talagang ako yun. Sa lobby kaya ako galing" - ako
"Di talaga Dara. Ikaw na ikaw yun kung di lang sya curly hair" - Stephen
Hm? Sino kaya yun? May kakambal kaya ako? Sa pagkakatanda ko, nag-iisang anak lang naman ako. O baka naman may nagmumulto pala talaga dito? Isa syang doppelganger, ginagaya nya ako. Katakot talaga.
"Anong nangyayari sayo babygirl? Parang namumutla ka?" - Xiam
"Ha? Nakakatakot kasi yung sinasabi ng dalawang yan" Sabay tingin ko kina Joe at Stephen
"Don't be scared okay? Andito lang ako. I'm not gonna leave you" Sabay halik sa noo ko.
"Wow? Ang sweet naman? Baka mag-martsa papunta dito ang mga langgam nyan!" - Joe
"Selos ka lang Joe! Wala sa'yo" - ako
"Tama na nga yan! Let's go downstairs. Gutom na ako" - Stephen
"O nga noh? Dinner time na pala?" - Joe
"Oo! Kaya halina kayo" Saad ni Stephen sabay hila sa aming tatlo palabas ng room.
BINABASA MO ANG
Wish On A Scented Candle
RomanceDo you believe in LOVE? Do you believe in DESTINY? What if you're NOT MEANT TO BE? What if in one blink of an eye, you LOST THE ONE YOU LOVE? Would you FIGHT for it? Or would you just accept it's already the END of your SWEET LOVE STORY? This is a s...