Chapter 1

93 2 1
                                    

Magsisimula ang kwento sa isang maliit na bahay ng mga Swares.

Six na ng umaga ng umingay ang alarm ng CP ni Joyce.

Nang magising ay agad itong tumingin sa labas ng kanilang bintana.

Ayan na naman umaga na ulit kailan pa ba ako makakapagtrabaho nito? tanong pa niya sa sarili habang nakatingin sa malayo.

Iniisip niya ang tatay niyang nangangailangan ng gamot para sa hika at ang nanay nitong may hypertention.

Ako lang yata ang babaeng minamalas sa mundo parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa lagay na to! hinanakit pa ng dalaga sa sarili.

Ngunit isang katok sa pinto ang maririnig ni Joyce.

Ang kanyang nanay pala na naghahanda ng agahan ang kanyang maririnig na tinatawag siya.

"Joyce, anak hali ka na at kakain na!" ang sabi pa ng kanyang nanay Linda.

"Opo, nay!" pasigaw pa niya sa kanyang nanay na nasa labas ng pinto sa kwarto ng dalaga.

Nang makalabas ay inaya na siyang kumain ng kanyang mga magulang na sina Aling Linda at Mang Robert.

"Kumain ka na. Itlog ang ulam, masarap iyan dahil luto ng nanay mo!" ang sabi pa ng kanyang ama sa dalaga.

"Opo, itay. Kailangan kong kumain kasi maghahanap po ako ng trabaho ngayon!" malungkot na sabi ng anak sa kanyang mga magulang.

"Anak, huwag kang masyadong magpapagod kasi kailangan mo ring magpahinga. Halos wala ka nang pahinga. Kung umuwi ka'y napakatagal naman. Dapat magpahinga ka para di ka magkasakit!" payo pa ni Mang Robert sa anak.

"Oo nga. Huwag kang mag-alala kasi titipirin na lang namin ang gamot namin para di ka masyadong mahirapan!" sabi pa ni aling Linda sa dalaga.

"Naku, inay, huwag. Kasi kailangan ninyo iyan para di lumala ang sakit ninyong dalawa ni tatay! Ako po ang bahala. Kaya ko po ito baka di ninyo alam idolo ko si Darna. Kayang patayin lahat ng kalaban!" pabiro pa niya sa mga magulang.

"Kaya nga lang, anak di pwede kasi si Darna may bato e ikaw wala kang bato. Ang meron ka lang ay panghilod," sabay tawa ni Joyce sa biro ng ama.

"Pero huwag kang mag-alala kasi pag napitisyonan ka na ng auntie mo e mas malaki na ang sweldo mo kasi amerika na ang pupuntahan mo at di lang iyon dollars pa!" pangiting sabi ng ina sa kanyang anak habang humihigop ito ng kape.

Ngunit natigil ang kanilang pag-uusap nang dumating si Isay ang matabang bestfriend ni Joyce.

"Aling Linda! Mang Robert! May maganda po akong balita para kay Joyce!" pasigaw pa niya habang papasok sa loob ng tahanan nina Joyce.

"Ano iyon? Makikikain ka?" pabirong tanong ni Joyce sa kanyang best friend.

"Oo! Ay naku hindi pala. Sorry. Ikaw kasi nagpaparinig ka iyan tuloy nadulas iyong dila ko!" sabi pa ni Isay sa dalaga habang hingal na hingal ito sa pagtakbo.

Ipinaghanda naman siya ng bestfriend nito ng pagkain.

"Iyan. Pagkain mo. Huwag kang magreklamo ha kasi itlog lang iyan! Ano bang ibabalita mo?" tanong pa niya sa bestfriend nito.

"Gusto mo ng trabaho di ba?" tanong pa ni Isay sa dalaga.

"Aba, oo!" masaya namang sagot ni Joyce kay isay.

"Pwes, puntahan mo ngayon ang subdivision na malapit dito naghahanap kasi doon ng yaya! At urgent daw. Nabasa ko kasi nang makapasok ako doon. Nagdeliver kasi ako doon ng mga labada sa bahay na nandoon sa loob; nabasa ko wanted yaya!" masayang balita ni Isay kay Joyce.

When The Right One Comes AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon