TREDICI

35 6 6
                                    

Chapter Thirteen

Truth.














NANATILI lang na tahimik si Icarus habang kumakain kami. Nagsimula lang naman siyang manahimik, magmula nang itanong sa kaniya ni Aling Martha kung nasaan ang Jasmin na 'yon. At parang pinapalabas niyang dapat ay si Jasmin na lang ang kasama nito rito, at hindi ako. Bigla na lang kasing bumigat lalo ang dibdib ko, nang marinig ko 'yon. Nalulungkot din ako, dahil mukhang hindi boto sa'kin si Aling Martha para kay Icarus, dahil sa paraan ng mga kilos at pananalita niya.

Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko dahil madaming taong tutol sa'min. Kahit na siya. Kahit na si Icarus.


"Busy po siya Aling Martha"


Hindi niya sinagot 'yung pangalawang tanong ni Aling Martha. Alam ko namang klarong klaro niyang narinig ito mula kay Aling Martha, pero mukhang wala siyang balak na sagutin ito, at mukhang iniiwasan niya ring mabanggit. Dapat nga ay masaya akong hindi niya pinansin 'yung tanong na 'yon, pero mas nananaig pa rin talaga sa'kin ang lungkot dahil hindi rin niya 'yon tinanggi.

At hindi niya rin kinumpirma na wala na sila ni Jasmin. Alam ko rin na may ideya na si Aling Martha tungkol doon.

Sigurado talaga kasi akong may alam si Aling Martha tungkol sa buhay ni Icarus, dahil kitang kita naman na itinuturing niya nang anak ito, kaya paniguradong alam niya rin na si Jasmin talaga ang totoong nilalaman ng puso nito at hindi ang nag-demand lang na kagaya ko.

Wala sa reyalidad ang isip niya, dahil kanina noong tinawag ko siya ay hindi talaga siya sumasagot. Kailangan pa ngang maka ilang tawag ka muna bago siya makasagot e. Hindi naman ako tanga para hindi isipin na naapektuhan siya sa sinabi ni Aling Martha kanina, dahil kitang kita ko 'yon.

Kitang kita ko 'yon sa mga mata niya. Na mas gusto niya rin na sana ay si Jasmin ang nandito, kasama niya.

"Denalt", mahina kong pagtawag. Malalim pa rin ang iniisip nito hanggang ngayon. Hindi na kasi niya nagagawang sumubo ng lugaw, at pawang pagtulala na lang ang ginagawa niya.

Nang hindi niya pa ako pinansin ay inulit ko na lang pagtawag ko sa kaniya. "Psst, Denalt!", kinawayan ko pa siya nang sabihin ko 'yon. Mabuti naman at nakuha konnaman ang atensyon niya pagkatapos no'n.

Tiningnan ako nito sa isang malamig na tingin. "What? Do you need anything?", malamig na may halong pagkairita na sabi niya. Panigurado talagang si Jasmin ang iniisip niya ngayon. Siguro nga, iniisip niya na ngayon kung paano niya magagawang balikan si Jasmin e.

"N-napakalalim kasi ng iniisip mo e. Hindi mo na nga nakakakain 'yung pagkain mo. Ayos k-ka lang ba?", bigla na lang dumilim ang kan'yang mga mata, kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa kung ano mang gagawin nito.

"‘Wag mo akong pansinin, Rheanne. Kumain ka na lang diyan", tuluyan na ngang nabalot ng iritasyon ang kan'yang boses, na naging sanhi ng pagkadurog ng aking puso.

"P-pero Icaru--", pagpigil ko pa, pero pinutol lang ako nito.

"‘Wag ka na sabing makialam pa, Rheanne. Kumain ka na lang", pinagtataasan niya na ako ng boses. Sumakit ang puso ko, pero dahan dahan ko pa ring inilinga ang paningin ko sa buong kainan, para malaman kung agaw atensyon ba kami ni Icarus ngayon dito.

Nilingon ko rin si Aling Martha na nakamasid lang pala sa'min, habang nagluluto ng lugaw para siguro sa mga customer na darating pa lang. Pinapakinggan lang pala niya kami.

Binalik ko rin agad ang paningin ko kay Icarus pagkatapos kong matitigan si Aling Martha. Wala pa rin siya sa reyalidad, nakatulala at malayo ang iniisip.

How Much Are You, Driver? (EL Fuego Corazon Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon