Chapter 4 >> Broken

11 1 0
                                    

Seoul City Medical Center

DARA's P.O.V

♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡

Sa waiting area kami umupo nina Stephen at Joe habang nasa OR si Xiam.

Lord? Iligtas nyo po si Xiam please. Mahal na mahal ko po sya.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

YURI's P.O.V

♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡

It's really my fault. Sana pinatawad ko na lang sya when he said sorry. God please . . . Save him . . . Pinapatawad ko na po sya .

Nandito kami ngayon sa hospital, naghihintay sa waiting area. Dahil namamaga pa ang mga mata ko sa kakaiyak, nagsuot muna ako ng shades.

<<Incoming Call>>

"Hello?" - ako

"Yuri? Nabalitaan ko ang nangyari. Kumusta na ang anak ko?"

"Nandito po kami sa waiting area ng hospital Tita, nasa OR pa po si Nico"

"Papaano ba naaksidente ang anak ko Yuri?"

"Hindi ko po alam Tita"

At tuluyan na ngang bumuhos ang luha sa'king mga mata.

"O bakit ka umiiyak?"

"Nagi-guilty po ako Tita. Feeling ko po ako ang may kasalanan kung bakit sya naaksidente"

"Bat mo naman nasasabi yan Yuri?"

"Hindi ko po kasi sya pinatawad Tita kahit na nagso-sorry na sya. Nagtampo po kasi ako sa kanya dahil di nya po sinabing nasa Jeju pala sya habang nandun din kami ng mga kaibigan ko"

"Ganun ba? Pagpasensyahan mo na lang ang anak ko ha?"

"Opo Tita. Naiintindihan ko na po ang lahat"

"Sige Yuri! Papunta na rin kami ng papa ni Nico dyan sa hospital"

"Okay po Tita, Sige po . . Bye"

Habang tumingin-tingin ako sa paligid ko, may nakaagaw ng aking atensyon. Isang babae at dalawang lalaki na naglalakad papunta sa labas ng OR. Tila di mapakali. Malala din kaya ang nangyari sa kasama nila?

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

DARA's P.O.V

♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡

"Dara ano ka ba? Umupo ka muna please?!" - Joe

"Ayoko! Hinihintay ko ang doktor. Gusto ko ng malaman ang kalagayan ni Xiam" pagmamatigas ko.

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Malalaman din naman natin yan paglabas ng doktor" - Stephen

Maya't maya , may lumabas sa OR.

"Can I talk to the immediate family of Mr. Xiam Hu?" Sabi ng doktor.

"They're not here. But you can talk to me Doc.. I'm his girlfriend. He's with us"

"How is he doc?" Saad ko.

Biglang naging seryoso ang mukha ng doktor.

"I'm sorry to tell you this. . But he didn't make it. He loses a lot of blood and his body is not responding. His vital organs were so damaged. I'm sorry."

At dun na bumuhos lahat ng luhang kanina pa gustong kumawala. Ang sakit-sakit. Kung kelan isa-isa ng natutupad ang mga pangarap namin, saka naman sya kinuha.

"Ang daya mo Xiam. Ba't ka ba ganyan? Bakit di ka lumaban?"

Sumigaw na ako. Nagwawala. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid ko.

At nang makita kong inilabas na nila si Xiam mula sa OR, bigla na lang nag black out ang paningin ko.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

YURI's P.O.V

♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡

And there. . .

There was this girl na humagulgol na sa pag-iyak habang inalalayan sya ng kanyang mga kasama.

At? Biglang mayron akong naramdamang kakaiba.

Mula rito sa kinaroroonan ko,

Ay nakikita ko sa kanya ang sarili ko.

Tumayo ako, at lalapit na sana sa kanila kaso bigla akong hinarang ng doktor.

"Miss? Are you the immediate family of the other patient Nicolo Yu?" The doctor asked me.

"No. But he's parents were coming. I'm his girlfriend doc. How is he? Is he fine now?"

"I'm sorry to give you the news but he didn't survive. He received a strong impact. And because of that there's a blood clot in his brain. We're trying to remove it from his head but we failed because we might touch important parts of his brain. And then he loses more blood cause of late arrival. I'm sorry"

Umiyak na talaga ako.

"What? Why you didn't do anything? You're a doctor right? You're obligations is to save lives. Why can't you do everything just to save him?" I angrily shouted at him.

Maituturing na ngang naghi-hysterical na ako dito pero yun talaga ang nararamdaman ko. Nagagalit ako sa sarili ko. Nakokonsensya.

Niyakap na lang ako ng mga kaibigan ko at pinatahan sa pag-iyak.

Ibinalik ko ang tingin dun sa babae kanina, pero wala na pala sila.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Kasalukuyang ini-imbestigahan pa ng mga pulis ang nangyaring aksidente. Hinihintay pa nilang magkamalay ang driver ng cargo truck. Na-comatose ito at wala pang malay sa ngayon.

Wish On A Scented CandleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon