TRENTADUE

26 4 15
                                    

Chapter Thirty-Two

War Date.













WALA na nga akong nagawa pa, kundi magpalit na lang ng damit. Hindi ko na kasi talaga kakayanin pa ang mga tinginang iyon ni Icarus, feeling ko ay mahihimatay na ko dahil sa banta nyang 'yon.

Gaya nga nang inutos niyang isuot ko ay nagsuot nga ako ng white long sleeves at pajama, pinag sneakers at bun niya na lang din ako dahil ayon nga daw, mas'yadong reaveling ang suot ko. Hindi ko masiyadong tinititigan si Icarus dahil sa hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi niya sa'kin kanina. Hayy!

"Or else.."
"...I'll fucking make you totally naked, with me"

Leche ka Icarus, Icarus ko hehe.








"WHAT DO you want?", nandito na kami sa harap ng noodles restaurant, habang nakaupo na sa isang table for two. Ikaw ang gusto ko Icarus. Napakalandi mo talaga Rheanne! Pero seryoso nga kasi.

Hindi ko na tuloy namalayang kanina pa pala ako nakatingin sa pagmumukha ni Icarus kaya nagulat talaga ako nang gulatin ako nito.

"Ay Denalt kong mahal!", agad akong napatakip sa bibig ko nang mag-sink-in sa'kin ang sinabi ko, pero hindi ko naman 'yon puwedeng bawiin pa! Mukhang narinig na ito ni Icarus nang malinaw at agad ding nag sink in sa kaniya.

Nakangisi siyang humalukipkip sa harapan ko habang nagniningning ang mga mata. Pero dahil sa sobrang kahihiyang inabot ko sa pagsigaw ng mga katagang 'yon, ay mukhang pati 'yung ibang mga nasa loob ng restaurant na ito ay narinig ako

Napatakip na lang din ako sa mukha at piniling ipagdasal na sana, ay lamunin na lang ako bigla ng 1st floor ng mall at magdire diretso na pailalim ng lupa hanggang sa umabot na sa inner core ng mundo.

"Patay na patay ka talaga sa'kin", bulong ni Icarus, na halatang sinadyang iparinig sa'kin 'yon, kaya inirapan ko siya. Agad din namang naghurumentado ang puso ko sa kaba. Pero mas magandang aminin na naghurumentado ang puso ko dahil totoo ang sinabi ni Icarus!

Uy! Hindi ko sinabi 'yan! Nagkakamali kayo!

"A-ano? Ang kapal m-mo nam--an!", gusto ko pa sanang manlaban at ipagpilitan sa kaniya na nagkakamali lang siya sa pagkakaintindi ng sinabi ko, o sadyang bingi lang talaga siya. Pero mukhang wala na akong magagawa pa, dahil agad na kaming nilapitan ng waiter at binigay sa'min ang dalawang menu chart.

"Excuse me po Ma'am and Sir. Good day and welcome to our restaurant. Enjoy your moment. At ito po ang menu, sabihin niyo lang po sa'kin kung ano po 'yung mga gusto ninyo. I'll list it", nakangiti at formal na paliwanag ng waiter sa'min. Nakatingin ito sa'min ni Icarus nang normal, tila hindi niya alam na may awkward moment sa pagitan namin. Hayy!

Mabuti na lang talaga at hindi ka waitress, dahil kung babae ka ay iisipin ko talaga na si Icarus ang ngingitian mo.

"What do you want Darling? I'll have the shrimp pesto pasta, and one large cup of banana frappe", tanong niya habang titig na titig sa'kin, hindi naman para sa'kin 'yung huling sentence na sinabi niya. Kaya bakit n'ya ba ako tinititigan?

Dapat ba akong kiligin? Pero hindi puwede, may kasalanan pa ang bwisit na 'to, hindi ko p'wedeng ipakita sa kaniya na natutuwa ako sa sinabi niya dahil paniguradong lalaki ang ulo niya!

"Noted Sir. How about you Ma'am?", sa'kin na na stuck ang tingin ng waiter, kaya naisipan kong mamili na sa menu chart na binigay niya, pero agad namang nagsalita si Icarus.

"Don't ask her again. I'm the one who's responsible for that, kung may itatanong ka pa. Don't you dare look at her again", agad kong nailipat ang paningin ko sa nanggagalaiti na palang nakatingin nang masama sa waiter. Kaya ang inosenteng waiter ay napayuko na lang at agad na humingi ng dispensa.

How Much Are You, Driver? (EL Fuego Corazon Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon