Chapter 8

35 0 0
                                    

Chapter 8 

Ng magising ay naramdaman ni Joyce na tila basang-basa ang kanyang kama. 

Umiiyak nga pala ako! ang sabi pa ni Joyce sa sarili. 

Inilibut ni Joyce ang kanyang mga mata sa paligid ng kanyang kwarto at nakita niya na andon parin malapit sa bintana ang sampaguita na binigay ni Vincent sa kanya. 

Biglang narinig ni Joyce ang malakas na katok sa pinto ng kanyang kwarto. 

Joyce anak! Joyce! sigaw pa ni aling Linda kay Joyce na nasa loob ng kanyang kwarto. 

Si inay! bakit kaya? tanong pa ni Joyce sa sarili habang dali-dali itong bumalikwas sa kanyang kama at dali-dali ring binuksan ang pinto ng kanyang kwarto. 

Ng buksan niya ang pinto ay nakita ni Joyce ang kanyang inay na nakangiti. 

Inay! bakit? anong nangyari? akala ko mirong nangyari! bakit po kayo nakangitit tila napakasaya niyo pa po! pagtatakang sabi pa ni Joyce kay aling Linda. 

Anak! dumating na ang matagal mong hinihintay! anak! napitisyonan ka na ng auntie mo! makakapunta ka na ng America! masayang sabi pa ni aling Linda kay Joyce. 

Po! gulat na sabi ni Joyce kay aling Linda. 

Oo! anak! sa katunayan ito iyong pitition paper mo kasama na dyan ang iyong vissa! ang gawin mo na lang e kumuha ka ng passport! at pagkatapos non pwedde ka ng umalis! masayang sabi pa ni aling Linda kay Joyce. 

Agad na kinuha ni Joyce ang malaking sobre na may lamang mga dokomento tungkol sa kanyang pag-alis papuntang America. 

Sandaling pumasok si Joyce sa loob ng kanyang kwarto at inilagay ang sobre sa loob ng kanyang kabenet matapos nito ay lumabas na ang dalaga at naghanda ng kumain ilang minuto lang ay lumabas si mang robert sa kwarto at kinausap ang anak ng pabulong. 

Ayos ka lang ba? tanong pa ni mang Robert sa anak. 

Agad namang napalingon si Joyce kay mang Robert. 

Opo! huwag niyo na po akong alalahanin! kaya ko po ito itay! pabulong na sabi ni Joyce kay mang Robert. 

Natanggap namin iyong pitition paper mo papuntang america kanina lang! masaya nga ako para saiyo e ikaw anak! masaya ka ba? tanong pa ni mang Robert kay Joyce. 

Ngunit yumuko na lang si Joyce at di na nagsalita. 

Ilang minuto matapos kumain ay naghanda na si Joyce na maligo upang makapasok na sa kanyang trabaho. 

Itay! inay! si isay po bakit hindi po siya dumaan rito? pagtatakang tanong pa ni Joyce kina aling Linda at mang Robert. 

Nako! anak dumaan rito! napakaaga nga! nagpasabi lang na hindi siya makakasabay saiyo kasi maaga siyang maglalaba ngayon! napakadami raw kasi niyang ihahatid na mga labahan kaya nagpasabi na siyang baka di ka niya masabayang kumain ng almusal! sagot pa ni mang Robert sa tanong ni Joyce sa kanila. 

Ganon po ba! ang sabi pa ni Joyce kina aling Linda at mang Robert. 

Matapos na maligo ay naghanda na si Joyce para sa kanyang trabaho papunta sa mga Salasar. 

Sa bahay ng mga Salasar ay nakita ni Vincent si Jake na nagluluto sa kusina. 

Kuya what's that? pagtatakang tanong pa ni Vincent kay Jake. 

Almusal! well! that's not for you! that's for Joyce! pangiting sabi ni Jake kay Vincent. 

Tiningnan lang ni Vincent si Jake na nagluluto ng almusal. 

When The Right One Comes AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon