Chapter Twenty
Picture Frame.
"SINO 'YAN Yoshua?"
"Hoy Miswa, 'diba anak 'yan ni Mr. Fredierick?
"Lah tangina, syota mo 'yan?"
"Baka p'wedeng manghingi ng tulong sa tatay mo, bata"Rinig na rinig ko ang sabay sabay nilang mga sinasabi. Lumapit naman sa kanila si Yoshua at may sinabi sa mga ito, kaya tumigil na rin 'yung iba, samantalang 'yung iba naman ay hindi pa rin tumigil kaya nagsalita ulit si Yoshua kaya doon na nagsimulang magsitigil ang mga ito.
"Pasensiya na Rheanne, pinatigil ko na sila", sambit nito pagkalapit sa'kin. Tinanguan ko naman siya. Naiilang pa rin nga ako dahil nakatingin pa rin sa amin ang mga ito.
"P'wede na ba akong pumasok Yoshua?", nagsimula na akong magtanong. Kita naman sa kan'ya na na-curious siya dahil sa sinabi ko.
"Maawa ka naman sa kaniya Rheanne, wala na ngang pera 'yung tao tapos nanakawan mo pa", akmang kukurutin ko na sana ang tagiliran niya, nang agad itong umiwas habang nakanguso. Hindi magandang mag-joke sa akin ngayon, dahil wala ako sa mood tss.
"Ito naman. Joke nga lang ulit, Rheanne. Napaka seryoso mo talagang tao"
"‘Wag ka ngang magulo Yoshua. At tigilan mo 'yang kaka biro mo sa akin. May balak lang sana akong iwan sa loob ng bahay n'ya", kinunutan niya ulit ako ng noo, habang nagsasalita ako. Hawak hawak ko pa rin nga ang paper bag ngayon.
"Basta, 'wag ka nang magtanong pa, Yoshua. Papasok lang ako saglit. At aalis din naman ako", pinal kong sabi, naiilang na kasi ako dahil pinagbubulong bulungan na kami ng mga tao na nand'yan pa rin at pinapanood kami.
Hindi ko nga alam kung natural lang ba talaga na gan'yan ang mga gawain nila, o dapat talaga akong mailang. Hindi ko kasi bet na panoorin ng mga tao.
"Napakaunfair mo, ikaw lang 'yung p'wedeng magtanong", napafacepalm na lang ako. Nakakastress pala na magkaroon nang ganitong kasama. Kawawa siguro si Khloe kung itong lalaking ito lang ang makakatuluyan niya. Mabuti na lang din talaga, hindi katulad nitong Yoshua na 'to si Icarus.
"Pwede ba--", pinutol niya ako.
"Oo na ito na, mayroon naman akong susi ng bahay ni Carung, tara na", ngumisi ako, marunong naman pala ang isang 'to na magsabi ng matino.
May dinukot siya sa bulsa niya, kaya nakita ko kaagad ang keychain nito na baka. Ulo iyon ng baka. Abnormal talaga. Punong puno din ito ng mga susi na hindi ko alam kung para saan ba 'yung iba.
Siguro mahilig siyang mangolekta ng mga duplicate na susi. Hmm, kawatan.
Nang mabuksan niya na rin nang tuluyan ang pinto, ay lumapit muna ako sa kaniya para magtanong. "Bakit ang daming susi diyan sa na kasama ng keychain mong baka? Kawatan ka 'no?", humalakhak siya.
"Duplicate key namin itong lahat ng mga kaibigan ko. Bukod kasi kay Carung at Pael, ay may mga kaibigan pa ako, na mga kasa kasama ko sa pagse-skateboard. Para 'pag may emergency, kaya naming buksan 'yung mga bahay nila. Saka minsan nga, naabutan ko 'yung isa naming kaibigan na nag va-vitamin J, nakakatawa kaya Rheanne HAHAHA", humalakhak ulit siya nang mas malakas.
Huh? Vitamin J?
Put--
Napangiwi ako nang ma-realize ko, kung anong ibig sabihin nitong si Yoshua. Sino kaya sa mga kaibigan nila 'yung gumagawa noon? Hindi kaya--
"Kung iniisip mo na si Carung 'yon. Tama ka Rheanne! HAHAHA", hindi nga? Magagawa ba talaga ni Icarus 'yon?
"Oh? Bakit ngiwing ngiwi ka na diyan Rheanne? Hindi ka ba makapaniwala?", pilyo siyang ngumisi sa akin, kaya hinampas ko siya nang pagkalakas lakas.
BINABASA MO ANG
How Much Are You, Driver? (EL Fuego Corazon Series 2)
Romance[Fire Of Hearts S2 : COMPLETED] ... Rheanne Astraea Miztiqua. She's just a girl who's contented to be with her friends as always. Not until, the guy that will soon the reason of her heartbreak, came. She's so desperate to reach that guy, but he's st...