(Dara's P.O.V)
I was about to enter our room but then I was paralyzed. I saw someone so familiar. Someone who's so close to my heart.
Biglang lumabas si ate Yuri mula sa kwarto. Magsasalita na sana siya nang makita niya rin ang nakita ko.
"Oh Xiam? Asan na ang kapatid mo?"
Nagulat ako sa sinabi ni ate Yuri. Bakit sila magkakilala? Bakit andito si Xiam? Diba matagal na siyang namayapa?
"Ate? Magkakilala kayo?" Nalilito kong tanong sa kanya.
"Oo naman! Kapatid kaya siya ng boyfriend ko."
"Kapatid?" Gulat kong tanong.
"Yes babygirl. I'm her boyfriend's brother." Si Xiam na ang sumagot.
"Buhay ka?" Di makapaniwala kong tanong sa kanya.
"Oo naman! Anong akala mo sa akin, patay?" Natatawa niyang sabi. "Ah? Siguro nga patay. Patay na patay ako sayo. Hahaha."
Si ate Yuri naman ang nagulat.
"Wait a minute! Are you two is in a relationship?" Ate Yuri asked us in disbelief.
"Ah yes ate Yuri. Hindi ko nga pala nasabi sayo na siya yung babaeng nagbigay sa akin ng panyong napulot mo nun." Sagot ni Xiam kay ate.
"Ah? Talaga?" Hindi makapaniwala si ate Yuri. So ibig sabihin, nagkita na pala sila sa Jeju dati pa.
Tumango lang si Xiam ng nakangiti.
Biglang may dumating.
"Hey Babe, sobrang na-miss kita." Sabay kiss sa cheeks.
Bigla siyang napatingin sa akin.
"Dara? Is that you?" Tanong ni Nico.
"Yes.." I paused for a while. Teka boyfriend siya ni ate so kuya ko na siya? "Ahm ako nga ito kuya Nico." Sagot ko ng nakangiti.
"Kuya? Are you calling me kuya?" Siya naman ang nagulat sa tinawag ko sa kanya.
"Ah huh! Dahil boyfriend ka ng ate Yuri ko." Proud kong sagot sa kanyang tanong.
"So you mean. . ."
Natawa bigla si ate Yuri. Hindi na natapos ni kuya Nico ang sasabihin.
"Yes Babe. She's my long lost twin sister." She pause for awhile. "Hm! Nakakalito ang mga pangyayari ngayong araw na 'to. Diba Dara?"
"Oo nga."
"Boys? We need to rest. Kita nalang tayo mamaya sa beach, okay?"
Tsaka niya ako hinila papasok sa loob ng kwarto namin.
"Ano bang nangyayari? Explain it to me Dara. Bakit kayo magkakilala ni Nico?"
"Una ko siyang na-meet sa Jeju. Ito ang pangalawang pagkakataong nagkita uli kami. Kayo ni Xiam? Paano mo siya nakilala?"
"Una kaming nagkita sa Jeju din. Pangalawa ay sa birthday ko. Isinama siya ni Nico."
"Grabe. Hindi talaga ako makapaniwala. Para akong nananaginip."
"Ako rin. Alam mo yun? Ang buong akala ko talaga, patay na si Nico. Bakit mo pala nasasabi yung kanina? Bakit mo itinanong kung buhay siya?"
"Dahil alam kong naaksidente siya ate. At nandun ako nung inilibing siya."
"Ako rin. Nandun din ako sa hospital nung isinugod siya pagkatapos ng aksidente. Nakita nga kita dun eh."
"Huh? Saan?"
"Sa hospital nga. Iyak ka pa nga ng iyak nun eh. Kaya pala magkamukha tayo, kambal pala kita."
"As in? Nakita mo na ako dati pa? Bakit kaya hindi tayo nagkatagpo man lang sa daan nung nasa Jeju pa tayo noh?"
She just shrugged. "Ewan!"
"Ano kayang dahilan? Bakit nangyayari 'to ngayon ate?"
"Duda ko talaga yung kandila ang dahilan."
"Kandila? Anong kandila?"
"Yung scented candle na ibinigay sa akin nung batang lalake."
Lumaki ang mga mata ko sa gulat.
"O bakit?" Tanong niya.
"May kandila din ako. Bigay sa akin nung batang babae nung andun ako sa sementeryo."
"Anong winish mo?"
"Na mabuhay si Nico at bumalik ang lahat nung hindi pa nangyari ang aksidente. Ikaw ba?"
"Wish kong mahanap ang totoo kong pamilya. At natupad nga iyon ngayon."
Bigla siyang ngumiti ng malapad.
"Ayy?? Ang sweet pala ng kambal ko." Sabay yakap niya sa akin.
Bigla akong napangiti.
"O tama na. Masyado ka ng kinilig ate."
"Hindi lang kasi ako makapaniwala. Bumabalik na sa dati ang lahat. Tsaka kumpleto na ang pamilya ko sa wakas."
Nagyakapan kami.
"Tama ka ate. At salamat sa kandila."
"Oo nga. Salamat sa nagbigay ng kandila."
"At salamat sayo ate."
Bigla siyang napatingin sa akin.
"Huh? Bakit ka nagpapasalamat sa akin?"
"Kasi... dahil sa wish mo, hindi lang si Kuya Nico ang nabuhay kundi pati na rin si Xiam."
"Oo nga noh? Ang tadhana nga talaga, mapaglaro. Biruin mo yun Dara, silang dalawa pa talaga ang magkasamang naaksidente."
"Hehe. Kalimutan na natin ang nangyari sa nakaraan ate Yuri. Ang mahalaga ay ang ngayon. Masaya ako."
"Mas masaya ako Dara. Masaya ako na nangyari ang lahat ng 'to. Kumpletong pamilya at masayang lovelife."
"Hahaha. Apir ate."
"Hahaha, apir."
* * * * * * * * * * * * * * * * * *
(Yuri's P.O.V)
There is always a rainbow after the rain.
Isang napakalumang kasabihan pero tagos sa puso ang katotohanan.
Umiyak man kami nuon dahil sa isang pangyayari. Pero masaya naman kami ngayon dahil mabait pala ang Diyos.
Isang mabangong kandila ang ibinigay niya sa amin upang pagtagpuin ang nawawala naming mga landas.
Sa ngayon, we will live here in the Philippines for good. Sa aming bahay na rin nakatira ang kambal ko.
Isang araw, nagulat ako nang bisitahin ako ng mga baliw kong kaibigan sa Korea. Sina Lizel, Gretchen, Joeylen, Marven at Arjey. Ipinakilala ko rin sa kanila si Hanz. Nakilala ko rin ang mga kasama nina Dara at Xiam sa grupo nilang FYI Movers na sina Joe at Stephen.
Masaya ang lahat. Masaya ang buhay. Ang kailangan lang natin ay i-cherish ang moment na kasama ang mga mahal natin sa buhay dahil hindi natin hawak ang panahon. At hindi natin alam kung may kandila pang ibibigay sa atin ang Panginoon para matupad ang ating hiling.
♡ ♡ ♡ ^ The End ^ ♡ ♡ ♡
Salamat sa pagbabasa :)
Hanggang sa muli. Paalam.
- ladygegx -
BINABASA MO ANG
Wish On A Scented Candle
RomanceDo you believe in LOVE? Do you believe in DESTINY? What if you're NOT MEANT TO BE? What if in one blink of an eye, you LOST THE ONE YOU LOVE? Would you FIGHT for it? Or would you just accept it's already the END of your SWEET LOVE STORY? This is a s...