꧁ঔৣ C H A P T E R 4༻ঔৣ꧂

1K 65 1
                                    

Nakatitig ako sa wala parin na malay na si Phantom. Maayos na ito at nakuha na ni Solidad ang bala sa kanyang balikat. Dalawang araw na din siyang walang malay dahil sa epekto ng bala. It was not an ordinary silver bullet.

Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon at kung paano siya nabaril ng vampire hunter.

Inilipat ko ang aking tingin sa silver na bala na lumulutang sa aking harapan. Pinagmasdan ko ito ng mabuti.

Itinaas ko ang aking kamay at hinawakan ito ngunit kaagad ko itong nabitawan ng maramdaman ko ang epekto nito sa akin.

It really is a Vampire Hunter.

Napailing na lamang ako. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at kinuha ang isang panyo. Ginamit ko ito upang mahawakan ang silver na bala at inilagay sa aking drawer.

"My lady."

Tumingin ako sa isang sulok ng aking kwarto at nakita ang isang pigura na nakatayo. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil sa dilim sa kanyang kinatatayuan.

"What is it?" I asked.

"The two other Elders are here." Sagot niya.

Muli akong napatingin kay Phantom. Hindi na ako nagulat sa aking narinig. Sa katunayan inaasahan ko na darating silang dalawa.

Tumango lamang ako kasabay ng iilang presensya na naramdaman ko na pumasok sa aking bahay.

Naglakad ako papuntang pinto at binuksan ito. Nakita ko pa si Solidad na naglalakad sa pasilyo. Nagulat ito ng makita ako at napahawak pa sa kanyang dibdib.

"My lady." Aniya.

Tumango lamang ako sa kanya at sabay namin na tinahak ang pasilyo ng aking mansion. Mas lalong lumakas naman ang presensya nila habang papalapit ako.

Kalma lamang ang aking mukha hanggang sa makarating ako sa may hagdan.

Nakita ko kaagad si Nicholas at Domenico na naghihintay sa akin. Kaagad silang napangiti ng makita ako. Naglakad ako papalapit sa kanila na napakalawak ng ngiti.

Malamig ang ipinupukol kong tingin sa dalawang lalaki sa aking harapan. Sa dalawang araw na natutulog si Phantom ay hindi na nila ako tinitigilan. Nandito sila sa aking mansion para kumbinsihin lamang ako.

Gusto nila akong sumama sa kanila sa lugar na puno ng mga tao upang tingnan ang babaeng tinutukoy ni Harriet sa sulat. Gusto nilang makita ang tinutukoy sa sulat.

"Violet, kahit ngayon lang sumama ka sa amin, please." Agad na anas ni Nicholas.

"No."

"Come on."

"No."

"This is really important. Hindi ka talaga namin titigilan hangga't hindi ka sasama sa amin."

Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa sinabi ni Nicholas. I know he mean it.

Hindi ko lang alam kung bakit gustong gusto nila akong isama sa kanila. Hindi pa ba sila sapat na tatlo?

"Hindi pa ba ninyo kaya? Malakas kayo." I can't hold back but asked.

Nagkatitigan silang dalawa dahil sa aking tanong. Tinaasan ko naman sila ng kilay while i can see their hesitation.

"It's important, Violet. I know na magugulat ka din once na makita mo siya."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Nicholas. I can feel na seryoso siya dahilan para makaramdam ako ng kuryusidad sa babae.

Secret In The Shadow ♛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon