Chapter Sixty-Eight
Tasty Teasing.
Warning: SPG R-18 OO. MGA HINDI PA NAGBIBIRTHDAY NA 2003 BABIES PABABA, BAWAL! PAPIRMAHAN MO MUNA ITO SA MAGULANG NINYO. HEHE.
HINDI ko alam kung anong magiging reaksyon ko nang sabihin ni Icarus 'yon. Mas lalong tumindi ang galit ko para sa sarili ko dahil hindi ko man lang siya nagawang hayaan na makapag paliwanag noong araw na 'yon. Sobrang dami ng paghihinagpis ang naramdaman ko. Bakit ni komprontahin ko lang siya noon, hindi ko pa ginawa dahil mas inuna kong paniwalaan ang walang katururan na pinoproseso ng utak ko? Bakit hindi sa puso ko na lang ako naniwala?
Dumalantay ang lungkot sa mga mata ni Icarus nang itago niya sa bulsa ng pajama niya ang singsing. Hindi ko alam kung bakit kasabay ng pagtago niya sa pajama niya ng singsing na 'yon ay ang pagkawarak ng puso ko.
"It was my fault. Alam ko Rheanne. I let Jasmin to talk to me. But it has a purpose. Noong araw na 'yon. She's so broke. Durog na durog siya dahil sa nangyaring trahedya. Nasa Jeddy Resort na ako dahil gusto kong paghandaan na lahat bago pa kita sunduin Rheanne. But tumawag siya sa akin at sinabi niyang tulungan ko daw siya, nasa malapit na Convenience Store lang naman daw siya dahil ayaw siyang papasukin ng mga staffs sa Jeddy. So as her friend, I felt worried about her, noong mga araw na 'yon Rheanne, wala na kaming relasyon pa ni Jasmin dahil pinutol ko na iyon..", dire diretso lang ang pagsasalita nito pati ang tingin niya. Saglit din akong nagulat. "...Pumunta ako sa Convenience Store, Rheanne. At akala ko saglit lang ako doon. I actually already said it to her, na noon na ako mag popropose sa'yo. Matagal na kaming tapos ni Jasmin dahil narealize ko na infatuated lang kami sa isa't isa. Pero pagdating ko doon Rheanne, she almost cried. Niyakap niya ako nang mahigpit, sinabi niyang patay na si Tito Gil. Na wala na siya Rheanne, nanghina din ako noong mga sandaling 'yon. D-dahil 'yung kaisa isang itinuturing kong ama, n-namaalam na dito sa mundo. Hindi ko rin namalayang tuluyan nang nasira ang phone ko at hindi na ito nag bukas pa kahit kailan. Ginawa ko lahat nang makakaya ko, maipaayos lang ang phone ko dahil baka may mga naiwan kang message doon at masasagot din ang mga katanungan ko kung bakit mo ako iniwan..", hindi ko mai-sink-in lahat sa pagkatao ko ang mga sinabi niya. Tuloy tuloy pa rin ang pag iyak ko at hindi na ako makagalaw pa.
"...pero wala. W-wala akong napala kahit saan ko pa dalhin ang phone ko. Nadamay pa ang simcard ko sa nangyaring pagkasira noon. Kaya hindi ko na alam ang gagawin ko Rheanne. Hinalikan ako ni Jasmin, totoong nangyari 'yon, alam kong nagkamali ako nang hayaan ko siyang gawin 'yon dahil naisip kong sobrang nalulungkot siya, pero ilang beses kang lumitaw sa isipan ko noon Rheanne. Kaya tinulak ko siya kahit nakokonsensya pa akong anak siya ni Tito Gilbert. Hindi mo ba naabutan Rheanne? Mabilis kang pinag usapan sa labas dahil may babaeng tumakbo daw palayo habang umiiyak. Alam ko na sa sarili kong ikaw 'yon, dahil pupunta tayo sa Jeddy Resort, at hindi ko na namalayan pa ang oras kaya naisip kong, baka ikaw mag isa 'yung pumunta. Hinabol kita noon, hinanap ko lahat ng puwede mong daanan. P-pero wala ka Rheanne. Wala ka kahit saan doon. Kaya sobra sobra akong nanlumo at dali dali rin akong pumunta sa bahay ninyo. At nakumpirma ko ngang nagpahatid ka sa driver ninyo para pumunta ng Jeddy. Hindi ko alam ang gagawin ko noong araw na 'yon, sobrang sakit. Lahat ginawa ko para lang magka clue ako kung nasaan ka. Lahat ng mga kaibigan mo, sila Ysabelle at Ria tinanong ko. Maging ang gagong si Jetharley, hinanap ko para lang malaman sa kaniya kung nasaan ka. Pero nalaman kong wala na rin siya at kasama mo pala siya dahil tumawag ito kay Manang Sele at sinabing ilalayo ka niya, at wala man lang sinabing lugar..", sobra sobrang nasasaktan at nanlulumo ako. Bakit hindi ko hinayaang malaman ito kahit noong unang pagkikita namin nang muli akong bumalik dito sa Pilipinas?
"...Pati ang mga kaibigan mo. They're clueless. Pati sila, nag aalala. Hindi namin alam kung saan ka hahagilapin noong mga araw na 'yon Rheanne. Araw araw akong lumuluhod sa mga taong malalapit sa'yo para lang sabihin nila kung nasaan ka at kung ano ang mga nalalaman nila. P-pero wala rin akong napapala. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nawalan na ng direksyon ang buhay ko simula nang mawala ka sa tabi ko Rheanne. I cried. I cried a lot everyday. I'm fucking always wishing you to come back again. Hanggang sa pati sa pag aaral, nawalan na ako ng gana, because it was all dedicated to you. Pero mabuti na lang at nakumbinsi ako nina Pael at Yoshua to stand up again. Sinabi nila na kapag naging successful na ako, saka na kita hahanapin, saka ko na susuyurin ang buong mundo kahit ang impyerno para lang mahanap ka. So even though I'm weary, I still forced my self to study until our graduation. Nangako ka sa akin na sasamahan mo ako sa araw ng graduation ko, but you didn't came. Umaasa ako na kahit sana saglit, magpakita ka to make my life easier again, but y-you're not..", tuloy tuloy lang siya sa pagsasalita habang hindi ko na alam ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
How Much Are You, Driver? (EL Fuego Corazon Series 2)
Romance[Fire Of Hearts S2 : COMPLETED] ... Rheanne Astraea Miztiqua. She's just a girl who's contented to be with her friends as always. Not until, the guy that will soon the reason of her heartbreak, came. She's so desperate to reach that guy, but he's st...