Levana Hera Nyx's Point of View
How many times do I have to tell you to stay away from that Ferrer guy? You should listen to me, my queen, if you want that guy to live. I am not kidding. I'll kill him for sure. It's near, I'll get you so be ready.
Nanginginig ako habang tinitignan ang letter na nakalagay sa bulaklak. Kaninang umaga ay nakita ko na lang ito na nakalagay sa aming lamesa. Akala ko nga noong una ay galing kay Thunder. Mabuti na lang ay hindi pa ito nakikita ni Levin. At ayaw kong sabihin sa kaniya. Baka mag-alala rin siya sa akin.
Hindi ko sinasabi sa kahit kanino na may nagpadala sa akin ng ganito. Baka mag-alala lang ang dalawang iyon at kung ano pa ang gawin. Mas mabuting ako lang ang nakakaalam at gagawin ko ang lahat upang malaman ko kung sino ang nagpapadala ng mga sulat at bulaklak na ito.
Agad ko nang niligpit ang bulaklak at sulat, tinapon ko ito sa basurahan at sinigurong hindi makikita ni Thunder o Levin. Pagkatapos ay pumunta na ulit ako sa kusina upang magluto ng aming umagahan.
Hindi mawala sa aking isip ang bulaklak at sulat. Gusto kong malaman kung sino ang nagpadala ng mga iyon sa akin. Gusto ko siyang kausapin at tanungin kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Ngunit hindi ko naman alam kung kanino ako hihingi ng tulong.
Natatakot na ako, natatakot ako sa puwede niyang gawin lalo pa ngayon at nalaman kong nakapasok na siya rito sa bahay namin. Hindi na kami safe!
"Ate!"
"Ayy palaka! Ano ba, Levin? Bakit mo ako ginulat?"
"Ano'ng ginulat? Kanina pa kaya kita tinatawag pero hindi mo naman ako pinapansin," nakangusong sagot ni Levin bago naupo sa bangko.
Nakabihis na rin siya at talagang kakain na lang para lumarga na papuntang school.
"Kumusta ang school mo?"
Nilagay ko na ang sinangag sa bandihado at tatlong piraso ng pritong itlog sa mangkok. Ipinagtimpla ko na rin siya ng gatas bago naupo sa bangkong kaharap ng kaniya.
"Ayos lang naman. School pa rin," sagot niya kaya mahina kong hinampas ang kaniyang ulo. "Ate naman!"
"Tinatanong kasi kita nang maayos kaya sumagot ka nang maayos."
"Ayos lang naman kasi talaga. Huwag kang mag-alala dahil baka ngayong finals ay kasama na ako sa with high honor. Magaling ako kaya wala kang dapat na ikabahala sa grades ko," sagot niya na may bahid ng kayabangan sa boses.
"Ang yabang mo talaga, 'no? Kapag ikaw lang bumagsak, hindi kita bibilhan ng bike na gusto mo."
"Okay lang. Si Kuya Thunder na lang ang bibili ng bike ko," dahilan niya pa kaya kumunot ang aking noo.
"Ano'ng si Thunder ang sinabi mo?"
"Ayaw mo kasi akong bilhan kaya nagpresenta si Kuya na siya na lang daw ang bibili. Alangan namang tumanggi ako? Grasya na 'yon, 'no," aniya kaya napailing na lang ako ng ulo.
Spoil na spoil na talaga ni Thunder ang kapatid ko. Kaunti na lang siguro ay mas paborito na ni Levin si Thunder.
"Mas paborito mo na yata ang Kuya Thunder mo kaysa sa akin na totoo mong Ate?"
"Selos ka naman? Binibili lang ni Kuya ang gusto ko pero ikaw pa rin ang mas love ko," nakangiti niyang sagot kaya napangiti na lang din ako.
Minsan lang magsabi ng mga ganitong salita si Levin. Manang-mana talaga siya sa Daddy namin na may pagka-cold din minsan.
"Kailan ka kaya magkakaroon ng girlfriend?"
"Utak mo nga, Ate. Bata pa ako para sa mga gan'yang bagay," sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓
RomanceFerrer Series #2 Covered by: Acesu Graphics