Chapter 5
Habang natutulog ay bigla nalang na nanaginip si Joyce.
Sa kanyang panaginip ay nakita niya si Guffy na tila gustong magpahabol.
"Guffy!" gulat na sabi ni Joyce sa sarili.
Ngunit tumahol si Guffy na tila gusto nitong magpahabol kay Joyce.
Agad itong hinabol ng dalaga hanggang sa makaabot ito sa simbahan at doon ay pumasok si Guffy.
"Simbahan to a!" ang sabi pa ni Joyce sa sarili.
Agad na pumasok si Joyce sa loob upang hanapin si Guffy.
Ngunit ng makapasok si Joyce ay iba ang kanyang nakita.
Mga taong nakasuot ng damit pangkasal at paring tila naghihintay
At, mas nagulat siya dahil nakita niya sina aling Linda at mang Robert sa di kalayuan.
"Anong ginagawa nina nanay at tatay rito! sino kaya ang ikakasal?" tanong pa ni Joyce sa sarili.
Ngunit mas nagulat siya nang lapitan siya ng isang lalaking nakasuot ng barong na ginagamit sa kasal.
"Lets go! hinihintay ka na nila" ang sabi ng lalaki na si Vinsent pala.
"Sandali nga!" sabay tingin ni Joyce sa lalaki.
"Ikaw!" gulat na reaksyon ni Joyce ng makitang si Vinsent ang nakasuot ng barong na damit pangkasal.
"At saan tayo pupunta?" pagalit na tanong ni Joyce kay Vinsent.
"Sa altar! Magsusumpaan na magmamahalan habang buhay" ang sabi pa ni Vinsent kay Joyce.
"Magsusumpaan! habang buhay ayaw ko! hindi pwede! ayaw ko sa gaya mo antipatiko ka at bukod don mukha kang aso!" pagalit na sabi ni Joyce kay Vinsent.
"At kung magsusumpaan man isa lang ang isinusumpa ko na lumayo ka sa buhay ko at sana mawala ka habang buhay! Narinig mo habang buhay! Ayaw ko! Ayaw ko! Ayaw ko!" pasigaw na sabi ni Joyce hanggang sa magising ito sa pagkatulog.
Nang magising ay tila 'di siya makapaniwala sa kanyang napanaginipan.
"Anong panaginip iyon? Sa lahat ng taong pwedeng mapanaginipan ko e bakit ang lalakeng pang iyon!" tanong pa ni Joyce sa sarili.
Ngunit nang tinignan ni Joyce ang relo ay alas otso na pala ng umaga.
"Alas otso! Naku po! Patay late na ako baka ipapulis pa ako noon." ang sabi pa ni Joyce sa sarili habang mabilis itong tumayo sa kanyang hinihigaan at mabilis ding nagsuklay.
Nang lumabas ay mabilis din itong naligo at nagbihis ni hindi na nga nito napansin ang kanyang mga magulang na kanyang dinaandaanan.
"Naku anak napakabilis mo naman parang di mo na kami napapansin a!" ang sabi pa ni mang Robert sa anak.
"Naku! itay inay pasensya na alas otso na po kasi, late na po ako, baka magdala na iyon ng pulis rito." ang sabi pa ni Joyce sa mga magulang nito.
"Hindi naman siguro! Pumunta nga iyon rito kanina." pabirong sabi pa ni mang Robert sa anak.
"Po!" gulat na reaksyon ni Joyce sa sinabi ni mang Robert.
"Anak naman di kana mabiro, masyado kang nirbyosa, akala mo lagi kasi na sa tuwing nali-late ka ay ipapapulis ka niya, parang hindi niya naman yata gagawin iyon sa iyo anak!" ang sabi pa ni mang Robert kay Joyce.
Sumali din si aling Linda sa usapan ng mag-ama.
"Oo nga, saka ang sabi ng tatay mo sa akin e mahal ka daw niya kasi impleyado ka niya, hindi lang sa kanyang aso pati sa kanyang heart!" hirit pa ni aling Linda sa anak.
BINABASA MO ANG
When The Right One Comes Along
Teen FictionPaano kung ang pag-ibig na inisip ninyong mali ay pwede palang pagsimulan ng isang happy ending?