Levana Hera Nyx's Point of View
Napa-stretch ako ng braso at leeg ko matapos linisin ang table ko, masyadong magulo kaya masakit sa mata tignan. Ayaw ko nang makalat ang table ko dahil nadi-distract lang ako at hangga't maaari ay nasa tamang lagayan ang mga papeles. At isa pa ay mahirap maghanap kapag nakakalat ang mga gamit.
Teka? Ano'ng oras na ba at parang nagugutom na ako? Masyado kasi akong busy sa pagbabasa ng mga dokumetong ipapasa kay Mr. Ferrer kaya hindi ko na namalayan pa ang oras. Dapat ay matignan ko muna ang mga iyon bago ipasa kay Mr. Ferrer, minsan kasi ay mga napapasamang marriage contract.
Funny, right? Masyado na talagang desperada ang ilang kababaihan ngayon para lang sa taong gusto nila. Kadalasan ay lima hanggang walong marriage contract ang nakikita ko kada araw na kasama ng mga papeles na ipinapasa kay Mr. Ferrer.
Napatingin ako sa aking relo at doon ay nakitang mag-aalas dose na rin pala. Wait? Alas dose? Bakit hindi pa lumalabas si Mr. Ferrer sa opisina niya? Kanina pa natapos ang pictorial niya at agaran din naman kaming umuwi dahil ang sabi niya ay pagod na raw siya.
I sighed heavily and went to his office, I knocked three times but I didn't hear any noise. What is he doing? Tulog ba ang boss ko?
"Sir? Sir? It's lunch time already, Sir."
Binuksan ko ang pinto at doon ay nakitang natutulog si Mr. Ferrer kaya naman nilapitan ko siya. Tinitigan ko ang guwapo nitong mukha.
Minsan ko na ring nakita ng kan'yang ama at ina na sina Mr. Vhiel Adriel Ferrer at Mrs. Lexie Mazelle Ferrer at masasabi kong kamukhang-kamukha niya ang kan'yang ama, maliban na lang sa mata dahil kay Mrs. Ferrer niya ito nakuha.
Tinapik-tapik ko ang pisnge niya upang gisingin. Tanghali na, hindi maganda sa isang tao na nalilipasan siya ng gutom. At baka sisihin niya pa ako kapag nagising siyang gutom.
"Sir, wake up."
Ilang beses ko pa siyang tinapik at pagkaraa'y nagising na rin. Nanliit ang kan'yang mga mata at parang kinikilala pa ako. Nang makilala ay agad na ngumisi at hinila ang bewang ko.
Wait, what? Hinila ang bewang?
He pulled my waist and hug it tight, he made me sit on his lap. He sniff my neck too that made me nervous. What is happening? Ano itong ginagawa ng boss ko sa akin? Mali ito! Bakit niya ba ginagawa sa akin 'to?
"Hey there, my baby," malambing niyang saad at bahagyang hinalikan ang kaliwa kong pisnge.
Pigil ang hininga ko dahil sa ginagawa niya. Hindi ito ang boss ko! Ano bang nangyayari a boss ko? Sinapian ba siya?
W-What? B-Baby?
"S-Sir."
Sinubukan kong kumawala sa pagkakayakap niya pero useless lang din ito dahil kapag sinusubukan kumawala ay mas hinihigpitan niya lang ng yakap. Hindi na ako makahinga nang mayos! Kailan ko nang makawala at baka bigla na lang akong himatayin dahil sa sobrang kaba.
"Stay still, baby. I want to hug you. Let us stay like this for a minute, 'kay?" Saad niya at inilagay ang mukha sa pagitan ng aking leeg.
Shit his voice! Sobrang lambing na ngayon ko lamang narinig. Confirm! Na-engkanto ang boss ko! Tatawag na ba ako ng albularyo?
"S-Sir, let m-me go. I can't breath."
"Hmmm, okay."
Bago niya ako pakawalan ay hinalikan niya muna ang aking pisnge sa kaliwa na siyang dahilan upang mamula ang buo kong mukha. Boss naman!
Ano'ng bang nangyayari sa boss ko? Nababaliw na ba 'to? Engkanto talaga 'to!
Diyos ko, tanggalin niyo po sana ang masamang espiritu na sumapi sa boss ko. Baka po tuluyan na siyang lamunin. Mas gusto kong bumubuga siya ng apoy kaysa itong para siyang bata na nanlalambing. Hindi ako sanay.
BINABASA MO ANG
Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓
RomanceFerrer Series #2 Covered by: Acesu Graphics