꧁ঔৣ C H A P T E R 10༻ঔৣ꧂

903 55 10
                                    

Agad akong kumalma ng tuluyan akong makainom ng dugo. Muntik pa akong mapangiti dahil sa lasa nito na lumandas sa aking bibig papunta sa aking lalamunan.

Ginalaw ko ang hawak kong wine glass bago tumingin sa aking salamin sa living room.

Isang oras pa lamang ang lumipas ng umuwi kami galing sa Spring Brighton Prep. Nakaligo at nakapagbihis na ako, ngayon ay nakasuot lamang ako ng kulay asul na dress na lumalagpas sa aking tuhod at nakasuot din ako ng blue heels. Nakalugay lamang ang aking buhok habang pulbo lamang ang aking inilagay sa aking mukha.

Hindi ko na kailangan maglagay ng make up sa aking mukha lalo na sa aking labi dahil kulay pula na ang aking labi lalo na ngayong uminom ako ng dugo dahilan para mas lalo pa na pumula ang aking labi.

Muli akong uminom ng dugo sa aking wine glass ng bigla naman may naramdaman akong bagong presensya.

"Harper." I called his name.

"My lady." Tugon naman nito.

Dahan dahan ko na ibinaba sa lamesa sa aking harapan ang wine glass at hinarap ang aking shadow guard na nakatayo sa sulok ng living room. Nakayuko ito sa akin habang may hawak na papel.

"What is it?" Tanong ko kahit meroon na akong ideya base pa lamang sa papel na hawak niya.

Naglakad ito papalapit sa akin. Tumigil lamang ito sa aking harap at inilahad ang papel na meroong simbulo ng isang phoenix.

"The Vampire Court have sent you a meeting invitation."

Tumaas ang isa kong kilay dahil sa aking narinig. Matagal na din simula ng marinig ko ang pangalan ng maruming lugar na meroon ang mga bampira.

Why?

The Vampire Court is the sacred place for vampires. It is ruled by the other higher ranking vampire like us. The place is magnificent and cruel at the same time. Magnificent because of it's exterior and interior looks but cruel for it's the place where power is everything.

The Vampire Court is a riddle. It has dark secrets and dark goings on that could ruin a vampire.

The Vampire Court is like the cruel vampire society. It's brutal, it doesn't care about the feelings. The only thing that matter in the Vampire Court is status and power.

In the Vampire Court money and politics are two different things. Power is only obtained through blood, not wealth. The wealthy wants power that they cannot buy so they have to settle with the best thing they can grab. They will seek and gain anyone favor only to try and manipulate them to their advantage. It is the worst type of creature. They will swarm like flies, silently destroying anyone.

It's the type of creature i would really love to destroy.

I snickered.

"I think the meeting is about the incident a week ago. Your men already investigated everything at katulad ng inutos mo, they told everything to the Keepers at mukhang sinabi naman ng mga Keepers ang lahat sa Vampires Court." Harper said, calmly. "Looks like they held a meeting to confirm na maayos lamang ang lahat lalo na't nakasalalay ang ating buong lahi. But they want to confirm it from you."

Sumilay naman ang isang ngisi sa aking labi. Kinuha ko ang imbitasyon sa kanyang kamay at tinitigan ito ng mabuti.

It's good to know that the Vampire Court still remember me.

Tiningnan ko ang laman ng papel at katulad ng sinabi ni Harper, it is a short invitation for a meeting.

Seryoso na binabasa ko ang imbitasyon. Nakasaad doon na kinakailangan nila ng aking presensya. The meeting will be on saturday.

Secret In The Shadow ♛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon