Chapter 7

47 1 0
                                    

Chapter 7

Muli ay tumunog ang cp ni Joyce. 

Ngunit nang magising ang dalaga ay tila balisa ito at tila may hinahanap sa paligid ng kanyang kwarto. 

"Asan kaya iyon?" tanong pa ni Joyce sa sarili habang inililibot ang mga mata sa paligid ng kanyang kwarto. 

"May dala kaya ako nong umuwi ako? O baka naiwan ko sa park!" dagdag pa ni Joyce sa sarili. 

Agad na bumangon si Joyce sa kanyang kama iniligpit ang kanyang kumot at unan at matapos nito ay nagsuklay ng buhok. 

Nang makalabas ng kwarto ay agad naman siyang binati nina aling Linda at mang Robert. 

"Anak! Magandang umaga! Kumusta ang tulog mo? Maayos ba?" tanong pa ni mang Robert kay Joyce. 

"Po? Siguro! Baka!" alinlangang sabi ni Joyce sa ama nito. 

"Naku! Hanggang ngayon ba e lutang ka parin? Anak magsabi ka nga talaga bang ayos ka lang?" tanong pa ni mang Robert kay Joyce. 

"Maayos naman po! Siguro talagang pagod lang ako kagabi itay!" ang sabi pa ni Joyce kay mang Robert. 

Ilang minuto lang ay dumating ulit si Isay sa bahay ni Joyce. 

"Besfriend kong maganda! Kumusta?" pasigaw pa na sabi ni isay sa kaibigan nito sabay yakap at halik niya kay Joyce sa pisngi. 

"O! Sige na kumain na kayong dalawa dyan!" ang sabi pa ni aling Linda kina Joyce at Isay. 

Habang sabay na kumakain ay naikwinto ni Joyce ka Isay ang nangyari sa kanila ni Vincent sa park nong ipinasyal nila si Guffy. 

"Alam mo! Friend, nagkabati na kami ni Vincent sa park!" ang sabi pa ni Joyce kay Isay. 

"Talaga friend! Paano?" tanong pa ni Isay kay Joyce. 

"Wala! Tinanong lang niya uli kung nagustuhan ko ba ang niluto niyang kaldereta para sa akin!" ang sabi pa ni Joyce kay Isay. 

"Ano! Kaldereta! Ipinagluto ka niya? Talaga!" gulat na tanong ni Isay kay Joyce. 

"Oo! kahapon ng umaga nong pumasok ako sa trabaho don niya pinatikim sa akin ang niluto niyang kalderetang manok" ang sabi pa ni Joyce kay Isay. 

"E ano ba kasi ang sinabi mo sa kanya nong tinikman mo ang niluto niyang kalderetang manok?" tanong pa ni Isay kay Joyce. 

"Lasang paa!" ang sabi pa ni Joyce kay Isay. 

"Paa! friend! pinagluto ka nong tao sa paborito mong pagkain! tapos sasabihin mo lang na lasang paa!" gulat na pabulong na sabi ni isay kay Joyce. 

"Bakit! Hapon ko lang kasi nalaman na para daw kasi sa akin ang niluto niyang kalderetang manok!" ang sabi pa ni Joyce kay Isay. 

"O! isipin mo iyon! tapos lasang paa! e lasang paa ba talaga?" tanong pa ni Isay kay Joyce. 

"Ayos naman! hindi naman iyong lasang paa ayos lang iyong lasa! masarap naman! takot lang kasi ako na baka asarin niya ulit ako!" ang sabi pa ni Joyce kay Isay. 

"E ibig sabihin nagbati kayo dahil sa kaldereta?" tanong pa ni Isay kay Joyce. 

"Hindi! Humingi rin naman siya ng sorry kaya tinanggap ko na kasi mukhang maayos naman ang paghingi niya ng sorry!" ang sabi pa ni Joyce kay Isay. 

"Tapos ano pa ang nangyari?" pabulong na tanong ni Isay kay Joyce. 

"Nahalikan niya ako sa pisngi!" ang sabi pa ni Joyce kay Isay. 

Sa sobrang gulat ni Isay ay halos di ito nakahinga at tila nabulunan ito sa kanyang kinaing kanin. 

"Hoy!" Bes! Inay tubig!" pasigaw pa ni Joyce kay aling Linda. 

When The Right One Comes AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon