Chapter 11

238 11 0
                                    

Striktong Patnubay at Gabay ang kailangan. Charz, di pa pwede. Pagagalitan si Aleah ng mga magulang niya, baka mapabangon si mommy at daddy nang wala sa oras. Tamang landian lang sila ni Declan sa chapter na 'to. Chizzzzz!!!

Declan Costellano

Makalipas ang ilang oras, my beloved found herself hugging me.

Hindi ko pinapahalata ang kilig para hindi niya ako asarin.

Mabuti na lang at nakatuon ang tingin at atensyon niya sa pinalanuod namin.

Nasa living room kami at nakhiga kami sa carpet habang nakasandal ang ulo ko sa paanan ng sofa habang ang posisyon naman ni Aleah ay nakapatong ang ulo sa bandang dibdib ko habang nakayakap sa aking beywang.

Nakayakap din naman ako sa kaniyang beywang. Inayos ko ang makapat na kumot sa aming dalawa dahil malikot si Aleah habang nanunuod.

Kung paminsan ay isinisiksik ni Aleah ang mukha sa akin saka hinihigpitan lalo ang yakap sa akin.

"Wanna sleep?" Bulong ko habang nakababa ang ulo para tignan siya.

Umiling siya habang nasa malaking t.v pa rin ang tingin.

Natapos ang palabas na yakap pa rin namin ang isa't isa.

Nagulat na lamang ako nang tumayo siya at hinila ako para tumayo rin.

Pinahiga niya ako sa sofa.

I mentally cursed when she hugged me.

But fvck!

Nakahiga siya sa akin.

She's on top of me while hugging me super tight. Nakabaon din ang mukha niya sa leeg ko.

Nararamdaman ko ang pag taas ng lahat ng pwedeng tumaas.

This is so bad!

"Hey, you want to sleep on your bed?" Malambing kong ani kahit kating kati na akong umalis siya sa ibabaw ko dahil baka hindi ko na mapigilan.

Naramdaman ko lang ang pag iling ng ulo niya. Madiin kong pinikit ang mga mata.

Sinubukan kong ikalma ang sarili nang marinig ang kaniyang hilik.

Nakayakap ang kamay ko sa likod niya habang ang isa naman ay sinusuklay ang buhok niya.

Nang malalim na ang kaniyang pag hinga, dahan dahan ko siyang sinalo habang tumatayo ako. Niyakap ko ang kaniyang noo bago kami umakyat patungo sa kwarto niya. 

Ihiniga ko siya nang dahan dahan. I smiled when she immediately hugged her pillow. But to my shock, she immediately woke up. 

Kinapa niya ang pwedeng makapa sa kama saka tumingin sa paligid hanggang sa tumama ang tingin namin.

Nakahinga siya ng maluwag nang makita ako. 

"Are you okay?" Tanong ko na may pag aalala habang sapo ang mukha niya.

Umiling siya at hinila ako pahiga sa tabi niya at niyakap ng mahigpit.

Fvck! Kung hindi ko lang alam na hindi ko pa siya naangkin, baka pagkamalan ko 'tong buntis at pinaglilihian ako.

"You're not okay, baby. I can sense that. Can you tell me what is it?" Malambing kong ani sa kaniya.

"I just miss mommy and daddy." Bulong niya habang nakabaon ang mukha sa leeg ko.

Napalunok ako dahil rinig ko ang lungkot sa boses. 

"Then tell me what I could do to make you feel better? You want to go to their grave?" Suhestiyon ko.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon