Levana Hera Nyx's Point of View
"Sigurado ka bang sasama ka sa akin papuntang palengke?"
"Of course. Why don't you want me to come with you?" Nakakunot noo niyang tanong habang inaayos ang magulo niyang buhok.
Nilapitan ko ito at ako na ang nag-ayos ng kaniyang buhok. Nakabihis na rin siya ng simpleng damit. Pero mukhang mas mamahalin pa ang kaniyang suot kaysa sa bibilhin namin. Oo, pang-bahay lang ang suot niya pero mahahalata mo ang mataas na kalidad ng tela na ginamit sa kaniyang damit. Mamaya nga ay bibilhan ko siya ng damit at short sa ukay-ukay. Sana lang ay suotin niya. Balat-mayaman pa mandin ang isang 'to. Baka ayawan niya. O kaya naman ay mangati ang kaniyang balat dahil sa damit.
"Wala naman. Baka kasi mabigla ka. Marumi pa mandin doon."
"Baby, I am a man. Ano bang mayroon diyan sa palengke n'yo at ayaw mo akong pasamahin. May pogi ba roon? May nagugustuhan ka ba roon?" Tanong niya at itinaas pa ang kilay. Natawa ako dahil sa kaniyang sinabi.
"Haynaku, Thunder. Kahit naman may pogi roon ay alam mo naman na ikaw lang ang pinakapogi sa mga mata ko, 'di ba? Huwag ka na ngang magtampo. Hindi bagay sa iyo."
Ngumiti siya bago hinapit ang aking bewang at marahang hinalikan. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako kapag hinahalikan niya. Sino nga ba ang hindi? Sobrang pogi ng isang 'to at nararanasan ko na matikman ang labi niya.
"Damn! Huwag na kaya tayong umalis? Dito na lang tayo sa bahay mo?" Natatawa niyang tanong nang bitawan ang aking labi.
"Hindi puwede. Wala na kaming stock."
Sumimangot lang siya at mas lalo pa akong hinapit. Naglakad kami papuntang pintuan at agad ko itong isinara.
"Are we going to use my car, baby?" Tanong niya.
"Naku, hindi puwede ang kotse mo sa palengke. Magtricycle na lang tayo para mas mapadali."
Tumango naman siya sa sinabi ko kaya't pumunta na kami sa paradahan. Ramdam ko ang titig ng mga chismosa naming kapitbahay. Halos araw-araw ay ganiyan sila sa akin. Siguro ay iniisip niyang ginayuma ko si Thunder kaya niya ako pinatulan.
Mga tao nga naman. Kapag inggit, nagagawa nilang manglait. Hindi muna pansinin ang mga itsura at ugali nila kung akma ba sa sinasabihan nila. May iba nga rito na wagas kung manghusga pero mas malala pa pala sila kaysa sa akin.
Hindi ko na lang pinansin ang mga tinginan nila hanggang sa nakarating kami sa paradahan. Sinabi ko sa driver na sa palengke kami pupunta. Medyo malayo-layo rin kasi iyon dito sa amin. Kailangan talaga naming sumakay muna sa tricycle bago makarating ng palengke.
Pagkarating nga ng palengke ay kita ko kaagad ang pagkunot ng noo ni Thunder kaya hindi ko maiwasan na matawa. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Alam kong hindi siya sanay sa ganitong uri ng lugar. For sure ay sa mga mall sila namimili or super market. O baka naman mga maid nila ang namimili ng kanilang mga stock.
"Ayos ka lang?"
"What kind of place is this, baby?"
"Palengke."
"Oh, so, this is palengke?"
"Tara na sa loob?"
Tumango siya kaya agad kong hinawakan ang kaniyang kamay at naglakad na papuntang loob. Hindi naman ganoon kabaho sa loob, 'yon nga lang minsan ay may sumusulpot na mga daga. Rinig ko ang mahinang mura niya sa aking likuran. Hays, bakit kasi sinama ko pa siya rito? Dapat talaga ay iniwan ko na lang siya sa bahay.
"Damn, baby. Are you sure the foods are safe in this kind of place? Look at those big rats, baby. Kasing laki na sila ng kamao ko."
"Huwag ka nga. Mabubuhay ba kami ng ilang taon kung hindi safe ang mga gulay at pagkain dito?"
BINABASA MO ANG
Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓
RomansFerrer Series #2 Covered by: Acesu Graphics