Kakatapos ko pa lamang na maligo. Ngayon ay nakaharap ako sa aking salamin at tinitingnan ang aking sarili na nakasuot ng pulang bestida na lagpas hanggang tuhod at itim na heels.
Kuntento sa suot, tumingin ako sa terrace at nakita ang pagsikat ng araw. Naglakad ako papunta sa terrace ng aking kwarto. Napahawak ako sa rail bago tiningnan ang buong kapaligiran.
Walang emosyon na pinagmamasdan ko ang aking buong nasasakupan at ang nagpapakita pa lamang na araw. Tumama din bigla sa aking balat ang lamig na dulot ng mahina na hangin.
Dinig ko sa aking pwesto ang mga nagsisimulang araw ng mga bampira at tao sa aking nasasakupan. Iilan na ingay na ang aking naririnig na nagmumula sa mga gising na bampira at tao. Meroon na din ako na nakikita na iilan na naglalakad lakad sa labas.
Nakikita ko pa si Robert na maaga din na naglinis sa garden ng bahay, naririnig ko ang masayang pagkatanta nito. Dinig ko din si Baron na nagluluto ng makakain namin at si Solidad na naglinis naman ng loob ng bahay. Si Luther naman ay naglalakad lamang sa bahay upang tingnan ang kapaligiran habang si Harper ay mukhang patuloy na ginagawa ang inuutos ko.
Si Phantom? Maybe he is getting ready for school.
Napabuntong hininga ako.
Maaga akong nagising.
Umaga na at dapat ay nakapagbihis na ako ngayon dahil meroon kaming pasok pero ng magising ako ay para bang wala akong gana na pumasok, para bang ayaw ko na munang umalis.
Hindi naman big deal sa akin kung dapat ba akong pumasok o hindi. Maraming taon na din naman ang nakalipas simula ng matapos ako sa pag-aaral katulad ni na Vaughn.
I mean, i was born in June 5, 1379. I'm basically over 641 years old.
At saka gusto ko munang kalmahin ang aking sarili dahil sa biglaan na mga nangyayari nitong mga nakalipas na araw. Masyadong biglaan ang lahat, hindi pa prinoproseso ng aking isipan ang mga nangyayari.
I hate everything. But i have no choice.
Narinig ko ang tatlong katok sa pinto ng aking kwarto bago ito tuluyan bumukas. Deretso lamang ang tingin ko sa aking kahit pa man ramdam ko ang papalapit na presensya, para bang wala lamang akong pakialam.
Nakarinig ako ng iilang yapak na papalapit sa akin. Lumalakas iyon lalo na ng tumigil ito sa aking likuran.
"My lady, nagtatanong po si Lord Phantom kung papasok daw po ba kayo ngayon?"
Hindi kaagad ako nagsalita. Napatingin lamang ako sa aking kamay ng humihigpit ang hawak ko sa rail ng terrace.
"Tell him i won't. I don't feel going today."
"Is that all, my lady?" Muli niyang tanong.
"Yes."
Wala naman aking narinig na tugon kay Luther ngunit ramdam ko parin ang kanyang presensya at naririnig ko din ang kalmado na pagtibok ng kanyang puso.
Malakas din ang pakiramdam ko na may gusto pa siyang sabihin sa akin.
"My lady, i've been dying to ask. Meroon po ba kayong hindi sinasabi kay Lord Phantom?"
Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa kanyang tanong. Dahan dahan na inangat ko lamang ang aking tingin dahilan para makita ko ang araw na nagsisimula ng magpakita.
"Why did you ask? Iniisip mo ba na may tinatago ako sa kanya?" Balik ko na tanong sa kanya.
Narinig ko ang pagtikhim niya, hindi kalayuan sa aking may likuran. Ang naririnig ko na kalma na pagtibok ng kanyang puso ay nagsimula din na bumilis.

BINABASA MO ANG
Secret In The Shadow ♛
VampireTwo wars happened between vampires, werewolves, witches, and wizards. The first war caused the death of many first generation of the oldest vampires. Hundreds of vampires, werewolves, witches, and wizards died. Those who manage to live mourned after...