Muli ay umingay ang alarm ng CP ni Joyce.
Nang tingnan niya ay six na ng umaga.
Naku! Gulat na sabi niya sa sarili. “Kailangan bago mag alas otso nandoon na ako baka ipapulis pa ako non,” bulong pa niya sa sarili.
Nagmadaling maligo at kumain si Joyce upang agad itong makaalis papunta sa subdivision kung saan ito magtatrabaho.
Ngunit humirit ang ama ni Joyce bago umalis ang anak.
“Anak, pag-uwi mo maligo ka ulit kasi baka mag-amoy aso ka!” biro pa ng ama sa anak sabay tawa nito.
Ngumiti na lang ang anak at di na pinansin pa ang ama dahil nagmamadali na itong umalis.
Nang makadaan sa may guard house ng subdivision ay pinatuluy siya ng mga gwardya ngunit nagbiro ang isa nitong kasamang gwardya.
“Dapat may handa kang anti-rabis baka mamatay ka sa pagiging dog yaya.”
Biglang nagtaka ang dalaga sa sinabi ng isang gwardya.
“Ano?! Ibig sabihin alam ninyo ang nakapaskil dyan sa loob kaya niyo pala ako pinagtawanan dahil don?” tanong pa niya sa mga gwardya.
“Alam mo marami ng muntik mapatay na mga katulong iyang asong iyan tingnan lang namin kung tatagal ka. Baka hanggang ngayon ka lang,” sabi pa ng gwardya na nasa kanang bahagi ng gate.,
At muli ay nakapasok ang dalaga sa subdivision ng walang kahiraphirap.
Muli ay pumunta si Joyce sa may dulo ng subdivision at doon hindi na nakita ng dalaga ang nakapaskil na wanted dog yaya.
Nakita niya ang gate ng bahay ni Vinsent sarado ito at tila tahimik sa loob ng bahay.
May tao ba talaga rito o baka naman multo iyong nakatira rito hindi tao, hirit pa niya sa sarili.
“Tao po! May tao po ba rito?” pasigaw pa niya habang kinakatok ang gate.
Nakalimutan ng dalaga na nasa ibabaw ng gate ang doorbell.
Ngunit nang makita niya ito ay agad niya itong pinindot, pinindot at pinaglaruan.
Nang buksan ang gate ay nakita ni Joyce ang isang matandang babae na nakauniporming pang katulong.
“Magandang umaga po! Ako po iyong hinire na tagapag-alaga ng aso ni Ser Vinsent.”
Tiningnan niyang maigi ang dalagang si Joyce.
“Sige, pasok. Nandoon sila sa garden,” sabi pa ng matandang katulong kay Joyce.
Napamangha ang dalaga ng makapasok sa loob ng bahay.
Wow! Ang ganda bahay pa ba to o palasyo sobrang laki naman, sabi pa ng dalaga sa sarili habang manghang-mangha sa laki ng bahay.
Pinagpatuloy ni Joyce ang paglalakad papunta sa garden kung saan nandoon ang swimming pool ng mga Salasar.
Ngunit nang magpunta siya sa garden ay walang tao at nakakabingi pa ang katahimikan.
Nang lingunin ni Joyce ang kanang bahagi ay nakita niya si Guffy na nakaupp sa tabi ng swimming pool.
Nang makita siya ni Guffy ay bigla itong tumalon paharap sa kanya.
Kasing tulin naman ng kabayo ang pagtakbo ni Joyce sa sobrang takot. Sa bilis ay di niya namalayang papunta na siya sa swimming pool ng mga Salasar. ‘Di na nakontrol ni Joyce ang kanyang pagtakbo at nahulog siya sa swimming pool.
“Tulong! Ayaw ko pang mamatay! Ayaw ko pang makuha ng maaga ang death benefits ko!” sigaw pa niya habang papalubog na siya sa tubig.
Agad itong nakita ni Vinsent sa di kalayuan at sa kagustuhang mailigtas ang dalaga ay hinubad ni Vinsent ang kanyang suot na t-shirt.
BINABASA MO ANG
When The Right One Comes Along
JugendliteraturPaano kung ang pag-ibig na inisip ninyong mali ay pwede palang pagsimulan ng isang happy ending?