Chapter 3

39 1 0
                                    

Maagang nagising ang dalagang si Joyce. Sa pagkakataong ito ay limang minuto bago mag six ng umaga. Inunahan pa niya ang alarm ng kanyang CP. Nang lumabas siya ng kwarto ay nakita niyang sweet na nagtutulungan sa paghahanda ng pagkain sina Aling Linda at Mang Robert.

“Wow! Ang sweet naman ninyong maghanda ng pagkain. Para kanino? Sa inyo lang?” pabirong tanong pa ni Joyce sa mga magulang.

“Naku, anak. Hindi. Nandito na nga iyong pagkain mo. Maaga kasi kaming nagising ng nanay mo para at least kahit sa pagluluto ay may magawa kami para matulungan ka!” sabi pa ni mang Robert sa anak.

“Alam niyo, ‘tay? Daig niyo pa si nanay kasi si nanay kahit kailan ang pinapanood niyan mga pantaserye sa tv, kayo level up kasi nagdadrama na kayo. Daig pa ninyo si Jon Lloyd Cruz,” sabi pa ni Joyce sa ama.

“E, anak alam mo, idol ko kasi si Tersu Cruz. Alam mo naman magaling na artista iyon!” biro pa ni mang Robert sa anak.

Tiningnan na lang ni Joyce ang ama at ngumiti ito. Habang kumakain ang mag-anak ay dumating si Isay na besfriend ni Joyce.

“Joyce, kamusta? Ayos ba iyong bagong trabaho mo?” tanong pa ni Isay kay Joyce.

“Ayos lang naman, besfriend. E ikaw, besfriend? Mukhang ayos ka din sa timing kasi kumakain kami,” hirit pa ni Joyce kay Isay.

Ipinaghanda uli ni Aling Linda si Isay upang makasabay ito sa pagkain.

Habang kumakain ay may napansin si Isay sa kaibigan. “Alam mo, bes? May napansin ako sayo. Parang blooming ka!” sabi pa ni Isay kay Joyce.

“Blooming?! Ako?! Anong ibig mong sabihin?” tanong pa ni Joyce kay Isay.

“Basta! Parang iba iyong aura mo. Parang... In love ka siguro! Meron kang nagugustuhan, ano?” tanong pa ni Isay kay Joyce.

Matapos kumain ang dalaga ay agad na naligo at naghanda na itong umalis. Ngunit habang nagsusuklay ay muli siyang kinulit ni Isay na nasa sala malapit sa pinto.

“Besfriend, sabihin mo nga in love ka ano?” tanong pa ni Isay kay Joyce.

“Tumigil ka nga. Hindi ako in love at hindi pwede kasi kailangan ko pang tulungan sina nanay at tatay!” sabi pa ni Joyce kay Isay.

Ngunit narinig ito nina mang Robert at aling Linda. “Anak, ayos lang na ma-in love ka. Basta ba masaya ka! Ayos lang!” sabi pa ni Aling Linda sa anak.

“Teka lang, anak. Iyong amo ba ng aso na inaalagaan mo ay lalaki ba iyon o babae?” tanong pa ni mang Robert sa anak.

“Lalaki po,” sagot pa ni Joyce sa ama.

“Naku! I’m sure gwapo iyan,” sabi pa ni Isay kay Joyce.

“Gwapo?! Napakasimpatiko non. Mayabang saka, naku, kung alam niyo lang... Basta! Mayabang siya. Mayabang!” sabi pa ni Joyce sa ama nito.

“Naku, anak huwag kang mag-alala. Magkakagusto rin sa iyo iyon. Baka di mo alam gwapo’t magaganda ang lahi natin,” sabi pa ni mang Robert sa anak.

“Naku, oo nga anak kaya nga ako nagkagusto sa tatay mo kasi sobrang gwapo nito,” pambobola pa ni Aling Linda sa asawa.

Ngumiti na lang si Joyce ngunit biglang sumali ang naghihintay na si Isay sa usapan.

“Naku, Mang Robert napakagwapo niyo nga po may lahi nga po kayong foreign blood,” sabi pa ni Isay sa ama ni Joyce.

“Talaga! Naku, anong foreign blood ba iyon ha?” excited na tanong ni Mang Robert kay Isay.

When The Right One Comes AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon