chapter 6
Tumunog muli ang cp ni Joyce.
Ng siyay maggising ay tiningnan niya ang rilo sa kanyang celphone.
Napakaaga ko palang naggising! ano kayang mangyayari sa akin ngayong araw na to? Tanong pa ni Joyce sa sari.
"Nadinig ni Joyce ang katok sa pinto ang kanyang nanay Linda pala na naghahanda na ng agahan ang kumakatok sa kanya upang gisingin siya mula sa kanyang pagkakatulog.
Sino iyan? tanong pa ni Joyce sa kumakatok sa pintuan ng kanyang kwarto."
Joyce ang nanay Linda mo ito! gising ka na ba? tanong pa ni aling Linda na nasa labas ng pinto sa kwarto ni Joyce.''.
Opo! lalabas na po inay! ang sabi pa ni Joyce sa nanay nito na nasa labas ng kanyang kwarto.
Iniunat ni Joyce ang kanyang kamay at tumayo ito mula sa pagkakahiga sa kanyang kama.
Nag-ayos ito ng buhok at nagsuklay sabay tingin sa salamin at muli naalala niya si Vincent nong nakapasok ito sa kanyang kwarto.
Walang hiyang taong iyon!'' nakita ba talaga niya akong nakabrah? pero! parang! kasi tumawa at tinanong ako kung ako ba iyong nakabrah! walang hiya talaga! sa lahat ng pwede niyang makita e iyong picture ko pa na nakabrah! bwisit! bakit ko ba kasi nailagay iyon sa may dingding ng kwarto ko!'' pagalit na sabi ni Joyce sa sarili.
Muli ay kinatok siya ni aling Linda sa kanyang kwarto..
Joyce anak! kumain ka na! saka maligo baka mahuli ka pa sa trabaho mo! ang sabi pa ni aling Linda kay Joyce.
Opo inay! lalabas na po! ang sabi pa ni Joyce kay aling Linda.
Matapos na magligpit ng higaan ay lumabas na si Joyce ng kwarto naligo at naghanda ng mag-almusal.
Habang kumakain ay tila panay ang sipat ni Mang robert sa anak habang nagbabasa ito ng dyaryo.
Itay bat po sumisipat kayo ng tingin sa akin? tanong pa ni Joyce kay mang Robert.
Anak! parang gumaganda ka lalo! ang sabi pa ni mang robert sa anak.
po! anong ibig ninyong sabihin itay? tanong pa ni Joyce sa kanyang ama.
Wala! basta ba gumaganda ka lalo! alam mo iyong gandang may pinaghuhugutan! pangiting sabi ni mang Robert kay Joyce.''.
Itay talaga puro ka biro!'' ang sabi pa ni Joyce kay mang robert.
Habang kumakain ay dumating naman ang besfriend ni Joyce na si Isay.
O! Isay! nandito ka na pala! hali ka na sumabay ka na sa amin! pag-aya pa ni aling Linda sa besfriend ni Joyce.
Nako!'' hindi po ako tatanggi bastat katabi ko si Joyce! masayang sabi pa ni Isay sabay tapik niya sa balikat ni Joyce.
Habang kumakain ay pabulong na tinanong ni isay kay Joyce ang mga nangyari nong sila lang ni Vincent sa bahay ng dalaga.''.
Hoy! sigurado ka bang naglinis lang iyong amo mo kahapon? baka may nangyaring di namin alam! pangiting pabulong ni Isay kay Joyce.
Tumigil ka nga! wala kaya! pero parang nag-aalala ako! kasi nagkamali siya ng kwartong pinasok naligaw kasi siya imbis na kwarto nina nanay at tatay iyon! iyong kwarto ko ang napasok niya! pabulong na kwento pa ni Joyce kay isay..
Ano! malakas na sigaw ni Isay sa kwento ni Joyce sa kanya..
O bakit? tanong pa ni aling Linda na napalingon sa sigaw ni isay..
BINABASA MO ANG
When The Right One Comes Along
Teen FictionPaano kung ang pag-ibig na inisip ninyong mali ay pwede palang pagsimulan ng isang happy ending?