Prologue
Warning: Errors ahead.
Paano ba makukuha ang isang bagay na gustong gusto mo, ngunit hindi ka naman gusto?
Kung ikaw kaya, gagawin mo ba ang lahat para lang sa taong hindi ka naman mahal? Na pati buhay mo ay kaya mo nang isakripisyo 'wag lang siyang mawala?
Kasi ako, kayang kaya kong gawin iyon. Kayang kaya kong gawin ang lahat maging ang imposible sa mundong ito mahalin lang niya ako pabalik nang buong puso.
Na kahit alam kong mali ang ginagawa kong pagbili sakaniya ay ginawa ko pa rin, pero ano naman ngayon. Ito ang katotohanan, at ito ang nararamdaman ko para sa kan'ya. At alam ko rin talagang napaka selfish ko, dahil nagawa ko 'yon.
Alam kong matatawag akong baliw dahil sa ginagawa ko ngayon, pero ano pa nga ba? Pakiramdam ko kasi, hindi ko kakayaning makita siya, kasama ang iba na hindi ako.
Maganda naman ako. Nabibilang din ako sa mayamang pamilya. May pag mamay ari ring isang malaking plantasyon ang aking Ama sa Lemery, Batangas. Taniman 'yon ng kung ano ano, palay, trigo, mais at kung ano ano pa.
Kilala din naman ang pamilya ko dahil sa pagkamakaimpluwensiya nito, hindi lang sa Hayseville, kundi sa buong Isabela, at iba pang karatig ng ating bansa, maging sa labas pa nito. Pero bakit hindi niya ako kayang mahalin?
Na mas pinili niya pa ang babaeng hindi na nga katalinuhan, hindi pa mayaman, na ganda lang ang kayang maipagmalaki. At hindi ko rin alam, kung bakit ba nakapasok pa ang isang 'yon, dito sa Puma Adelaine.
Pero hindi ako makakapayag. Alam kong matatawag ko rin siyang akin, balang araw. Mangyayari rin 'yon.
Papunta na rin siya ngayon dito, papunta na siya para kausapin ako. At ngayon ko na rin sasabihin ang pakay ko sa kan'ya. Na hihingi ako ng isang bagay na alam kong hindi lang basta basta
Pero mali pa, hindi ko hihingiin, kundi bibilhin ko, gamit ang pera na mayroon ako.
Nandito nga pala ako ngayon sa likod ng building ng department namin, habang sumasayaw ang mga dahon ng mga nagtataasan at naglalakihang puno rito, na nagbibigay ng mapreskong hangin sa lugar na ito. Nakaupo rin ako sa gawa sa sementong upuan, habang binabasa ko ang latest at binili kong expensive at paborito kong magazine.
Hinihintay ko rin na dumating dito ang hinihintay ko, walang iba kundi si Icarus, ang lalaking nagpakilala sa akin, kung paano magmahal nang sobra sobra.
"What do you need, Ms. Miztiqua?", nginitian ko ito, nang tuluyan nang makita ng pares ng mga mata ko ang seryoso at dugtong na dugtong ang mga kilay na si Icarus. Ang g'wapo g'wapo at ang tikas tikas talaga niya. Bigla ko tuloy naramdaman ang kung anong kakaibang pagkakagulo sa loob ng sikmura ko.
Tumayo naman ako sa kinauupuan ko para pantayan siya. "Wow? Ganyan ba bumati sa taong balang araw ay makakasama mo habang buhay? Ha Icarus?", hindi man lang nagbago ang kan'yang reaksyon, kaya pinilit ko ring labanan ang kan'yang mga tingin. Bigla ko namang naramdaman ang kung anong pait na kumalat sa puso ko.
"Stop It Rheanne", malamig n'ya na akong binalingan ng tingin ngayon. Wow, just wow Icarus, masyado kang challenging. Alam kong balang araw, magagawa rin kitang paamuhin.
"I don't want", mas lalong lumamig ang mga titig niya sa akin. Bigla ko namang napansin ang suot suot niyang uniform na humahapit sa kan'yang matikas na katawan.
Hindi naman siya nagsalita, kaya ako na ulit ang bumasag sa katahimikan at tensyon na nagsisimula na namang mamuo sa pagitan namin. "By the way. Alam ko namang kilala na natin ang isa't isa. But, gusto ko pa ring pormal na magpakilala sa'yo, Mr. Constavio..", lumapit ako sa kan'ya, para ilahad ang kamay ko.
"...My name is Rheanne Astraea Miztiqua. A third year college, dito sa Puma Adelaine. How about you? Mr?", inismiran niya lang ako. Mukhang hindi niya rin nagugustuhan ang ginagawa ko, pero hindi ko pa rin inalis sa aking mukha ang napakaganda kong ngiti.
"Hindi na natin kailangan pang gawin ang pinapagawa mo. We already know each other. At ano ba talaga ang kailangan mo sa'kin Rheanne? Masyado bang importante ito at gustong gusto mo pang pribadong mapagusapan, huh?", ngumisi ako. Iniba niya na ang usapan at mukhang ayaw niyang gawin ang pinapagawa ko. Hindi naman ako mahirap kausapin, kaya hinayaan ko na lang.
Alam ko rin kung gaano kahirap pasunurin ang isang Icarus Constavio. Hindi basta basta at hindi madalian. Mahihirapan ako, pero gagawin ko talaga ang lahat, maapapayag lang siya.
"Relax and Chill Icarus, mas'yado ka namang nagmamadali at ayaw mong maabutan ng kahit isang minuto man lang. Mas'yado kang mainipin, pero pasensya na. Kailangan ko ang oras mo", marahang nagtangis ang kan'yang bagang matapos kong sabihin iyon, habang taimtim na nakatitig sa'kin.
"Si Jasmin? Pa'no kung sabihin ko sa'yong ako ang sasagot sa mga hospital bills ng tatay niyang nasa hospital ngayon? At isa pa, 'wag mo na nga palang pagtakhan na alam ko na ang nangyari sa Ama niya. 'Wag mo na akong kwestyunin tungkol doon", humalukipkip ako, mukhang hindi ko talaga magagawang alisin ang ngiti sa aking labi. "..pero sa isang kundisyon Icarus...", alam kong desperado siyang gumaling ang Ama ng babaeng mahal na mahal niya, pero alam ko rin kung gaano siya kasalat sa kayamanan para ipagamot at bayaran ang mga bills nito. Kaya 'yon ang gagamitin ko, para pasunurin siya.
"Okay fine. Tell me, what the fuck is it?", may diin sa pananalita niya, mabilis naman nitong kinain ang distansya sa pagitan namin, kaya bahagya akong nakaramdam ng kung anong kaba sa dibdib ko.
Masyado kang desperado para lang sa babaeng 'yon, Icarus. Bakit ba hindi mo na lang hayaan ang pamilya niya?
"Narinig mong babayaran ko lahat lahat ng magiging gastos n'ya sa ospital, Icarus. At hindi ako nagbibiro", kumurap kurap ako. Kitang kita ko naman ang galit sa kan'yang mga mata na parang anytime ay sasabog na lang siya bigla, dahil wala na siyang option.
Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin Icarus? Bakit mas pinili mo ang low class na babaeng 'yon kaysa sa isang Miztiqua'ng kagaya ko? Tell me please.
Hindi ko alam ang gagawin ko nang mas lalo pang kainin ni Icarus ang distansya sa pagitan namin. Kayanin mo Rheanne. Hindi ko kayang tingnan ang nagniningas n'yang mga mata punong puno ng poot. "Gusto kong ikaw ang maging kapalit ng lahat nang ito Icarus, kapalit ng mga gagastusin ko para sa pagpapagamot ng tatay ng..t-taong mahal mo!", iniwas ko ang paningin ko sa mga mata n'ya, ngunit wala pa ring naitulong 'yon sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Sorry Ms. Miztiqua, pero hinding hindi ko ipagbibili ang sarili ko sa isang katulad mo. Mahal ko si Jasmin, alam mo 'yun, kaya kahit anong gawin mo, hinding hindi mo 'ko makukuha kahit ano pang mahika 'yan. Dahil nakatali ang puso at buong pagkatao ko kay Jasmin, at pinanganak ako para mahalin at samahan hanggang pagtanda ang isang katulad n'ya Miss Miztiqua", sagot nito. Pakiramdam ko ay tuluyan na ngang gumuho ang nararamdaman kong tapang sa mga oras na 'yon.
"The hell? So what? Kung desperado kang makuha ang gusto mo Icarus, mas lalong desperada ako. Kaya ngayon, sabihin mo, magkano ka? Magkano ka nang mabili kita?"
"How Much Are You, Driver?"
BINABASA MO ANG
How Much Are You, Driver? (EL Fuego Corazon Series 2)
Romance[Fire Of Hearts S2 : COMPLETED] ... Rheanne Astraea Miztiqua. She's just a girl who's contented to be with her friends as always. Not until, the guy that will soon the reason of her heartbreak, came. She's so desperate to reach that guy, but he's st...