Chapter Thirty-One
She's Jealous.
MABUTI na lang at agad din akong nakakita ng tindahan ng yelo malapit lang sa park. 'Yung mga nadadaanan ko nga ay napapatingin sa'kin, na dahil siguro sa naweweirduhan sila sa itsura ko. Kitang kita kasi nila 'yung long sleeve na suot suot ko na pinatungan lang ng oversized shirt ni Icarus.
Matapos ko ring makabili ay agad na rin akong bumalik sa Park. Mabuti na lang nga at tube ice lang 'tong nabili ko na p'wedeng ibalot sa dala dala kong bimpo.
Nasan na kaya 'yung Icarus na 'yon?
Habang naglalakad ako papalapit sa bench na pinag iwanan ko sa kanya kanina ay bigla na lang na uminit ang dugo ko. Gano'n pa rin naman 'yung ayos niya, pero may kung sinong babae ang nakatabi sa kan'ya sa bench habang ang lagkit lagkit na ng titig nito sa kan'ya.
At hindi man lang n'ya pinapaalis ang babaeng 'yan?! Mukhang gustong gusto rin ata n'ya ang ginagawa ng babaeng 'yan e!
Pinag iinit niya ang ulo ko argh!
Humanda talaga sa'kin ang chalk na 'yan.
Sa sobrang inis na nararamdaman ko ay dali dali akong lumapit sa kanila. Mukha namang sobra pa 'tong yelo na dala dala ko, at p'wedeng p'wede ko pang bawasan dahil sa kakatihan ng babaeng 'yan.
Mabilis akong nakalapit sa kanila, kaya agad ko ring ipinaligo sa chalk dust ang kalahati ng yelong binili ko na agad niya namang ininda, kaya agad ko ring nakuha ang atensyon nilang dalawa. Napatili pa nga ito sa gulat at halatang nalamigan dahil sa ibinuhos ko.
"Rheanne..", normal lang akong tinawag ni Icarus, pero inirapan ko lang s'ya.
"Oh my goddd. Anong ginawa mo sa'kin? AAAHHHHHH", nagtititili ang chalk dust, habang nakatingin kay Icarus na parang nagsusumbong.
Tiningnan ko naman si Icarus ng sige-kampihan-mo, kaya agad itong napanguso.
"Hindi ka lang pala parang elmer's glue na sobra kung makadikit dito..", itinuto ko ang nagpasyang lumapit na sa akin na si Icarus. "..nasa kuko ba nakatago 'yang utak mo?", inismiran ko s'ya.
"How dare you?! Icarus help!", napalitan nang pagmamakaawa ang mataray niyang reaksyon sa'kin nang bumaling siya kay Icarus. Nakangisi naman si Icarus habang tinitingnan ako.
"How dare you too, chalk dust?! Wala ka nga talagang utak. Hindi ka kasi tao, higad ka. Boyfriend ko ang dinidikitan mo, kaya huwag kang maarte d'yan!", inirapan ko s'ya.
"Icarus! Help! Girlfriend mo ba talaga s'ya?!", hirit pa ni gaga. Ipapamukha ko na sana sa kan'ya nang actual kung sino ako, pero agad naman akong naunahan ni Icarus.
"She's my wife, by the way. You can go now, because she's madly jealous because of you. You see? I already warned you. Sinabi ko na rin kanina", namula ang buong pagmumukha ko nang marinig 'yon mula kay Icarus. Aba, mukha ba 'kong nagseselos ha? Konti lang naman, mga 99% lang.
Wala namang nagawa ang chalk dust at agad nang nagtatakbo nang akmang babatuhin ko s'ya ng yelo. Nagpaparinig pa nga ito habang tumatakbo palayo.
Aba gusto pa ata ng part two ng chalk dust na 'yon ah. Sa inis nga ay agad akong kumuha ng yelo sa may plastic para sana ibato 'yon sa kan'ya, pero hindi na iyon natuloy, nang bigla na lang na may mainit na bisig ang pumulupot sa tiyan ko, galing sa may likuran kasabay nang pagbalot ng mainit niyang palad sa kamay ko. Kaya hindi ko na tuloy natuloy ang pagbato sa babaeng iyon.
Hindi ako makapagsalita nang iginiya niya ang kamay kong may hawak na yelo, na ibabato ko na sana kanina doon sa gaga sa loob ng plastic na pinaglagyan ng mga ito kanina. Gano'n nga ang nangyari, dahil mukhang naipasasailalim na naman n'ya ako sa mahikang mayroon s'ya.
BINABASA MO ANG
How Much Are You, Driver? (EL Fuego Corazon Series 2)
Romance[Fire Of Hearts S2 : COMPLETED] ... Rheanne Astraea Miztiqua. She's just a girl who's contented to be with her friends as always. Not until, the guy that will soon the reason of her heartbreak, came. She's so desperate to reach that guy, but he's st...