Mellic/Asna PoVNilabas na lahat ng gamit sa kuwarto ni Asna, at napansin ko na tila hindi maganda ang trato ng mga maid dito sa palasyo. Halos harap-harapan nilang pinagbubulungan si Princess Asna.
Nakita ko si Tanda na masama ang tingin sa akin. Pumasok na lang ako sa karwahe, wala akong ideya kung saan ito papunta, pero mas mabuti na rin na malayo ako sa lugar na iyon. Hindi ko inaasahan na tatlong araw ang biyahe papuntang Segma. Napatingin ako sa lumang mansiyon, at hindi naman ito masama.
Puno ng niyebe ang paligid, at sobrang lamig dito. Pumasok ako sa loob at ramdam ko pa rin ang lamig sa bawat sulok ng mansiyon.
"Princess Asna, dito po ang inyong silid," sabi ng isang maid habang tinitingnan ko ang kanyang masamang tingin, na tila ako'y isang peste sa kanyang mga mata. Inabot niya sa akin ang susi, at kinuha ko ito. Kung nagagawa nila ito kay Asna, ipapakita ko sa kanila kung paano magtrato ng mas masahol pa sa hayop. Sinadya kong hinulog ang susi sa harap niya.
"Nahulog ko ata... Puwede bang pulutin mo?" Napangisi ako nang makita ang naiinis niyang itsura matapos kong utusan siya. Yumuko siya, at inapakan ko ang susi sa paanan ko.
"Gusto kong pulutin mo iyan gamit ang bibig mo." Napangisi ako sa expression na pinapakita niya.
"ANO TINGIN MO SAAKIN, HAYOP—" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil sinampal ko siya ng malakas. Limang beses na malutong na sampal ang pinakawalan ko. Dumugo ang pisngi niya, at lahat ng mga maid at butler ko ay naalarma sa aking ginawa.
"Simula ngayon, matuto kayong lumugar at gumalang sa mas nakakataas sa inyo. Dahil kung hindi, hindi lang sampal ang ibibigay ko kundi pupulutin kayong patay sa lugar na ito. Maliwanag ba!" sambit ko, at kitang-kita ko kung paano sila natakot sa banta ko.
"At ikaw! Bilang parusa sa pangit na trato mo sa master mo, gusto kong putulin mo ang daliri mo dahil kung hindi, ako ang puputol sa braso mo." Nanginginig ang katawan niya.
Umalis na ako at pumasok sa silid ko. Napagtanto ko na kailangan mong maging masama at walang awa sa paningin nila dahil kung hindi, malamang ikaw ang kawawa.
Pumasok ako sa silid ko, at bawat sulok ng kuwarto ko ay sobrang lamig. Ganito ba talaga dito sa Segma? Umupo ako sa upuan at nag-isip. Bakit ako dinala ng matandang iyon dito? Tiningnan ko ang bawat sulok ng silid ko, at hindi na rin ito masama.
Tumawag ako ng maid at pinalinis sa kanila ng maigi, samantalang nagpasama ako kay Albert na maglibot sa buong mansiyon. Mas iba ito kumpara sa mansiyon na nakita ko kay Tanda bago ko naimulat ang aking mata.
Nakakalungkot lang dahil hindi ko man lang nasabi kay Sally ang sekreto ko bago ako mamatay. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Hindi ko nasabi sa kanya na anak ako ng kilalang mafia, ang number one criminal sa bansa. Dahil sa kanya, nagkawatak-watak kaming magkakapatid. O dapat ko bang sabihin na ako ang umalis?
Bakit? Kasi hindi ko na kayang mawalan pa ng kaibigan dahil lang sa nalaman nilang isang mafia ang papa ko.
"Albert, bukod sa mga maid at ikaw, sino pa ang kasama ko nakatira dito?" tanong ko para maging aware sa mga tao dito. Hindi na uso sa ganitong sitwasyon ang magulat pa; mas mabuti na panindigan ang oportunidad na ibinigay sa akin para mabuhay.
"Princess Violet po, Princess Asna."
"Violet? At sino naman siya?"
"Sa ngayon, hindi pa siya nakarating dahil imbitado siya sa tea party ng mga Fransesca." Tumango lang ako at naglakad sa buong paligid, naiwan ko si Albert dahil may pinaasikaso ako sa kanya.
Sobrang hirap maging ganito ka pormal, pero kakayanin ko dahil hindi ko gusto ang mga ugali nila. Saka na ako magiging loka-loka kapag inayos na nila ang ugali nila. Sa totoo lang, hindi naman akong masamang tao. Masama lang talaga ako magalit, lalo na't lumaki ako sa striktong pamilya.
BINABASA MO ANG
When a Villain wants a freedom (COMPLETE)
FantasyNamatay siya dahil sa car accident at hindi inaasahan na mapupunta siya sa libro na binili ng best friend. eh Combat books mga gusto niya! Hindi cliche na mga stories. plus na possess pa niya Ang katawan ng kontrabida sa book na soon mamatay sa lib...