• The broken, the maid.
-Solidad-
Wala akong pamilya. Wala akong alaala sa aking pamilya. Hindi pumapasok sa aking isipan ang imahe ng kanilang mukha o maging mga pangyayari na nakasama ko sila. I only knew they died when the first war happen.Ang tanging alam ko lamang ay ang aking pangalan at ang aking uri.
I'm Emeralda Desla, a witch.
Kahit pa man wala akong pamilya, maayos naman ako. I grew up in orphanage. It wasn't much but atleast i have people i can call family.
I was 18 years old when i became independent. Umalis ako sa orphanage to live on my own at para makita ko ang napakalaking mundo. Namuhay ako kasama ng mga tao.
I want adventure.
Nakapag aral ako at napagtapos. Kontento na ako sa buhay ko. Masaya na ako at wala ng gugustuhin na hilingin pa. Hindi ko kinakailangan ng magagara na bagay. Lalo na ng makilala ko ang lalaki na minamahal ko.
Pero saan ba ako nagkamali? Ano ba ang ginawa kong masama para mangyari ang lahat ng ito?
Para bang pinipiga ang puso ko na pinagmasdan ang burol ng minamahal ko. Tulala lamang akong nakatingin sa harap habang tumutulo ng masagana ang aking mga luha.
Ang lalaki na unang minahal ko at ang tumanggap sa akin ay wala na sa mundo na ito. Siya lamang ang kayang umintindi sa akin ngunit ngayon ay wala na siya.
Naririnig ko ang mga iyak ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang ina. Nakayakap ito sa kanyang litrato habang ang kanyang mga kapatid ay tahimik na umiiyak sa tabi ng kanilang ina.
Iniwas ko ang aking tingin sa kanila at tumayo sa aking pagkakaupo. Dahan-dahan akong naglakad papalabas sa kanilang bahay at sumakay sa aking kotse.
Wala sa sariling nagmaneho ako. Alam kong delikado ngunit sadyang nanghihina ang pakiramdam ko.
Napagdesisyunan ko muna na tumigil sa isang convenience store at bumili ng isang bote ng alak bago muling magmaneho kung saan.
Ilang oras din akong nagmaneho. Hindi ko na nga alam kung hanggang saan ako nakarating. Namalayan ko na lamang na nakatayo na ako sa harap ng parke.
Umupo ako sa isang bakante na bench at umiyak ng umiyak habang iniinom ang binili kong alak. Mabuti na lamang dahil walang tao, walang nakakita sa aking sitwasyon.
Siguro simula ngayon wala ng silbi ang buhay ko. Wala na ang pamilya ko. Wala na din akong tirahan at wala din akong kaibigan. Wala ng patutunguhan ang buhay ko.
Nabubuhay lang ako hanggang ngayon dahil sa kanya, dahil sa lalaking minamahal ko. Siya lang namin kasi ang meroon ako. Siya na lang ang natitira ngunit nawala pa.
Namumugto ang aking mga mata na nakatitig sa nagsisimula ng dumilim na kalangitan ngunit hindi ko ito pinansin. Nagpatuloy lamang ako sa pag inom.
"You okay? You look really wasted."
Napatalon ako ng kaunti dahil sa pagkagulat. Liningon ko ang nagsalita sa aking may kanan at nakita ang isang napakagandang babae na nakasuot ng mahabang dark green na dress.
Mahaba ang kanyang itim na buhok at mapupula ang kanyang labi. Makinis din ang kanyang mga balat at matangkad siya kumpara sa normal na tangkad ng mga babae.
Sa unang tingin ko pa lamang sa kanya ay masasabi kong hindi siya normal na tao. Hindi naman kasi ito ang unang beses na makakita ng mga kagaya kong kakaiba sa mga mata ng normal na mga tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/230539994-288-k207721.jpg)
BINABASA MO ANG
Secret In The Shadow ♛
VampireTwo wars happened between vampires, werewolves, witches, and wizards. The first war caused the death of many first generation of the oldest vampires. Hundreds of vampires, werewolves, witches, and wizards died. Those who manage to live mourned after...