Chapter One
Accept The Offer.
"ANO BANG pumasok sa isip mo Rheanne, at ginawa mo 'yun?", halata ang disappointment sa tono ni Ysabelle, alam kong napakasama kong tao dahil nagawa ko ang bagay na 'yon, pero ano bang magagawa ko? Mahal na mahal ko nga kasi si Icarus.
"Hayaan mo kaya munang magpaliwanag si Rheanne, Ysa? 'Wag mo muna siyang tanungin", pagsasalita ni Ria. Tipid ko naman siyang nginitian. Alam naman namin na hindi talaga palalagpasin ni Ysabelle ang ganito.
"Kanina ko pa siya hinihintay na magsalita tungkol doon, Ria. Alam mo namang marami pang iba riyan, hindi ba Rheanne? Nilagay mo lang sa alanganin ang sarili mo, Rheanne. Alam mo naman kung gaano kakilala, hindi lang ang pangalan mo, kung hindi ng pamilya mo..", ani muli ni Ysabelle, sa isang mababa nang tono. Nakatingin lang ako sa kan'ya habang hinihintay ang kan'yang sasabihin.
"...At isa pa. Hindi naman sa minamaliit ko 'yung estado niya sa buhay. Pero marami namang mas mayaman diyan ah? Bakit hindi na lang 'yung mga ka-level mo?", dagdag pa niya, kaya natahimik naman ako.
Hindi ko kasi siya minahal sa pamamagitan ng pagtingin ko lang sa kung ano siya. Minahal ko siya dahil siya si Icarus Constavio. Siya ang kinikilala nitong puso ko, at kahit siguro maging kasing hirap lang siya ng daga. Ayos lang sa akin 'yon, dahil nakikita ko naman kung gaano siya kasikap.
"Rheanne, tama s'ya. Napakababa lang n'ya kumpara sa mga pup'wede mong ma-encounter 'pag nakapagtapos ka na, tayo. Mas maraming boys at mas g'wapo pa kaysa d'yan sa Constavio na 'yan", si Ria naman ang nagsalita. Tama naman sila, pero ano ba kasing magagawa ko, mahal na mahal ko talaga si Icarus at hindi ko na alam kung kailan ako makakaahon sa tindi ng pagkakahulog ko sakanya.
"Sana marealize mo 'yang pinasukan mong gulo Rheanne, sayang ang ganda mo at kung sino ka, kung magmamakaawa at magkakandarapa ka lang sa Constavio'ng iyon. 'Wag ka sanang magalit sa amin, kung hindi talaga namin basta basta maibibigay ang suportang hinihingi mo sa amin. Ang gusto lang naman namin, mailagay ka lang sa tahimik at hindi sa gulo. At ang pag mo-move on lang sa Icarus na 'yan ang nakikita naming mabuti para sa'yo"
HANGGANG ngayon, iniisip isip ko pa rin talaga ang mga sinabi ni Ria at Ysabelle na mga kaibigan ko. Na-realize ko ring ang naiisip lang nilang way ang talagang tama, at hindi ang ginagawa ko ngayon. Pero alam naman nila na hindi basta bastang malalabanan lang ang puso, hindi ba? Hindi lang ito basta bastang madidiktahan para biglaan na lang magbago ang gusto nito.
Kaya pasensya na sa kanilang dalawa. Pero itutuloy ko pa rin talaga 'to. Itutuloy ko pa rin ang desisyon ko na maangkin si Icarus.
Icarus Denalt Constavio ang buong pangalan niya. Isa na siyang graduating student at sa pagtatapos ng school year na 'to ay makaka-graduate na rin siya ng kolehiyo. 24 years old na siya at nag aaral din dito sa Puma Adelaine. Masasabi kong mayroon siya ng lahat ng characteristics na hinahanap ng mga babae sa mga lalaki na bibihira lang dito sa reyalidad, at nasa mga libro lang. Honor student siya. Noong nakatapos nga ito ng Grade 12 noong nakaraan ay nanguna ito at minarkahan bilang isang Valedictorian sa buong batch nila, kaya totoong nakakatuwa 'yon.
Napaka g'wapo niya. Hindi rin sapat ang salitang g'wapo para lang ilarawan ang kan'yang pisikal na kaanyuan. Masinop talaga siya. At napaka tiyaga.
Matipuno rin ito. Moreno ang kan'yang kulay dahil palagi rin siyang nabibilad sa araw, sapagkat isa siyang tricycle driver dito sa Lowesville, maging sa ibang mga town na kapalit lang ng lugar namin, maging ang hometown ko sa Hayseville. Independent student ito, maging sa kan'yang buhay. Matangkad siya at katamtaman ang laki ng mga mata. Marble Gray naman ang kulay ng kan'yang mga mata na totoong nakakahipnotismo, sa oras na matitigan mo ito. Suplado siya. Priority niya lang rin ang pag aaral, ang kan'yang buhay at ang kan'yang nobya na si Jasmin Talusig na kinaiinisan ko.
BINABASA MO ANG
How Much Are You, Driver? (EL Fuego Corazon Series 2)
Romance[Fire Of Hearts S2 : COMPLETED] ... Rheanne Astraea Miztiqua. She's just a girl who's contented to be with her friends as always. Not until, the guy that will soon the reason of her heartbreak, came. She's so desperate to reach that guy, but he's st...