QUARANTATRÉ

28 3 29
                                    

Chapter Forty-Three

Sleepy.













SOBRANG antok na antok ako habang inaayusan ang sarili ko sa harap ng salamin. Alas sais y media na din kasi, kaya kailangan ko nang pumasok. Hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil halos isang oras ata kaming nag usap ni Icarus sa phone. At saka hindi ako nakatulog dahil iniisip ko pa rin 'yung masarap sa feeling at hindi kapani paniwalang pangyayari kahapon, kaya ayon, ang ending, pagulong gulong lang ako sa kama ko habang yakap yakap 'yung isang unan at iniisip si Icarus.

Ilang oras din 'yung inabot noon kung alam niyo lang, siguro ay ala una na ako nakatulog at pinilit ko pa ngang makatulog, kaya ngayon, pahikab hikab pa ako habang gusto ko pang bumalik sa higaan ko at matulog nang magdamag.

Pero hindi puwede, kailangan naming linisin yung mga props na nasa may backstage kahapon, hindi daw puwede na schoolworkers 'yung gagawa noon dahil madami silang ginagawa. At wala naman daw kaming pasok ngayon dahil bonus ito sa pagkapanalo namin kahapon.

Pero kami naman ang pinaglilinis. Nakakainis nga. Ano pang sense noong pahinga naming isang araw kung maglilinis at magtatanggal lang kami ng mga props? At isa pa, hindi p'wedeng hindi ako pumasok ngayon dahil nangako ako kay Icarus na magkikita kami kinabukasan. Baka malungkot lang ang bwisit na 'yon, kaya hindi talaga puwedeng hindi ako pumasok ngayon.

Bahala na nga. Kapag may oras matutulog ako sa may garden para makabawi man lang ng antok. Nakakainis talaga psh.

Hayop ka Prof Diaz. Joke.

Nag ponytail lang ako ngayon pagkatapos ay hinawakan ko na ang strap ng bag ko. Kailangan ko nang pumasok, late na nga ata ako ng isang oras, pero wala naman silang pakialam kung gano'n. Hindi nila ako p'wedeng pakialaman.

Napapahawak ako sa puso ko dahil lumalakas at bumibilis ang tibok nito kapag naiisip ko lahat nang nangyari sa pagitan namin ni Icarus. Kahit na alam kong hindi siya ang nakakuha ng first kiss ko, kahit gano'n, halik niya lang naman ang pinaka paborito ko sa lahat e.

Ang landi mo Rheanne.

Napailing iling nalang ako sa tuwa bago ako lumabas ng kwarto ko. Hindi na ako kakain dito muna ngayon, siguro naman ay kakayanin pa ng sikmura ko na abutin 'yung break mamaya sa Puma Adelaine.

Pagkababa ko ng hagdan namin ay saka sumalubong sa akin si Manang Sele. Nag aalala nito akong tiningnan. "Oh? Hija? Ayos ka lang ba? Bakit parang nanlalata ka ngayon? Hindi ka siguro nakatulog kagabi ano. 'Wag ka na lang kaya muna pumasok ngayon. Tatawagan ko na lang ang mga Professor mo para maipagpaalam kita", sunod sunod na tanong nito sa akin kaya agad kong hinawakan si Manang Sele sa braso para pigilan kahit pahikab hikab pa rin ako.

"‘Wag na po Manang Sele. Papasok po ako ngayon. Saka 'wag na po kayong mag alala sa akin. Hindi naman po ako mamamatay dahil sa antok Manang. Antok lang naman po ito, medyo hindi kasi ako nakatulog nang maayos kanina. Kaya 'wag na po", pagmamakaawa ko sa kaniya at pinakitang malakas pa naman ako.

"Oh siya sige. Itong batang ito talaga. Tumawag o mag text ka sa akin kung may kailangan ka para ipasundo kita kay Emilio ha. Mag iingat ka", si Manong Emilio ang driver namin pero hindi siya masiyadong naglalagi dito dahil wala naman siyang ipagda-drive dahil palagi naman akong naglalakad na papuntang Puma Adelaine at hindi naman ako pala gala. Tumango tango ako kay Manang Sele at humikab na naman.

"Teka. Aalis ka na pero hindi ka pa nag aagahan? Baka magkasakit ka niyan. Itong batang 'to. Malalagot tayo sa Mommy at Daddy mo kapag nagkasakit ka. Palagi nalang kitang pinagtatakpang bata ka ayy susmaryosep", mahina akong tumawa. Kailangan maka alis na ako dito dahil paniguradong kung ano ano pa ang sasabihin ni Manang Sele.

How Much Are You, Driver? (EL Fuego Corazon Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon