Levana Hera Nyx's Point of View
"Ate! Ate! Ate! Wake up! You're having a nightmare again."
Napabalikwas ako dahil sa mumunting tinig na aking narinig. Pawis na pawis at nanginginig pa. Napanaginipan ko na naman ang araw na iyon, ang pinakamasalimuot na araw na aking naranasan. Hindi ko na it gustong maalala pa ngunit patuloy ako nitong hinahabol. Ayaw ko nang maalala ang nakaraan ngunit ito mismo ang lumalapit sa akin. Hindi ko na kaya pa.
Bakit ba kailangang hanggang ngayon ay habulin ako ng nakaraan ko?
"Ate, okay ka lang ba? Binabangungot ka na naman. Gusto mong ikuha kita ng tubig?"
"O-Okay lang ako, Levin. Huwag ka nang mag-alala pa. Kaya ko ang sarili ko."
"Sigurado ka, Ate? I can sleep here beside you naman po, sasamahan po kita rito sa kama mo."
"Huh? O-Oo. Matulog kana, Levin, dahil may pasok ka pa bukas. Bawal ka pa namang ma-late."
"Oh, sige, Ate."
Ginulo ko muna ang kan'yang buhok bago siya umalis at humiga sa kabilang kama na narito sa aming maliit na kuwarto. Napabuntong hininga na lang ako bago sinubukan muling matulog. Pinipigilan kong mag-isip ng mga bagay na mas lalong nagbibigay sa akin ng ala-ala mula noon.
That day, that nightmare still hunts me until now. I don't know what to do anymore, I'm scared, really really scared. I don't want to feel this anymore but I can't scape that easily. Ayaw ko na nito! Gusto ko nang magmove on from my past but I can't.
Pinilit ko na lang ang sarili ko na makatulog kahit nanginginig pa rin ako sa takot. Hindi ko na gusto pang abalahin ang kapatid ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising na tulala lang, kahit wala sa sarili ay nagluto ako ng aming makakain. Baka walang makain si Levin bago pumasok sa school.
Ilang sandali pa nga ay narito na si Levin. Nakabihis na rin siya ng kan'yang uniform at ready na pumasok, kakain na lang.
"Morning, Ate Lev."
"Morning too, Levin."
"Ayos ka na ba, Ate? Kaya mo na po ba ang sarili mo?"
"Huwag mo na akong alalahanin pa, Levin. I'm okay now."
Tinignan niya lang ako na parang hindi siya naniniwala sa akin. Tumawa ako ng bahagya at ngumiti sa kan'ya upang ipakita na ayos lang talaga ako.
"Levin, I'm okay. Don't worry too much."
"Hindi mo maiaalis sa akin ang hindi mag-alala sa 'yo, Ate. I don't want to see you suffer more because of what happened many years ago but I can't do anything to erase those memory of yours. I want to help you but I don't know how. Tsk, such a useless brother of yours."
Napangiti na lang ako sa inasta ng aking kapatid, he loves me as much as I love him. Kaming dalawa na lang din kasi ang nabubuhay sa angkan namin. Matapos ng nangyari ay ipinangako kong gagawin ko ang lahat upang protektahan ang kapatid ko sa abot ng aking makakaya. I don't want to risk his life too. Hangga't maaari ay ayaw kong nasasaktan ang kapatid ko.
He's 3 years old way back then when that incident happened while me, I was 12 years old kaya wala pa siya gaanong alam that time. He was an innocent child when we lost everything.
"Don't worry too much, Levin. I can handle myself. I'm strong."
"Tsk."
I'm 23 now while Levin is 14. 11 years had passed but it still hunts me. Kahit ano'ng gawin ko ay hinahabol pa rin ako ng nakaraan. Gusto kong mamuhay nang tahimik kasama ang kapatid ko pero hindi ko magawa kasi hanggang ngayon ay takot pa rin ako, takot na takot. Nai-imagine ko na nand'yan pa rin sila sa paligid ko at umaaligid, naghihintay ng tamang tiyempo para kami ay mabalikan. I'm too paranoid.
BINABASA MO ANG
Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓
RomanceFerrer Series #2 Covered by: Acesu Graphics