Chapter 2

11.3K 384 47
                                    


Mellic/Asna PoV


"Please Asna, kung puwede lang, huwag ka nang pumunta sa party. Mas mabuting huwag na... Hindi mo alam kung anong kahihiyan ang dinadala mo sa pamilyang ito," sambit ni Xyn na nasa harapan ko.

"Bakit, hindi ka na lang mag-tsaa, kuya? Sobrang lamig ngayon, baka magkasakit ka," sinadya kong maging mabait sa harapan niya, kunwari para hindi ko siya magulat.

"Hindi ako pumunta dito para mag-tsaa lang—" tinaas ko ang kamay ko para patigilin siya.

"Shhhhh... Tahimik ka lang. Hindi na ako tao na sumusunod sa mga utos ng mga taong hindi nakikinig," sabi ko habang umiinom ng tsaa.

"What? Hindi ka ba makikinig? Iyan ang dahilan kung bakit hate kita, ASNA... Mula ngayon, hindi na kita makikita ulit!" sigaw niya, mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Then go ahead... Mutual ang pakiramdam. Ayoko ring makita ang basura na tulad mo na gumagamit ng iba para sa sarili mong kapakanan." Umalis na nga siya at napalingon ako kay Violet na pumalapak sa gilid.

"Congratulations, bitch," sabi nito.

"Nagsisimula pa lang ako... Kaya umalis ka na sa paningin ko. Ayoko pang pumatay ng maaga," sambit ko at napatingin ako sa bintana at nakita kong paalis na din siya. Tsk! Plastic...

"Asna! May sasabihin ako sa iyo," sambit nito na parang excited pa ang bruha na ito.

"Kung walang kuwenta iyan, mas mabuti pang tumahimik ka na lang dahil wala akong ganang makinig."

"Okay! Narealize ko na parehas lang tayo, kaya tinanggap kita bilang kapatid. Ano, maganda ba ang ideya?" nakangiting sabi niya.

"Excuse me? Ano bang ibig mong sabihin? Tinanggap mo akong kapatid? God! Kahit na hindi mo ako tinanggap na kapatid, hindi kita kailangan... Dahil wala kang kwenta nang mag-isa. Ano ba naman ang pinagkaiba mo sa mga katulong dito?"

"Hindi mo nga kayang ma-impress ang Duke dahil sa effort mo. Ang magagawa mo na lang sa pamilyang iyon ay maging sunud-sunuran sa gusto nila, parang aso." Alam kong masakit ang sinabi ko pero gusto kong isampal sa kanya ang realidad na hindi siya katumbas ko.

"Bantayan mo ang bibig mo, Violet. Hindi ka mananalo sa akin... Kaya kung gusto mong makipagtulungan, tahimik ka lang at sundin mo ang aking mga utos kung gusto mong tanggapin."

"So ano ang plano mo? Wala tayong laban sa kanila. Nakakulong lang tayo dito sa Segma at hindi man lang tayo binigyan ng atensyon dito," sambit nito na parang kawawang tuta sa harapan ko.

"Bigyan mo ako ng isang linggo para isipin iyan... Pero kailangan kong pumunta sa party na iyon. May kutob ako na may tinatago sila," sambit ko dahil sa tono palang ng pananalita ni Xyn, parang desperado talaga siyang ayaw akong papuntahin sa banquet.

"Ako na ang bahala riyan," sambit niya.

"Mabuti naman, kahit papaano may silbi ka rin," sambit ko at tinitigan niya lang ako ng masama at padabog na umalis. Kahit ganyan ang babaeng iyan, alam kong magkakasundo kami.

****

Nasa loob ako ng library dahil naghahanap ako ng impormasyon tungkol sa lugar na ito. At napag-alaman ko na isa sa pinakamakapangyarihan ang pamilya namin, kaya laking galit ng matandang iyon nang gumawa ng katangahan si Asna sa mismong parte nila.

Hindi ko nabanggit sa inyo na biglang may sumusulpot na alaala ni Asna sa utak ko, kaya ko nalaman ang tungkol kay Violet. Napag-isipan kong umalis muna sa mansion, halos walang bahay ang nakatira dito. Hindi lang ako sigurado pero sabi nila, pag-aari ito ni Tanda ang buong lupain sa Segma.

When a Villain wants a freedom (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon