chapter 10

13 0 0
                                    

chapter 10

Ng magising ay tila magaan na ang pakiramdam ni Joyce.

Agad itong bumangun mula sa pagkakahiga at tila pinagpapawisan ito tanda na lumabas na ang init sa kanyang katawan tanda rin ito na magaling na ang dalaga mula sa lagnat na kanyang natamo.

Ng makalabas sa kanyang kwarto upang makapaghanda sa kanyang muling pagbabalik sa trabaho ay nakita niya si aling Linda na umiiyak at kasama nito sina mang Robert at isay sa may sala.

Inay! bakit po kayo umiiyak? itay anong nangyari kay inay? pagtatakang tanong pa ni Joyce kay mang Robert.

Nagmamaktul! paalis ka na kasi! hindi na mapipigilan at pupunta ka na ng America! ang sabi pa ni mang Robert kay Joyce.

Bakit! hindi pa naman po nakuha iyong aking passport di ba! ang sabi pa ni Joyce kay mang Robert.

Kaya nga ako narito para ibigay saiyo ito! ang sabi pa ni isay kay Joyce sabay abut ni isay sa envelope na may lamang passport kay Joyce.

Agad itong tinanggap ni Joyce ngunit hindi niya tiningnan ang loob ng envelope tumingin lang ito sa kanyang mga magulang at pati na rin kay isay.

Ngayon! e aalis ka na nga! pero huwag mong kakalimutan sana maalala mo man lang ako! na sise nine iyong paa ko! paiyak pa na sabi ni isay kay Joyce.

Agad na ngumiti si Joyce sa mga magulang nito at kay isay.

Tumigil nga kayo! hindi pa ako aalis! ngayon at isa pa isay hindi sise nine ang paa mo seven lang iyan napakalaki kasi ng balakang mo kaya nagmumukhang sise nine iyong paa mo! hahaha! ang patawang sabi pa ni Joyce kay isay sabay ngiti nito sa mga magulang.

Walang hiya! nakukuha mo pang magbiru! e aalis ka na nga! nagbibiru ka pa rin! paiyak na sabi pa ni isay kay Joyce.

Ano ba kayo! huwag nga kayong ganyan! kayo talaga! hindi na nga ako umiiyak! isipin ninyo inay! itay! pero di ka kasali isay ha! kayong dalawa ang isusunud ko na papupuntahin don sa america! at ikaw sapatos o di kayay sandals na lang ang saiyo! baka pag dinala pa kita don sa America lalo kang tumaba don! pangiting sabi pa ni Joyce kay isay.

Ngunit isang tanong ang nakapagpawala sa ngiti sa mga labi ni Joyce.

Anak! paano mo iyan ipapaalam kay Vincent? tanong pa ni mang Robert kay Joyce.

Napatingin si Joyce kay mang Robert at tila di ito nakapagsalita sa tinanong ng ama sa kanya.

Mahirap di ba! di lang si Guffy ang iiwan mo! pati din iyong amo! ang sabi pa ni mang Robert kay Joyce sabay ngiti nito sa dalaga.

Ngunit di na nakapagsalita si Joyce agad na lang itong naghanda at kumain upang makapasok na ito sa kanyang trabaho.

Papasok ka? pagtatakang tanong pa ni aling Linda kay Joyce.

Opo! saka maayos na po ako inay! huwag po kayong mag-alala sa akin! masiglang sabi pa ni Joyce kay aling Linda.

At isa pa nagdala po ako ng ekstrang gamot para panlaban sa lagnat! dag-dag na sabi pa ni Joyce kay aling Linda.

Pero friend! paano mo nga sasabihin iyan kay Vincent? na aalis ka na! muling tanong ni Isay kay Joyce.

Bahala na! basta! sasabihin ko! sana nga huwag mapaanak ng maaga si Guffy! ayaw ko lang kasing malungkot siya! pero kailangan na talaga akong umalis! para kina inay at itay at para rin di na ako masaktan! ang sabi pa ni Joyce kay isay.

Tila naintindihan ni Isay ang ibig sabihin ng kaibigan at napatingin na lang ito kay Joyce.

Sa bahay ng mga Salasar ay nakita ni Jake na tila maagang nagbihis si Vincent.

When The Right One Comes AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon