EPILOGUE

52 6 12
                                    

Epilogue.

How Much Are You, Driver?

Author's Note: So This is It my beloved yclas! Salamat sa mga nagtry magbasa at nakaabot dito. Salamat talaga! Huhu mahal ko kayo.







"OMG CONGRATS Rheanne. Sa wakas. Sa ating apat, si Ria na lang talaga ang walang asawa HAHAHA", natatawang bati ni Jezrill habang kumakain. Obsessed na obsessed siya sa chocolate coat with strawberry flavor wedding cake namin. Paano? Buntis na kasi siya sa pangatlo nila ni Gideon niya.

Tinawanan ko sila habang tumitikim rin ng cake. Hindi ko gusto mas'yado ang strawberry flavor na ito, pero hindi ko naman puwedeng hindi tikman. Napaka KJ ko naman kung gano'n.

"Ang takaw takaw mo Jez, tingnan mo. Nakailang plates ka na ng slice of cake. Hindi ka ba nahihiya na para sa mga bisita nila ang cake na 'yan?", pang aasar pa ni Ysa kay Jez kaya sinimangutan siya nito.

Mag siya-siyam na buwan na rin ang nakalipas simula nang mangyari ang trahedyang 'yon.  Kakapanganak lang ni Ysa noong nakaraan at lalaki na naman ang anak nila ni Drexel. Nakakatuwa dahil ang cute cute ng baby at ang lusog lusog.

Habang ako, ang laki laki ng baby bump ko.

Noong nagpa ultrasound ako noong nakaraan ay napag alaman kong kambal pala ang anak namin. Mygosh. Paano ko sila ilalabas kung gan'yan sila kadami?

"Malungkot ka na naman Rheanne. Alam mo namang hindi puwedeng maging emosyonal ang mga buntis dahil puwedeng maapektuhan ang babies mo", tumango tango ako kahit malungkot pa rin. Inilibing na siya sa isang private cemetery ngayon, pero hindi ko pa rin makalimutan na nagawa niyang ibuwis ang buhay niya para lang sa kaligayahan ko.

"Nakokonsensya pa rin ako ngayon Ysa. Kahit malapit na ring mag isang taon mula nang mangyari 'yon, hindi ko pa rin magawang kalimutan", sumisikip ang dibdib ko.

"Listen Rheanne. Alam nating lahat, na masaya siya sa pinili niyang path. Pinili niyang mawala para sa'yo. I'm sure, pinapanood ka niya ngayon at masayang masaya siya na nagawa mo na ring maging masaya sa kabila ng lahat", si Jez, tama naman siya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil doon. Kulang pa rin kami hanggang ngayon dahil wala pa rin si Ria. Nakakatampo nga siya dahil sa mismong kasal ko, wala siya.

"Hindi dapat maging malungkot ang bride. Maging masaya ka dahil ganap ka nang Mrs. Constavio ayieeeeee", pang aasar pa ni Ysa kaya naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko.

Oo nga pala. Hindi pa rin ako makapaniwala. Na totoong mag asawa na kaming dalawa. Gosh.

"Teka. Oo nga pala Rheanne. Nasaan ba si Icarus ngayon? Bakit hindi ka niya samahan ngayon dito?", pagtatanong ni Jez habang kumakain pa rin ng cake. Ngumiti ako.

"Alam niyo naman. Gusto niya rin tayong bigyan ng frenny moments. Parang kailan nga lang, isa lang tayong mga high school girls na inaasar si Aldrick..", tumawa kaming tatlo. "...at isa pa, kausap niya ngayon sila Mom at Dad", natutuwa ang puso ko. Ngayon, na-meet niya na kasi si Dad at Mom kaya talagang masayang masaya na talaga kami ngayon.

Noong nangyari nga pala ang araw ng trahedya. Natuwa ako dahil buong akala ko ay nadamay si Icarus sa pagsabog ng yate. Kinabahan rin ako dahil sa dami ng tama niya sa katawan, dahil baka maubusan siya ng dugo. Pero dahil may awa ang panginoon, hindi niya pinabayaan si Icarus dahil agad naman siyang naisugod sa hospital noon para ipagamot. Naging maayos naman na si Icarus at pinangako talaga sa akin at sa amin ng mga anak niya na never na talaga kaming magkakahiwalay lahat.

Pero noong araw din na 'yon binawi sa akin ang kaibigan kong si Jetharley. Alam kong hindi ako naging mabuting kaibigan sa kaniya dahil sa nangyari. Hindi ko siya masisisi, dahil doon, alam ko kasi na kapag sobrang minahal mo ang isang tao, hahayaan mo na lang na makontrol ka ng emosyon mo. Hahayaan mong makagawa ng masasamang gawain na para sa'yo ay paghihiganti lang, pero ang laki ng impact noon sa ibang tao.

How Much Are You, Driver? (EL Fuego Corazon Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon