chapter 11
Ng magising ay agad na inihanda ni Joyce ang kanyang malaking bag at nagimpake para sa kanyang pag-alis papunta ng America.
Aalis na ako bukas! mamimis ko ang pilipinas! pero kailangan kung umalis para kina inay at itay! ang sabi pa ni Joyce sa sarili habang ipinapasok ang kanyang mga gamit sa kanyang malaking bag.
Biglang may narinig si Joyce na katok mula sa pinto ng kanyang kwarto.
Joyce anak! ang nanay Linda ito! pwede bang pumasok? tanong pa ni aling Linda na nasa labas ng kwarto ni Joyce.
Opo! sigi po pasok lang po kayo inay! ang sabi pa ni Joyce na nasa loob ng kanyang kwarto.
Agad din namang binuksan ni aling Linda ang pinto sa kwarto ni Joyce at agad itong pumasok.
Sa kanyang pagpasok ay nakita ni aling Linda ang pagiimpake ng kanyang anak ng mga gamit nito paalis papunta ng America.
Aalis ka na bukas anak! mamimis ka namin ng tatay mo! mangiyakngiyak na sabi ni aling Linda kay Joyce.
Inay! pansamantala lang po ito pag po ako ay nabigyan na ng green card doon kayo naman po ni tatay ang papupuntahin ko don! at pagkatapos e magkakasama na po tayo don sa America! ang sabi pa ni Joyce kay aling Linda habang pinipilit ng dalagang huwag umiyak sa harap ni aling Linda.
E! anak! paano si Vincent! alam na ba niyang aalis ka? tanong pa ni aling Linda kay Joyce.
Opo! nasabi ko na sa kanya! at nag resign na rin po ako don sa bahay nila bilang dog yaya ni Guffy! kasi po gusto kung ilaan ang panahon ko sa inyong dalawa ni itay! ang sabi pa ni Joyce kay aling Linda.
Tiningnan na lang ni aling Linda ang anak at niyakap niya ito ng mahigpit.
Ngunit agad ding pumasok si mang robert sa loob ng kwarto ni Joyce at naupo sa tabi ng mag-inang Joyce at aling Linda na nagyayakapan.
O! sali naman ako dyan! pangiting sabi pa ni mang Robert kina aling Linda at Joyce.
Agad ding niyakap ng dalawa si mang Robert at sabaysabay silang nagtawanan.
Matapos non ay tinulungan ng mag-asawang makapagimpake si Joyce ng kanyang mga gamit na dadalhin nito papunta ng America.
Matapus magimpake ay lumabas ang maganak sa loob ng kwarto ni Joyce at pinagsilbihan ni Joyce ang kanyang mga magulang pinagluto niya ito ng pagkain at pinagtimpla din niya ng paburitong kape ang kanyang tatay na si mang Robert.
Ilang minuto ay dumating si Isay at agad na pumasok sa bahay ni Joyce.
Agad nitong nilapitan ng kaibigan at bigla na lang itong humagulgul ng makita si Joyce.
Joyce aalis ka na iiwan mo na ako! hindi na tayo magkakasama! paiyak na sabi ni isay kay Joyce.
Agad namang lumingon si Joyce sa kaibigan at inihinto ang pagluluto at niyakap ang kaibigan nito na si Isay.
Ikaw talaga! nagluluto ako! pero ayos lang iyon basta ba alagaan mo na lang sina inay at itay lagi mo silang babantayan! bilin pa ni Joyce kay Isay.
Sigi! basta ba sise nine iyong paa ko! pabirong sabi pa ni Joyce kay isay habang umiiyak parin ito.
agad na ngumiti si Joyce sa kaibigan at bumalik ito sa pagluluto ng itlog.
Maupo ka na lang dyan at sabay tayong kakain! ang sabi pa ni Joyce kay isay.
Agad din namang naupo si isay at hinintay na matapus si Joyce sa pagluluto ng itlog.
Matapos non ay sabaysabay na kumain ang apat sa mesa.

BINABASA MO ANG
When The Right One Comes Along
Teen FictionPaano kung ang pag-ibig na inisip ninyong mali ay pwede palang pagsimulan ng isang happy ending?